Chapter Fourteen

3.4K 96 1
                                    

Chapter Fourteen

Cedric's

"Ceddy Baby..."

Nakarinig ako ng sunud-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Pero tinatamad pa akong bumangon kaya hindi ko na lang pinansin. Puyat ako kagabi dahil may mga inasikaso ako at bago pa yun, maghapon kaming naggala ng Elly ko.

Magdadalawang linggo na kaming walang patid na nagde-date. Sobrang binabawi namin yung pitong taon na hindi kami magkasama. Halos hindi na nga kami pumapasok sa trabaho.

"Ceddy Baby..." Si Ella 'yan. Ewan ko kung bakit kailangan niya pang paulit-ulit na kumatok kung pwedeng-pwede naman siyang pumasok na lang agad.

Siguro nadala siya noong una niyang ginawa yun. Paano ba naman kasi, naka-brief lang ako noong nakita niya akong nakahiga sa kama ko at natutulog pa. Nagising na lang ako nang bigla siyang tumili noon.

Nakita ko siya sa tapat ng pinto na nakapikit at nakatakip sa magkabilang tainga yung mga kamay habang patuloy sa pagtili.

Natatawa nga ako noon, kasi dapat ako yung sumigaw at nag-histerical dahil ako yung nakitaan. Haha! Pero ang masaklap, muntik pa akong matamaan ng sandals niya na may halos isang dangkal na takong na kasing tulis pa ng balisong na ibinato niya sa akin habang sinasabi niyang bastos daw ako.

Mabuti na lang natuto akong maging maliksi kumilos noong naglalaro pa ako ng soccer kaya nakailaga ako kaagad at noong makita kong ibabato niya pa sa akin yung kapares ng sandals niya, napatakbo na ako sa bathroom at narinig ko na lang ang pagtama noon sa pinto ng bathroom.

Nakakatawa lang talaga and if I know, nag-histerical siya at ganoon ang naging reaksyon niya dahil natatakot siya na hindi niya mapigilang hindi hawakan ang macho kong katawan. Haha!

"Ceddy, labas ka na d'yan," narinig ko pang pakiusap niya mula sa labas ng kwarto ko.

Hay... tinatamad pa talaga akong bumangon.

"Elly, just come in," sabi ko sa antok na antok pang boses.

"Ehhh..." maktol niya pa.

Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang siya. Hindi din naman 'yan makakatiis at papasok din siya dito sa kwarto ko.

At hindi pa man lumilipas ang isang minuto, narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko pero hindi ko kaagad narinig yung mga hakbang niya papasok sa loob. Siguro sinisilip niya pa muna ako dahil baka may makita na naman siyang magandang tanawin. Haha!

Hay... Elly ko talaga, may pagkaisip bata pa din. In no time, makikita niya din naman 'tong maganda kong katawan. Haha!

After a minute, saka ko lang narinig yung foot steps niya. Malamang, wala talaga siyang makikita dahil nakakumot ako.

"Ceddy, bangon ka na." Naramdaman ko ang pag-upo niya sa gilid ng kama ko at ang medyo paghila niya sa kumot ko.

"Five minutes, Elly," I mumbled. Inaantok pa talaga ako.

'Naman, eh... 'di ba, sabi mo, pupunta tayo sa park?" she insisted.

I turned to face her habang nakapikit pa din then I grabbed her waist para mapahiga siya.

"C-ceddy!" she stuttered.

Napangiti ako at mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya. Then I brushed my face to her hair.

Nag-iba na yung amoy ng buhok niya. Dati kasi amoy strawberry pero ngayon, amoy apple na. Pero kahit ganoon, gustung-gusto ko pa din amuyin ang buhok niya.

"A-ano ka ba, Ceddy!" nananaway na niya sabi.

"Payakap lang naman sa girlfriend ko, eh," lambing ko and still, my eyes were close. I want to feel the moment.

♡ The Promise ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon