Chapter 19:

4.1K 177 22
                                    

Dave's POV:

"Ano ba, halika na! Umuwi na tayo.", hinila ko siya sa kamay pero inagaw niya agad sa akin iyon at sinamaan ako ng tingin.

"30 minutes, okay? 30 minutes shoooo!"

Shoo? Ano ako aso? Napapikit ako ng mga iilang segundo saka napabuga ng hangin.

"30 minutes and we're going home.", ulit ko sa sinabi niya, tinanguan niya lang ako at nagpatuloy sa pag-sayaw na hindi ko alam kung anung klaseng sayaw ginagawa niya, para siyang linta na pinaliguan ng asin.

Bumalik ako sa table namin at naupo na hindi inaalis tingin ko sa kanya.

Hindi ma-digest ng utak ko kung bakit napunta kami sa club at halos magdadalawang oras na siya sa gitna ng dance floor kasama 'yong iba na sumasayaw.

Dapat talaga hindi ako nagpadala kanina at nagpahila, dapat tinapos na ang usapan doon sa coffee shop.

— earlier —

"Sabi mo Alucard pangalan mo, did you lie to me? Answer me, did you lie?"

Agad akong nag-isip ng isasagot sa kanya, I can't lose this collaboration.

"Why aren't you answering?", inis niyang tanong.

"My name is indeed Dave Lee Evans.", sagot ko sa kanya.

"Then why did you tell me na your name is Alucard?", gusot na gusot na 'yong mukha niya parang ang hirap na e-plantsa.

"Ano kasi... Ahmmm... Alucard k-kasi nickname ko... 'yon... ", I told her out of nowhere, wala akong maisip na alibi.

"Nickname mo?"

I aggressively nodded.

"Oo, nickname ko. Galing sa paborito kong online game, konti lang nakakaalam.", parang pagpapawisan ako sa lumalabas sa bibig ko tsk.

"Kaunti lang? Parang mga special na tao lang sa buhay mo, gano'n?"

Huh? Saan nanggaling 'yon? Napatango na lamang ako.

"Oo, just some important people."

Taas kilay niyang tinitigan mukha ko hanggang sa maya-maya ay bigla siyang ngumiti nang napakalapad saka kumapit sa braso ko.

"So you mean, I'm important?"

Parang gusto ko mag face palm kasi iba talaga mag-isip ang babaeng 'to.

May awkward na ngiti akong napatango sa kanya ulit.

——

So ayun nga, pagkatapos no'n ay hinila niya ako dito sa club imbes na pag-usapan namin 'yong sa collaboration, kanina ko pa siya hinihila pauwi kasi mukhang lasing na siya pero ang tigas ng ulo.

I can't believe na I'm in this kind of situation right now.

My left eyebrow formed an arch when suddenly this specific guy is slowly turning around closer to Beatrice at mas lalo lang tumaas kilay ko nang imbes na layuan niya 'yong lalaki ay hinayaan niya lang humawak sa bewang niya ito tapos sinayawan niya pa.

Ang laking pahamak ng babaeng 'to. Napabuga na naman ako ng hangin.

Kinuha ko 'yong bag niya sa lamesa at sinabit sa balikat ko ito saka napatayo at nagtungo palapit sa gitna.

Third Person's POV:

Tila ay naubusan na ng pasensya kakaantay ay napatayo na si Dave at nilapitan si Althea na may kasayaw na lalaki.

Bago pa man tuluyang makalapit si Dave sa dalaga ay may humarang na babae sa daan niya, ipinulupot nito ang mga kamay sa leeg ng binata at sinayawan.

Kanina pa pinagmamatyagaan ng mga kababaihan sa loob ng club si Dave pero walang naglakas loob na lumapit dahil sa nakasimangot nitong mukha na na tila ba ay wala itong sasantuhin kung may sumira ng gabi nito.

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon