#Conditions

1.5K 37 2
                                    

#Conditions

Kahit gaano pa kaamo ang mukha ngayon ni Jorizce habang sinusuot ang sandals ni Miah ay tinatak niya pa rin sa kanyang isipan na masama ito. Kahit na pumayag pa ito sa kondisyong kanyang inilatag ay nilagay na niya sa kanyang isipan na hindi niya dapat ibigay ang buong tiwala sa lalaking Exist. Sana lang ay mapanindigan niya iyon lalo pa’t may kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata. Tulad ngayon. Nakatitig lang ang lalaki sa kanya habang nakaluhod pa rin kahit tapos na nitong maisuot ang kanyang sandals. Those green eyes of him were telling her to trust him fully especially on their current situation. Nasa lugar sila na pareho nilang hindi alam. Babae siya. Mahina. Jorizce was a huge help for her in case of unexpected trouble. Hindi lang dahil sa lalaki ito pero dahil sa kakaibang nilalang pa ito. Kailangang pumayag ito sa gusto niya.

“What now?” lakas loob niyang pagsita rito. “Pwede ka ng umalis. Hindi ka naman sang-ayon sa gusto ko hindi ba?” pasimpleng paraan nya upang malaman ang tugon nito. At the back of her ay nananalangin siyang pumayag ito. Tila kahit papano ay makakaganti siya rito kapag pumayag sa kanyang kondisyon.

Tumayo na ito but he was still staring at her.

“Excuse me. Gagawa nalang ako ng paraan mag-isa para makaalis sa lugar na rito.” Hinawi niya ang balikat nito saka paika-ika pa ring lumakad.

“Okay fine! Payag na ako sa mga kondisyon mo!” narinig niyang sigaw nito. Nakataikod siya rito kaya hindi niya nakikita kung seryoso ba ang mukha nito o baka pinagloloko na siya. She still smiled then bites her lower lip. As she turned around binalik niya ang seryosong hilatsa ng kanyang mukha. Nakita naman niya ang dismayadong mukha nito na para bang napipilitan lang.

“As I look at your face parang hindi naman bukal sa loob mo na pumayag sa mga kondisyon ko.” She raised her brow.

“May nalalaman ka pang bukal dyan. Pumayag na nga eh.” Iniba nito ang tingin.

“Mahirap na dahil kapag hindi bukal sa loob mo na sundin ang mga kondisyon ko ay baka gamitan mo pa ako ng kapangyarihan mo. Using your powers is betrayal to the condition. May kapangyarihan ka. Ako wala. Mahirap na.” Dagdag naman niya. She wanted to assure na susundin siya nito.

Dinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga nito. “Hindi pa ba sapat na dahilan na gusto kitang alagaan kaya pumapayag ako sa gusto mo?” tanong nito.

She swallowed dry. She then realized na hindi lang pala sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata may kakaiba siyang nararamdaman kundi kapag sinasabi rin nitong ang mga kawirduhang bagay na iyon na taliwas sa dating pakikitungo sa kanya ng lalaki.

“That is somehow a piece of your sh*t!” malutong nyang tugon. This time ay mas nangingibabaw pa rin ang galit niya para rito kaysa sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ng kanyang puso. “Mas lalong hindi ako dapat magtiwala sayo, alam mo ba yon? Pagkagising ko mula sa walang pakundangan mong pagpapatulog sa akin magigising ako na nasa ibang lugar na at concern ka na sa akin. Sa tingin mo ganon lang kadali yon?!” bulalas niya.

Hindi ito nakaimik. Once again she turned her back. Ano pa nga ba ang aasahan niya mula rito kundi kasinungalingan? When she was about to go bigla naman itong tumikhim.

FANTASY Book 1: THEY EXISTWhere stories live. Discover now