Chapter Sixteen

3.2K 89 3
                                    

Chapter Sixteen

Ella’s

This is it!

Humarap ako sa salamin sa huling pagkakataon at ngumiti ako sa nakita kong repleksyon ko. My eyes were sparkling like a diamonds, my smiles were shinning, my face was blooming like a morning flower.

I’m so perfect! Perfectly in love...

Lumingon ako sa nakabukas na pinto ng kwarto ko kung saan naghihintay ang prince charming ko. Charot! Yung mahal kong si Cedric pala.

He warmly smiled at me and I did the same.

Feeling ko prinsesa ako kahit hindi naman bongga ang suot ko ngayon at hindi ko naman talaga gaanong pinaghandaan ang hitsura ko ngayong gabi. Pero basta  talaga nandiyan si Cedric, nagiging special ang lahat sa akin.

“Shall we?” he asked then he offered his hand to me.

Tumango lang ako at saka lang ako naglakad palapit sa kanya. Tinanggap ko ang kamay niya at inilagay niya naman ang kamay ko sa braso niya. Lumabas na kami sa kwarto ko.

Pagbaba pa lang namin sa sala ng bahay  namin ay naririnig na namin ang magandang musika na nanggagaling sa garden.

I looked up to Cedric only to find out that he’s looking at me, his eyes full of admiration and love.

Parang lumukso naman ang puso ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. nag-iwas ako ng tingin dahil medyo na-cncious ako kahit alam kong maganda naman ako ngayon.

“You’re stunning, Ella. Surely, every man outside would leave their eyes on you,” aniya.

Huminga ako ng malalim at inipon ko ang lahat ng lakas ko, na parang nawawala dahil sa pagpapakilig niya sa akin, para lang sumagot sa sinabi niya. “Ceddy—.”

“But, eye only on me, okay?” putol niya sa sasabihin ko.

Napangiti ako. Yun kasi ang dapat na sasabihin ko sa kanya.

“Of course, my eyes are only yours, not only tonight, but everyday.” Then I touched his cheek with my free hand.

Ngumiti na din siya at hinawakan ang kamay kong nasa pisngi niya. “I love you.”

“I love you, too, Ceddy,” tugon ko.

He hugged me and I hugged him back. Ganoon lang kami ng mga ilang minuto sa gitna ng sala namin and I felt like, we were alone in the place.

Ang sarap sa pakiramdam yung tibok ng puso niya, lalo na’t alam ko na ako ang itinitibok noon.

Naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo na lalo pang nagpangiti sa akin.

Tama lang talaga na pinatawad ko si Cedric, kasi kung hindi, hindi din ako magiging ganito kasaya. Mas higit pa sa saya na naramdaman ko dati kapag kasama ko siya.

“Don’t let me be alone tonight, please?” bulong ko sa kanya.

Humiwalay siya sa akin at tinitigan na naman ako. “Sa tingin mo ba iiwan kita ngayong gabi kung alam ko madaming lalaking gustong maging sa kanila ka?”

Tinampal ko siya ng mahina sa pisngi. “Sira! Tara na nga.”

Tumawa lang siya ng mahina at nagpatuloy na kami sa paglalakad palabas sa garden. Sinalubong kaagad kami ng kung sinu-sinong hindi ko naman mga kakilala. But I didn’t mind them. Basta nakipagkilala lang din ako sa kanila at tinanggap ang mga pagbati nila.

Ang importante lang naman sa akin ngayong gabi ay kasama ko si Cedric. Iniisip ko na nga ngayon kung paano kami tatakas sa party na 'to nang hindi kami napapansin ng mga bisita, para makapagsarili aming dalawa. Hehe!

♡ The Promise ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon