EVERYTHING IS GOOD

137 30 0
                                    

CHAPTER FIVE: EVERYTHING IS GOOD

" that flattering feeling is because of you,
everything is so good "

"Weh, 'di nga?"

"Anong 'di nga? Wala nga eh! Kaibigan ko lang siya! Ang kukulit niyo mga marites!"

We all laughed after, I took a sip of my diet coke and gave Yael a head's up, he could tell how worried I am and also... how uncomfortable this whole situation is at this moment with these people.

'Di ako makapaniwalang napunta kaming dalawa sa sitwasyon na 'to. We are hanging out with our classmates, our classmates from both of our sections. It's one of those moments where two classes would have the same time of sharing the whole school gym.

Some of us are kind of friends but then I think we're all too close to each other right now, me and Yael are in some situation... and it's weird.

"Talagang... wala kayong nararamdaman para isa't-isa?" dagdag na tanong pa ng iba.

Yes, me and Yael are in a situation where they think me and him are in love with each other. Alam ko na maraming nacucurious kung wala man lang ba 'kong crush sa Manuel twins, silang dalawa ni Yael at Jaxon.

Close kasi kaming tatlo, may mga kaibigan naman din ako sa seksyon ko, lima nga kami eh... pero bakit lagi na lang pinag-iipit na may meron akong crush sa isa sa kambal.

Parang sa tuwing may bago akong nakakausap na estudyante, ang unang asar o unang usap ay yung tungkol sa'ming tatlo.

Ilang beses ko na ring sinabi na wala ngang nangyayari, na wala akong gusto sa isa kanilang dalawa, but if there is someone that they think I'm in some relationship with... it's always Yael.

Ano bang nakikita nila sa'ming dalawa na napapaisip sila na may meron something sa'ming dalawa?

Maiintindihan ko pa kung yung babaeng kaklase niya sa seksyon niya na lagi niyang katabi eh, lagi naman kasi silang nagbubulungan tapos may tawanan pang kasama.

Maiintindihan ko, pero bakit ako lagi? Dahil nag-aakbayan kami? Nag-shashare kami nang pagkain? Ganun naman din ako kay Jaxon ah? Ba't 'di na lang si Jaxon?

Bagay naman din kami ah? Gwapo siya... tsaka parang maganda naman din ako, 'di ba?

"Wala talaga, pramis! Mamatay man!"

"Ayan na, nagpapramis na si 'Dria oh, wala nga raw, kayo talaga!"

"Bakit ba kasi kami?" natatawa 'kong sambit at ininom pa ang diet coke ko, tumabi ako kay Yael na tinatapos yung iniinom niyang Sprite.

"Chemistry."

"C-Chemistry?" nauutal kong sabi.

'Di ako makapaniwalang yan ang rason nila. Anong chemistry? Saan naman yung chemistry na'ming dalawa? Paano yun? Kahit si Yael nalito sa sinabi nila, 'di rin siya makapaniwala kaya binilog niya na lang yung mga mata niya.

"Sa tuwing nagtitingin kayo sa isa't-isa, parang may kuryente eh."

"Di kami Meralco hoy!"

"Mas malupit pa kayo sa Meralco, 'Dria! Kung 'di pa kayo baka may pag-asa pa rin~"

"Ayieee~"

Ang lalandi ng mga lalaking 'to, kahit yung mga babaeng estudyante sumasang-ayon na lang din, kinikilig din sila na para bang sobrang enjoy sila sa kung ano mang 'meron' saming dalawa ni Yael.

OFF-LIMITS ✔️Where stories live. Discover now