Chapter Nine

4.1K 100 12
                                    

Chapter Nine

Okay. Nakatulala lang silang tatlo sa akin. And this Cedric just can't look at me. Ano'ng ginawa niya sa mga cute na batang 'to?

"Cedric.." I called him, like a warning.

"Ah.. Ella.."halatang nanghahagilap pa siya ng sasabihin niya.

Lalo namang sumama ang tingin ko sa kanya. Naasar na talaga ako at gusto ko na siyang kaladkarin palabas ng boutique ko.

And don't tell me na pati itong mga batang ito, pini-flirt niya? Sa tingin ko pa lang, wala pa sa disi-otso itong mga 'to!

Oh, well.. hindi naman malabong gawin niya iyon. Kung ako nga noon pinatulan niya, ito pa kayang mga batang 'to?

Jeez?! Bakit ba pati iyon naalala ko pa? Tsss!

Imbis na pag-aksayahan ko ng galit si Cedric, na matagal ko ng gingawa, ibinaling ko na lang ang atensiyon ko sa tatlong batang babae na ngayon ay mataman pa ding nakatitig sa akin.

Nginitian ko sila to break the awkward moment. "Girls, I am so sorry if this guy annoyed you-"

"Gaaah! You're so cute!" namimilog ang mga matang sabi ng batang may pink ribbon. Pinagpalapat niya pa ang dalawang kamay at idinikit sa pisngi niya, like dreaming.

"Yay! No! She's pretty!" sabat naman ng isa pa sa kanila na naka-yellow dress.

"Are you real?" parang hindi pa makapaniwalang tanong ng isa pa sa kanila, the one with all black attir.

Hindi ko alam kung mapa-flatter ako o mao-offend sa tanong niya. Mukha ba akong 'fake'? But more likely, I felt a little embarrass.

Nagulat pa ako ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pisilin niya iyon ng mahina na parang chini-check kung totoo ba talaga ako.

"You're beautiful and you look like a barbie," she said and then she smiled.

Naramdaman kong nag-init ang buong pisngi ko. Ewan ko, pero nahihiya talaga ako. Sobra naman kasi sila makapag-react sa kagandahan ko, na lahat na ng atensiyon nasa amin na.

"Ah.. kids.." nag-aalangang agaw ni Cedric sa atensiyon ng mga bata. "Mabuti pa siguro kung-"

"How about going out with us, Ate Ella?" hindi pagpansin ng naka-yellow dress sa kanya.

At hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na nila ako palabas ng boutique.

"Let's go!" sabay-sabay pa nilang sabi habang hawak ako ng dalawa sa magkabilang braso at ang isa naman ay tinutulak ako mula sa likuran.

"Oops! We forgot Kuya Cedric." It was the girl at my back.

Bumalik siya at hinila niya din si Cedric. Hindi na kami nakatanggi pa. Dahil makukulit sila.. just like me, before..

Dinala nila kami sa isang fastfood chain. Sila pa talaga ang nag-order ng kakainin namin. Ito namang si Cedric, hindi nag-abalang mag-insist. Pinabayaan niya lang yung mga bata.

Napaka-ungentleman. I almost rolled my eyes pero pinigilan ko.

Ilang sandali kaming kinain ng katahimikan nang makaalis na ang tatlo. The three little cute girls named Aya, Ayene and Aymie. Nagpakilala na sila sa akin kanina habang papunta kami dito sa fastfood chain na 'to.

Ang I may say, na makukulit talaga sila.

After some time, narinig ko ang pagtikhim ni Cedric. I waited for him to speak, pero hindi siya nagsalita. And felt like disappointed sa hindi niya pagsasalita.

Yes, I am expecting na magpaliwanag siya ngayon kung bakit bigla na lang kaming hinila ng mga batang yun dito at kung bakit kilala nila ako.

Hanggang sa makabalik na ulit yung tatlo, wala siyang sinabi ni isang salita sa akin.

♡ The Promise ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon