Chapter Eight

4K 118 8
                                    

Dedicated kay feelingerang Lalay na sobrang affected sa pagtingin ni Cedric sa LEGS ni Ella. HAHAHAHAHA!

hindi ko na inedit. katamad eh. XD 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Eight

<Cedric’s POV>

“Ella, what do you want for lunch?” I asked, as I entered in her office.

Nag-angat siya ng mukha mula sa mga papel niyang binabasa at tumingin sa akin. The way she looks at me, parang sinasabi niyang, ‘Ang tibay talaga ng mukha mo, ‘no? Nandito ka pa din?’

Nagpakawala pa siya ng hininga bago siya nagsalita. “Akala ko ba, driver lang kita? Bakit parang yaya din yata kita?”

Napakamot ako sa batok. Alam ko namang mahihirapan akong ibalik ‘yong dating kami ni Ella. But I should try harder. At hindi ako susuko.

“I just want to have lunch with you.” Nag-aalangan kong sabi sa kanya.

Napataas ang kilay niya sa sinbi ko at tinitigan niya muna ulit ako. Para ako specimen na sinusuri sa ilalim ng microscope. And to be specific, baka ang tingin niya sa akin ay isang virus.

“Do you think, I want to have lunch with my driver?” she emphasized the last word.

Ang ouch lang. Pinagdiinan niya talaga na driver niya lang ako. Dapat pala mas mataas na position ako nag-apply. Could be her personal assistant or body guard. Para kahit dito sa loob ng office niya, pwede akong mag-stay. Kung nasaan siya, nandoon din ako. I can watch everything she does.. every move she makes.

Noong gabing dumating pa lang ako, siya agad ang gusto kong makita. The night she first saw me again in the bar, galling na ako noon sa bahay nila. And I don’t know how I asked her to hug me. Pero iyon talaga ang gusto kong gawin pagkakita ko sa kanya.. ang yakapin siya. But instead of receiving a warm hug, she slapped me so hard.

Sino nga namang babae ang makukuha kang yakapin pagkatapos mo siyang iwan? Stupid me, to ask for a hug.

“I’ll have my lunch if you’ll leave now, Cedric.”

Napabuntong-hininga ako. “Okay. I’ll leave now.”

Lumabas na ako ng office niya, pero hindi ng boutique. Umupo ako sa couch na nakapuwesto malapit sa pinto ng office niya. The I called for Greenwich delivery. (AN: Call, five, fifty-five, fifty-five, Greenwich delivery. XD)

**

<Ella’s POV>

It’s Saturday, pero nakakulong ako sa office ko! Usually, kapag ganitong Saturday, I entertain customers. But I just can’t today. Nasa labas si Cedric and I don’t want to see him or even hear his voice.

♡ The Promise ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon