Chapter 14:

3.9K 135 25
                                    

Zane's POV:

"Wait. You look familiar... Zane right?"

"You're that Zane? Are you perhaps Claire's ex-boyfriend?"

That explains why he looks familiar. He's that John, Claire cheated with on me.

Hindi niya ba alam na kinasal kami ni Claire?

"What a small world hahahaha, right? Totoo bang nakipagbalikan siya sa'yo?"

I motioned my hands, telling him to sit down kasabay ng pag-upo ko.

"Buti naghiwalay na kami no'n, I couldn't have imagined getting married to that woman. She's crazy."

Hindi ako kumibo at kinuha lang sa drawer ng mesa ko 'yong naging proposal ng kompanya nila sa amin.

"I heard she's married now buti hindi ka niya inapproach?"

Napatiklop ako sa folder na kakabukas ko lang.

I guess he heard her getting married pero 'di niya alam kanino? Oh well, that marriage was held in the US and not that known other than our family and family's close friends.

"Malas naman ng nagpakasal sa kanya, what an unlucky guy hahahah."

Matalim ko siyang tinignan.

"I'm that unlucky guy you're talking about."

Huminto siya sa pagtawa.

"Huh?", nalilito niyang reaksyon.

"I married her."

Umikot na ata sa buong sulok ng office ko ang mga mata niya kasi 'di niya alam ang isasagot.

"T-talaga? 'Yong
Ipinagbubuntis niya...."

"Ano?"

"W-wala. Let's talk about business now, my mistake."

Napailing ako at binuksan na ulit 'yong folder na kakakuha ko lang sa aking drawer.

Dave's POV:

I've been staying at my condo for the past 3 days simula nang malasing ako sa 7/11, buti nakauwi pa ako.

Napapatampal ako sa sariling mukha 'pag naaalala ko ang mga pangyayari. I can't remember everything, but one thing... I fcking embarrased myself sa harap ng maarteng babaeng 'yon.

May mukha pa ba akong ihaharap sa kanya? Lalo na't nasa iisang building lang rin naman kami? I just hope hindi kami magtagpo, nakakahiya talaga ang ginawa ko.

Naglalakad ako palabas ngayon, hindi ka aya-aya 'yong mga nangyari sa 7/11 pero doon ako papunta ngayon. Hindi para uminom kundi para bumili ng mga iilang bagay kasi nakakatamad pumuntang Mall kung may malapit lang naman na convenience store.

After what happened parang nadala na talaga ako. P*tek, umiyak ba talaga ako sa harap ng babaeng 'yon? Hindi na talaga ako iinom.

Habang naglalakad ako patungong 7/11 ay biglang may sumabay sa akin at sinilip ang mukha ko, muntik na akong matumba sa gulat.

"What the h*ck are you doing? Aatakihin ako sa puso dahil sayo!"

Napahawak ako sa bandang kaliwang dibdib ko.

Kung sino pa 'yong gusto kong iwasan, 'yon pa talaga gugulat sa akin.

"Why are you so shocked to see me? Mukha ba akong multo? Sa ganda kong 'to?"

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa tapos pabalik.

Sa'n siya papunta? Ang sakit sa mata ng pula niyang bestida, at kumikinang na mga alahas dahil sa init ng panahon. Ang taas pa ng heels niya.

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)Where stories live. Discover now