#Escape

7.1K 116 5
                                    

4. #Escape

Lumipas ang isang araw at ang kaarawan ni Tasya. Maghapong magkasama sina Jorizce at Miah. Hindi naman alam ni Tasya kung saan nagpunta ang dalawa. Mag-isa lang siya sa bahay. She was very inspired to create her new story in mystery romance genre. Imbes na malungkot dahil mag-isa siya sa araw mismo ng kanyang kaarawan ay naging masaya pa rin siya dahil sa mga ala-ala ni Jelan. Sa lalaki inspired ang bidang lalaki sa kanyang kwento. Sa lalaki inspired ang bidang lalaki sa kanyang kwento.

Nakaligtaan na niyang maghapunan kagabi kaya pagkagising niya ay kumakalam na ang kanyang sikmura. Walang pag-aayos sa sarili niyang tinungo ang kusina upang maghanda ng kanyang makakain.

Pagbungad sa pinto ng kusina ay halos mapasirko siya pabalik dahil sa kanyang namalas. Si Jorizce almusal ang kanyang kaibigan sa dining table. Nasa mesa si Miah habang patuloy sa pagyugyog ang binatang may berdeng mata rito. Nakakairitang musika ang dulot ng bawat ungol ng dalawa. Tinakpan niya ang kanyang tainga saka bumalik sa kanyang kwarto. Doon siya naiyak. Wala siyang nagawa upang pigilan ang estranghero sa mga pambababoy nito sa kanyang matalik na kaibigan.

“Umiiyak ka na naman.”

Isang pamilyar na tinig ang kanyang narinig. Nagpalinga-linga siya sa loob ng kanyang kwartong hindi naman kalakihan ngunit wala naman siyang nakitang ibang tao. Naisip niyang imahinasyon niya lang iyon. Napapadalas na yata ang pag-iisip niya sa lalaking asul ang mata kaya naririnig na niya ang boses nito sa kawalan.

“Sana totoong nandito ka. Patawarin mo ako, wala akong laban sa kanya. Hindi ko magawang ipagtanggol ang best friend ko.” Nasambit niya habang tumatangis. Umaasang darating si Jelan at muli siyang yayakapin.

Ilang sandali pa ay sumikip ang kanyang pakiramdam na tila may taong nakayapos sa kanya. Nakaramdam siya ng mainit na katawan na nakadikit sa kanya. Oo, hindi siya nagkakamali may nakayakap sa kanya ngunit ang nakakapagtaka ay wala siyang nakikita.

“Jelen?” bulong niya.

“Yes I am.” At sa isang iglap ay nagsimulang mahayag ang katauhan nito. Mula ulo patungo sa paa ay lumitaw na ito. Nakayakap nga ito sa kanya.

“Pa-paano?” hindi niya magawang matakot dito. Ito ang gusto niya ang mabalot sa bisig ng binata at maramdaman ang seguridad na hinahanap niya mula rito.

“Invisibility.”

Ayun na nga ang iniisip niya kanina pa. may kakayahang magtago ang lalaki sa pamamagitan ng pagiging invisible. Marahil ay nasa paligid lang ito parati ngunit hindi niya lang nakikita. Nakaramdam siya ng pagkamangha. Totoo ba ang lahat ng ito? Iyan ang nangingibabaw na tanong sa kanyang isipan ngayon.

“Paano? Ipaliwanag mo naman sa akin.” Umalis siya sa pagkakayakap nito.

“There is a right time for that. For now I want you to know na wala kang kasalanan kung bakit hindi mo naipagtatanggol ang kaibigan mo. Misyong kong protektahan kayo pero hindi pa dumarating ang tulong na kailangan ko. It’s a tough responsibility when I asked you to protect your friend against him. Kailangan pa rin nating magtulungan. Kailangan natin ng tulong ng isa pang mortal upang maitakas ang iyong kaibigan mula sa kanya.”

FANTASY Book 1: THEY EXISTWhere stories live. Discover now