Chapter 17:

4.4K 177 17
                                    

Third Person's POV:

Tinungo ni Zane ang address na ibinigay sa kanya ni Zach, dahan-dahan siyang nagdra-drive kasi natutulog sa tabi niya si Tobi.

"How can he sleep soundly when he's with a stranger?", tanong ni Zane sa sarili sabay ninakawan ng tingin ang anak.

Nang malapit na makarating sa destinasyon na pupuntahan niya ay parang nakita niya ang kotse ni Zach na palabas sa village kung saan siya ngayon, hindi siya sigurado pero 'yong nakita niya ay isa sa mga kotse ng kapatid niya.

Napatingin siya sa labas habang nagmamaneho, he's trying to find out kung saan banda ang bahay ni Bleu nang mahagilap ng mga mata niya ang istraktura ng isang babae at lalaki na may kasamang batang babae na papasok sa isang gate ng medyo kalakihang bahay.

Zane has no idea who the guy is pero he's very sure na si Bleu 'yong babae.

Hininto niya ang kotse sa harap ng gate na 'yon at mukhang napansin ito ng babae at lalaki kanina kaya napahinto ito sa paglalakad at napalingon sa sasakyan niya.

He's right. It's Bleu.

"If I'm not mistaken, that guy is the same guy that attended the engagement party last time. Bleu's bestfriend, and the kid beside him is Bleu's adopted daughter.", laman ng utak ni Zach.

Mahina niyang binuksan ang pintuan ng kotse niya at mahinang sinara rin ito.

Napatingin si Bleu kay Zane na hindi man lang nagulat, na para bang alam na nito na ihahatid nito pauwi si Tobi.

"So that car earlier was really Zach... ", Zane whispered to himself.

Lumabas ulit sa gate si Bleu at hinarap si Zane.

Ramdam na ramdam ni Zane ang matalim na tingin ni Dave sa kanya, habang nakatingin lang si Laine sa mukha ng estrangherong lalaki na ngayon niya palang nakita.

"Dave, can you take Laine upstairs?", pakiusap ni Bleu sa kaibigan.

Walang sabi-sabi ay binuhat ni Dave si Laine at naunang pumasok sa bahay.

"Si Tobi?", tanong agad ni Bleu nang makaalis na si Dave at Laine.

"You don't look surprise.", malayong sagot ni Zane sa tanong ni Bleu.

"Zach was just here, and he told me.", sagot ni Bleu kay Zane.

"Tobi is inside my car, he's sleeping.", this time si Zane naman 'yong sumagot sa tanong ni Bleu kanina.

"Hindi pa alam ni Tobi, I still haven't told him yet.", may halong pag-alala na sabi ni Bleu kay Zane.

"No pressure. I gave you one week, you still have 3 days left. And... ", napahinto si Zane sa pagsasalita.

"What?"

"I'm sorry... ", patuloy nito.

"Dahil?", nalilitong tanong ni Bleu.

"I gave you one week but I've been thinking about him since then, I drove my way to the school so that I could see him even just for a minute. I wasn't planning to meet him o kausapin siya or even mapunta sa sitwasyon na 'to ngayon kasi ayokong pangunahan ka."

Nakahinga ng maluwag si Bleu, akala niya kasi kung anu na nang bigla itong humihingi ng tawad sa kanya.

"You don't have to say sorry, I can't really blame you. Isa pa, Zach told me na siya 'yong nag-iwan kay Tobi sayo."

Nagkatitigan ang dalawa sa mga mata pagkatapos magsalita ni Bleu. The stare took a minute bago maunang umiwas ng tingin si Bleu at iniwan si Zane sa kinatatayuan nito para puntahan si Tobi.

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon