Special Chapter #2:

4.5K 163 26
                                    

Third Person's POV:

"Maghiwalay na tayo.", rinig na rinig sa bawat sulok ng condo ni Dave ang sinabi ni Althea.

Napahinto si Dave sa pinapanood sa netflix nang dahil sa narinig, napalingon siya kay Althea.

"What?", tanong nito, asking Althea to repeat what she said.

"Maghiwalay na tayo. Pagod na pagod na ako. Lagi nalang ganito, Dave.", may namumuong luha sa mga mata na ani ni Althea.

"What the h*ck are you talking about?", kunot noong tanong ni Dave sa dalaga.

"I thought ikaw na talaga. That you'd complete me, that we'll work out. I've imagined a future with you pero habang tumatagal tayong magkasama, mali pala ako. I have realized many things; our personalities don't even match. I'm so tired trying to work things out alone, hindi ko na kaya. Let's break up. I'm leaving you.", may luhang tumulo sa kaliwang mata ni Althea at agad niya itong pinunasan.

"Okay.", mabilis na sagot ni Dave. Nanlaki ang mga mata ni Althea.

"What?1", hindi makapaniwalang reaksyon ng dalaga.

"I said okay, you can leave."

"You never really loved me. Sa relasyong 'to, ako lang ang nagmamahal!"

Hindi mapigilan ni Dave ang mapa-irap sa hangin kasabay ang pag-iling nito.

Binalik lang ng binata ang tingin sa laptop na nasa harap niya and played what he was watching in netflix just a moment ago.

Sa sobrang inis ay mas lalong tumulo ang mga luha ni Althea. Inis niyang nilapitan si Dave at akmang isasarado ang laptop nito nang saluhin ng binata ang kamay niya.

"I'm telling you, I'm almost done with this. Don't even try... ", seryosong banta ng binata.

"How dare you! Mas mahalaga ba sa akin 'yang pinapanood mo? Gano'n nalang ba lahat sayo? Gano'n nalang ba ako kabilis bitawan ha, Dave? Wala lang ba sayo mga pinagsamahan natin? All the days we've spent together, good and bad, was it nothing to you? Hindi mo ako mahal! You never lov—mppppph!"

Hindi na nakapagsalita ng patuloy si Althea nang hilahin ni Dave ang nasalo nitong kamay, saka siya nito dinampian ng halik sa labi.

Althea can't stop her eyes from blinking because of what just happened.

After a few seconds, inilayo ni Dave ang sarili kay Althea at binitawan ang kamay nito saka pinatuloy ang pinapanood.

Napahawak si Althea sa mga labi nito, nang mapasok sa isipan niya ang nangyari ay agad na namula ang kanyang buong mukha  at hinampas ang balikat ni Dave na sa kasamaang palad nasalo na naman ng binata.

"Tumigil ka na sa pagiging baliw mo, pwede ba? Lakas ng tuyo mo. Ginawa mo na ngang tambayan condo ko, tapos kung anu-ano pang kabaliwan ginagawa mo at pinagsasabi mo."

Masama na tinignan ni Althea si Dave, binawi ng dalaga ang kamay kay Dave at pinunasan ang mga nasayang na luha sa magkabilaang pisngi niya.

"Tama bang manood ka niyan habang kasama mo girlfriend mo? Ha? Tama ba?", pag aalburuto ni Althea na nakaturo sa laptop ni Dave.

Napapikit si Dave. "Eto na naman siya", laman ng utak nito.

"Tama bang halos araw-araw ka nalang nakikipaghiwalay sa akin?", balik nitong tanong kay Althea.

Dave and Althea started dating 6 months ago, a month before Zane and Bleu's marriage.

Hindi na nag-aksaya ng oras si Zane at pinakasalan agad si Bleu, 5 months after he proposed to her.

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon