Chapter Seventeen

3.4K 87 6
                                    

Chapter Seventeen

Ella’s

Bigla na lang namatay ang mga ilaw. Napahawak naman ako sa kamay ni Cedric at hinawakan niya din naman ako pabalik na parang sinasabi niya na nasa tabi ko lang siya.

Napanatag naman ako pero nagulat naman ako nang bigla na lang may mga putukan akong narinig. Napapikit ako at napakapit sa braso ni Cedric.

Bakit naman kasi may bigla na lang pumuputok?! Ano ba yun?!

“Hey, Elly... come on, open your eyes and look up,” narinig kong sabi ni Cedric.

Nagmulat naman ako ng mga mata at mukha niya ang una kong nakita, pagkatapos ay ang liwanag na nakita ko sa langit. Napahiwalay ako sa kanya para mas makita ko pa yung fireworks.

Akala ko naman kung ano! Fireworks lang naman pala! But what’s with the firewors?

Balak ko na sanang tanungin si Cedric pero lumakas lalo ang pagputok ng mga fireworks at may gumuhit na mga letra sa langit.

‘LET US WITNESS, ELLA AND CEDRIC’S ENGAGEMENT PARTY, TONIGHT!’

Napahugot ako ng isang malalim na hininga pagkatapos kong mabasa iyon. Mga isang minuto pa yata bago iyon unti-unting nabura at sa halos isang minuto na iyon ay hindi ko inalis ang tingin ko sa taas.

Tama ba iyong nabasa ko o namamalik-mata lang ako?

Naialis ko lang ang tingin ko sa taas nang bumukas ulit ang mga ilaw at naramdaman kong tumayo si Cedric. Napatingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin.

“Shall we?” tanong niya sa akin at iniangat niya ang kamay kong hawak-hawak niya para alalayan akong tumayo.

Nakatingin ang lahat sa amin kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo na din kahit kinakabahan ako at hindi pa nakaka-recover doon sa fireworks. Actually, sa nakasulat doon sa fireworks ako hindi maka-recover, hindi doon mismo sa fireworks.

Is that for real?! Hindi pa din ako makapaniwala.

Pagkatayung-pagkatayo ko at nagsipalakpak ang lahat. Tumingin ako kay Cedric at nginitian niya naman ako kaya napangiti na din ako.

Inakay niya ako palapit sa stage at tumayo kaming dalawa doon. Sila Mommy at Daddy din pumunta sa stage pati na din ang parents ni Cedric na ngayon ko lang nakita. Nandito din pala sila!

“Happy birthday, hija,” bati sa akin ni Tita Ingrid pagkalapit nila sa amin.

“Thank you po, Tita—.”

“Mommy... Mommy na din ang itawag mo sa akin,” nakangiti niyang pagtatama sa akin.

Napangiti naman ako ng alanganin dahil medyo nahihiya ako. “Opo, M-mommy.”

Nakatayo lang kami doon ni Cedric habang nagsasalita yung mga parents namin. Hindi ko nga ma-absorb kung ano yung mga sinasabi nila, eh. Kinakabahan pa din ako na na-e-excite na ewan!

Grabe! Bakit naman kasi nangbibigla si Cedric?! Hindi muna niya inunang mag-propose sa akin! Paano kung tanggihan ko siya ngayon?! Pero magagawa ko ba naman 'yon kay Cedric sa harap ng napakaraming tao dito ngayon?

'Tsaka, bakit naman ako tatanggi kung gustung-gusto ko naman ito?!

Ang tagal-tagal ko 'tong hinintay. Palalagpasin ko pa ba? Nag-promise siya sa akin noon na pakakasalan niya ako kapag twenty-eight na ako. Naging advance na yung promise niya kasi hindi niya naman natupad yung unang promise niya na magiging boyfriend ko siya kapag eighteen na ako, kung natupad man yun, wala pang twenty-four hours! Kaya hindi counted yun, 'no?! LOL!

♡ The Promise ♡Where stories live. Discover now