#NewMemories

1.6K 50 25
                                    

A/N Non-stop suspense and kilig ang patuloy na ibibigay ng JelSya at JorIah sa inyo! Wink! Sana kiligin kayo kasi ako kinikilig na iniisip ko palang ang mga scenes. Hehe! Wink! Thanks pos a inyo mga pinakamamahal kong readers sa comment party sa previous chapter. Sana di kayo magsawa. Please share it and vote pa pows! Thank you so so much! J

Social Media Spontaneous Lady -- Get to know me! Magkulitan tayo!

twitter: @lady_25me

facebook: https://www.facebook.com/jayson.aldama.5

booklat: http://www.booklat.com.ph/profile/14488

instagram: spontaneous_aldama

twitter-pipilitin kong lahat ng writing and story life ko ay dito i-tweet para sa inyo

facebook- more personal post po dyan pero pinaka-active ako, makikilala niyo ako dyan ng bongga! may writing post din naman ako dyan at madalas din kaya. Feel free to comment and message me po!

booklat- expansion ng aking writing life!

instagram- lahat ng pictures ng special moments ko at ang mga kaharutan ko ay dito niyo matatagpuan

28. #NewMemories

Napalunok si Jorizce habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Miah. He looked at her sleeping and beautiful face. Beautiful? Yes. She was beautiful. Isang katangian ng babaeng ilang beses na niyang ginamit. Katangiang ngayon lang nya napansin. He shook his head slowly. What am I thinking?

 

“I-kiss mo na si Sleeping Beauty kuya!” biglang bulalas ng batang babae sa kanyang tabi. Bahagya pa siyang nagulat dito dahil sa kung anu-anong naiisip niya.

Marahan niyang binaling ang tingin sa bata. Pilit siyang ngumiti. “Alam mong bata ka kung anu-ano ang kinikwento sayo ng nanay mo. Bawal nakakakita ang bata ng nagki-kiss. Bata ka pa.” bigla tuloy napalabi ang bata sa sinabi niya.

“Ikaw nga kasi ang prinsipe! Kiss mo na siya dali. Tatakpan ko ang mata ko!” nilagay pa nito ang mga palad sa mata pero may mga espayo naman at nakikita pa rin ang mga mata nito.

“Pilya kang bata ka.” Hindi niya maiwasang mangiti ng dahil sa reaksyon ng bata. Kung alam lang niya kung gaano kabagay sa kanya ang may ngiti sa mga labi. Matagal na rin hindi iyon naipinta ni Jorizce sa kanyang mukha. Kahit siya ay biglang nanibago sa kanyang sarili.

Tumayo siya saka ginulo ang buhok ng bata. “Ang mabuti pa ay pahiramin mo nalang ako ng tabo mo at nyang dala mong lubid. Puntahan mo na ang tatay mo at sabihin mo ay may tinulungan kang prinsipe. Pagbalik mo mamaya ay hahalikan ko na ang Sleeping Beauty. Okay ba yon?” isang plano ang nabuo sa kanyang isipan.

“Talaga hahalikan mo na siya?!” masiglang paniniguro ng bata.

“Oo!” pilit nyang pagpapasigla sa kanyang reaksyon para mas lalong maenganyo ang bata.

“Heto na kuya!” inabot na nito ang isang tabong tubig sa kanya pati na rin ang lubid. Tumalikod na rin kaagad ang bata saka dali-daling tumakbo palayo.

FANTASY Book 1: THEY EXISTWhere stories live. Discover now