Chapter Four

4.5K 139 25
                                    

Try niyo nga i-clikc ung vote sa taa ng cover photo. try niyo lang kung gumagana XD

Dedicated to Zejial. Natakot ako sa comment mo te! XD yes walang eepal dito. but meron pa rin po silang trial na pagdadaanan :)

di to edited so sorry kung madaming mali..

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Four

<Ella's POV>

Good morn--

Napatingin ako sa bedside clock ko at nakita kong twelve-thirty na pala ng tanghali.

Napabangon ako bigla at patakbo akong lumbas ng kwarto ko at bumaba. Wala akong pakialam kung may panis na laway pa ako o muta.

Ewan ko din kung bakit ako patakbong bumaba. Ang alam ko lang, gusto kong makita kaagad ang boyfriend ko. And yes.. boyfriend ko na siya!

Nahalikan niya na ako sa lips kagabi tapos hindi niya pa ako girlfriend? Ano ako, sinuswerte? Este ano siya, sinuswerte? Kailangan niya akong panagutan! HAHAHAHA!

Nataranta pa 'yung mga tao na nasa sala namin ng makita akong nagmamadali sa pagbaba ng hagdan.

"Ella, why you're in hurry?" nag-aalalang tanong ni Mommy at napatayo pa siya sa sofa.

"'Ma si Cedric po?" tanong ko din imbis na sagutin ang tanong niya.

Ngumiti sa akin si Mommy. "Mamaya pa ang party mo. Malamang mamaya pa 'yon magpakita. Baka naghahanda pa ng surprise para sa 'yo, anak."

Napatango na lang ako at matamlay na napaakyat ulit ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Humiga ulit ako sa kama.

Hindi man lang ako nakaramdam ng excitement sa sinasabi ni Mommy na surprise na pinaghahandaan ni Cedric ngayon.

Gusto ko lang talagang makita si Cedric. >o< Kainis naman. Dapat umaga pa lang nandito na siya para isa siya sa mga unang tao na makikita ko paggising ko. =3=

Bumangon ulit ako. Maya-maya lang darating na 'yung mga mag-aayos sa 'kin kaya kailangan ko ng maligo. Mareklamo pa naman ako kapag inaayusan. Malamang aabutin kami na siyam-siyam sa pag-aayos.

Bago ako pumasok ng bathroom may napansin akong bouquet of roses sa table na nasa tabi ng binta ng kwarto ko. Nilapitan ko 'yon at dinampot. May card na nakalagay kaya tinignan ko 'yun.

Note:

All things that make you "YOU" make you truly wonderful to me.

I Love You, My Ella.

-- Cedric

Nagtatalon ako sa kilig habang yakap 'yung bouquet pagkatapos kong mabasa 'yun. Sobrang kinikilig ako. Yay! HAHAHAHAHA!

♡ The Promise ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon