#SurprisesOfReunion

1.2K 46 4
                                    

Hello friendship-readers!! J Kumusta naman? Sorry kung natatagalan ang mga ud. Busy lang po talaga. Last 6 chapters nalang ang book 1 ng Fantasy trilogy kaya wag na po sana kayong bumitiw. Share FTE, vote and join the comment party!! Thank you po!

Oh si Kevin na po ng Two for the Price of One #TFTPOO ang profile picture ko ngayon. Check it out po!! Malapit ng matapos ang TFTPOO as in two chapters nalang po kaya sana mabasa niyo na rin. Salamat! Si Arwynn nag dubsmash haha! Ayun naka-share din pos a timeline ko. Sana ma-enjoy niyo!! Mwah!

twitter: @lady_25me

facebook: https://www.facebook.com/jayson.aldama.5

booklat: http://www.booklat.com.ph/profile/14488

instagram: spontaneous_aldama

34. #SurprisesOfReunion

"Eva." Tugon naman ng lalaking bumukas ng pinto. Ang berde nitong mga mata ang tuluyang nagpaalala kay Tasya kung sino ito. Ang Exist na kumuha sa kanyang kaibigang si Miah. Ngunit may nalalaman pa siya na iba sa nalalaman ng lahat. Iyon ay ang partisipasyon ni Jorizce at ni Miah sa propesiya.

"Nasan ang kaibigan ko?!" bulalas niya.

Hindi man lang nito magawang sumagot sapagkat sa isang iglap ay napunta na sa likod nito si Eva upang isakal sa leeg nito ang mga braso nito.

"You deserve to die!" nangigigil na saad ni Eva. Sa isang kisap mata naman ay si Joven ang sumugod at walang awang pinagsusuntok sa sikmura si Jorizce. Hindi ito lumalaban ngunit hindi naman mababakas sa mukha nito ang sakit.

"Nasaan na si Miah?!" si Joven bago ilipat sa mukha ng Exist ang pagsapak. Kaliwa. Kanan. Tatlong beses ding dumapo sa magkabilang pisngi nito ang kanang kamao ng bampira.

Hindi magpapaawat sina Joven at Eva sa pananakita kay Jorizce sapagkat alam ni Tasya kung gaano ito kalupit. Ngunit may isang bahagi sa kanyang isipan ang nagsasabing hindi dapat matuloy ang kaguluhang ito. Maraming higit na mahahalagang bagay ang dapat nilang mapagtuonan ng pansin. Ang propesiya. Ang pagtakas. Si Jelan. Nararamdaman niyang kung narito ang Exist na berde ang mga mata ay malamang narito rin ang kanyang kaibigang si Jeremiah.

"Kailan ko silang pigilan." Sambit niya. Napansin naman niya ang biglang pag-alis ni Ramon, ang lalaking nagdala sa kanila sa lugar na ito. "Ano..." hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang nag-amok na rin si Jorizce. Isang suntukan lang sa magkabilang kamao ang kanyang mga kaibigan at saka na sila tumumba. Napaurong siya sa paglakad. Napagtanto niyang lakas nga pala ang kapangyarihan nito.

"Umalis na kayo rito!" sigaw ng lalaking Exist. Nagngangalit na ito.

"Hindi kami aalis hangga't hindi mo nilalabas si Miah!" tugon ni Joven na nagliliyab din sa galit.

"Kung kailangang mamatay kami ngayong gabing ito para lang mapatay ka ay gagawin namin! Wala kang kwentang Exist! Wala kang kwentang nilalang! Ginulo mo ang ating mga buhay! Makasarili ka!" bulalas naman ni Eva. Mabilis pa sa kidlat ng mawala ito at sa muling paglitaw ay nasa likuran na ni Jorizce at isang matinding suntok at sipa ang ginawa ng babaeng Exist sa likod nito. Hindi naman nagpahuli si Joven. Kaagad itong sumugod upang ipagpatuloy ang pagsuntok. Tila nagbalik na ang lakas ng dalawa nyang kaibigan. Ibinalik ng galit na nagsusumigaw sa kanilang puso.

FANTASY Book 1: THEY EXISTWhere stories live. Discover now