#OfficialSynopsis

5.2K 83 8
                                    

Marami pa ngang misteryo ang itinatago ng mundo. Marami pang kababalaghan ang hindi pa nalalaman ng mga tao. May mga nilalang pa na nakikihalubilo sa atin na hindi pa natin nakikilala. Sila ang mga Exist. Iyan ang tawag nila sa kanilang mga sarili.

Sampung taon lang ang buhay ng isang Exist. Hindi katulad ng mga tao sa sampung taon na iyon ay kawangis na nila ang isang dalawampu’t limang taong gulang at kasing talino naman ng isang apatnapung taong gulang na tao. Maliban sa mapanghalina nilang pisikal na kaanyuan ang bawat isang Exist ay nagtataglay ng isang natatanging kapangyrihan na siya lamang ang nagtataglay.

Magugulo ang balanse ng mga bagay  dahil may isang Exist na magnanais na mabuhay ng higit pa sa sampung taon, ito ay si Jorizce Avio. Magagawa niya ito kung sa huling taon niya ay makikipagtalik siya ng sampung beses sa iisang babae lamang. Mapipili niyang biktimahin si Jeremiah Oracion, isang babaeng malungkot at kasalukuyang naghahanap ng pagmamahal.

Si Jeremiah ay kaibigan ni Fantasia Aldana, isang sikat na manunulat ngunit pinagkaitan ng kagandahan. Hindi na siya pinapatahimik ni Jorizce Avio sa kanyang mga panaginip kasama pa ang isang lalaki. Labis ang kanyang takot at pagkabigla ng malamang hindi lang ito sa panaginip niya nabubuhay ngunit sa totoong buhay mismo. Ang isa pang lalaki ay nagngangalang Jelan Areus, una itong nagpakita sa kanya noon at tinulungan niya pa. Hindi niya makalimutan ang kakisigan ng binata na sa pantasya nya lamang nakikita.

Nakatakdang pigilan ni Jelan Areus ang masasamang adhikain ni Jorizce Avio. Tutulungan siya ni Fantasia at hindi nila maiiwasang pagyabungin ang paghangang ikinukubli ng bawat isa. Isa na naman bang kasalanan na dulot ng pagmamahalan ang mabubuo? Paano kung mas maraming lihim pa ang mabunyag? Kakayanin ba ng isang mortal na babae na umibig sa isang lalaking iiwan din siya sa kalaunan? Kakayanin ba ng isang Exist na mawala sa isang babaeng natutunan na niyang mahalin?

Pasukin ang isang bagong misteryo. Buhayin ang iyong mga pantasya. Ito ang Your Fantasy: Bed Buddies.

Dark Erotic Fantasy Romantic Comedy.

Comment Party po tayo sa ibaba for your reaction. Thank you.

A/N     At saka nga po pala, sa pagtatapos ng YFBB na mukhang matagal pa, dun palang po magaganap ang dedications sa mga karapat-dapat na readers at followers ng story. Requirements: member ka dapat ng watty, hehe, frequent voter, frequent comment party people. Hmmmm. yun lang, hehe. Lahat po ng aabot dito sa synopsis, just drop your comment below po ah. Thank you. Kailangan ko po yan. Show your <3 :)

August 06 na po ang Once a Princess. Dahil hindi ko naman kayo lahat makaksama sa panunuod sa mga sinehan. You can post your movie review and comments sa chapter na showing na ang movie. Pwede rin pong mag-tweet kayo sa twitter ko, mas okay pa nga kung may selfie pictures kayo na isasama sa inyong tweet. Sana po suportahan ninyo. 

@lady_25me

http://www.booklat.com.ph/profile/14488

FANTASY Book 1: THEY EXISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon