Chapter 7:

5.1K 200 47
                                    

Bleu's POV:

Sabay kaming pumasok ni Zach sa loob ng resto habang nakakapit ako sa braso niya, napatingin agad sila mama at ang pamilya ni Zach sa amin nang makita kami.

"What took you guys so long?", kunot noo na tanong sa akin ni Mama.

Pinag-usog ako ng upuan ni Zach kaya naupo ako doon, hindi ko alam kung sinasadya ng mokong na 'to pero katapat ko sa mesa si Zane.

"You were late yesterday, and you're late again today, ang galing mo sa pag antayin ang iba.", biglang saad ni Claire.

Napatingin ako sa kanya na katabi lang ang anak niya, pinanggigitnaan nila ni Zane ang anak nila right now.

Pasalamat ka nga at nagbago ang isip ko, if hindi ko inuwi si Tobi at Laine sa bahay nila Mama, I doubt if makakapagsalita ka pa ngayon.

"I received a very important call, ayaw pumasok ni Bleu ng mag-isa, kaya inantay niya ako. It's my fault, sorry to have made you guys wait.", pagsisinungaling ni Zach, he's sitting beside me.

"That's actually great to hear, it seems that you're getting along well.", tuwang-tuwa na sabi naman ng Dad ni Zach at Zane.

"But where's Laine and James? Akala ko ba isasama mo sila?", sabat ni Papa, kinabahan ako bigla.

"Laine and James, right! Gusto ko ring makita mga anak mo iha.", baling naman sa akin ng Mama ni Zach.

Lumuwa ang mga mata ko kay Zane at kunot noo siyang nakatingin sa akin.

"They're getting used pa kasi, they're sleeping soundly right now.", sagot ko nalang.

"That's a shame, but it's okay, we're family now; there will be a lot of chances to meet your kids in the future.", ngiting sabi ng Mama ni Zach.

"Kids?"

Muntik akong mapaupo ng matuwid sa inuupuan ko ng marinig ko ang boses niya.

Tinignan ko siya at nakatingin siya sa akin na parang inaantay niya ang sagot ko, si Zane.

"Look! I think the food is here. You guys ordered already?", sabat ni Zach.

Biglang may lumapit sa aming table na mga waiters na may dalang ibat-ibang putahe.

"Yes we did, so that we can start eating na.", sagot ng Mama ni Zach.

Kinurot ko ng mahina tagiliran ni Zach para ipaalam sa kanya na I'm thankful na sinagip niya na naman ako.

After malapag no'ng mga inorder na pagkain nila ay kumain lang kaming lahat habang nag-uusap tungkol sa kasal.

The wedding is happening in less than 5 months. Ang bilis ng pangyayari pero wala akong masabi kasi I said yes to this.

They asked me and Zach for our preferences kasi sila raw bahala sa lahat and that all we need to do is to attend the wedding, s*cks right?

Pinakilala lang rin nila ako ulit kay Claire at sa anak nila ni Zane. Shane is actually a sweet and a nice girl, she already calls me Tita.

Napahawak ako sa puson ko ng bigla itong sumakit, kanina pa siya sumasakit actually pero bearable naman kanina at 'di ko na napansin.

Napatingin sa akin si Zach nang mapansin niya kilos ko.

He leaned closer at bumulong;

"You okay?", bulong na tanong niya.

"I think I need to check something.", bulong ko rin sa kanya.

Umayos kami ng upo at doon ko lang napansin na nakatingin pala sila Mama sa amin ni Zach ng nakangiti ng sobrang lapad, ano iniisip nila?

"Excuse me, I need to go to the bathroom.", paalam ko sabay tayo.

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)Where stories live. Discover now