Chapter 24

4.4K 167 28
                                    

Claire's POV:

*YEARS AGO*

Itinapat ko sa aking tenga ang cellphone ko pagkatapos tawagan ang number ni Zane. Nasa harap ako ng paaralan kung saan siya nagtuturo, ayokong pumasok sa loob ng kusa para hanapin siya kasi nahihiya ako, lalo na 'pag pinagtitinginan ako ng mga estudyante.

Ibinaba ko saglit ang cellphone ko at tinignan ang screen. Hindi niya kasi sinasagot. Ang alam ko lunch time nila ngayon and he promised me na he'd take me out for lunch kasi sa hindi niyo na itatanong ay anniversary namin ngayon.

Zane is retiring from teaching soon so busy na busy siya to make the most out of it at naiintindihan ko 'yon.

Dinial ko ulit ang number niya at nang sagutin niya ito after four rings ay agad na lumiwanag ang aking mukha, napalundag ang katawan ko sa saya.

"Zan—"

"Claire, I'm sorry. Nasa school ka na ba? May biglaang meeting kasi, I can't eat lunch with you. Babawi ako mamaya sa dinner."

Hindi ko pa tapos tawagin pangalan niya ay 'yon agad ang binungad niya sa akin.

Nawawalan na ng oras sa akin si Zane, he's preoccupied most of the time kaya hindi ko alam kung napapansin niya ito. Pero, again... Iintindihin ko siya kasi mahal ko.

I gave myself a faint smile sabay napatingin sa kawalan.

"That's why I called you. May lakad din kasi ako today, let's just see each other tonight.", pagsisinungaling ko.

Narinig ko ang sigh of relief niya sa kabilang linya.

"Thank goodness, nag-aalala ako na baka papunta ka na sa school or worst nasa school ka na. Salamat, babe. Ingat ka sa lakad mo ah?"

"Don't worry about me. Alagaan mo sarili mo, okay?"

"Oo naman, sige na. I'll call you later."

"Sige. I love— ", a beep sound cut me off. He ended the call.

Siguro magsisimula na meeting nila kaya nagmamadali siyang umalis.

Huminga ako ng malalim saka binalik ang aking cellphone sa purse ko.

Napalingon ako doon sa gate ng school at nakatingin sa akin 'yong guard.

Kilala ako ng guard as girlfriend ni Zane, baka   sabihin niya kay Zane na nakita niya ako dito sa labas kaya nagmadali na akong naglakad palayo doon.

Lumayo lang ako ng kaunti, enough para hindi na ako makitang guard at saka nag-antay ng taxi.

Pinara ko agad 'yong taxi na padaan sa harap ko kaya huminto ito.

Binaba ng taxi driver ang bintana ng kotse niya at napatingin sa akin mula sa loob;

"Saan tayo ma'am?", tanong niya.

Yumuko ako para makita siya at nang pasagot na ako ay biglang dumilim ang aking paningin;

"Mmmmmmmphhh! Mmmm!", my inaudible screaming nang biglang may tumakip sa buong mukha ko ng makapal na towel.

"Saan niyo dadalhin si Ma'am? Hoy!", rinig kong sabi ng taxi driver at 'di na naulit, narinig ko nalang ang pag-alis ng kotse nito.

May kakaibang amoy 'yong itinakip ng taong tumatakip sa mukha ko and at the same time ay hinihila ako sa hindi ko alam kung saang patungo na lugar.

And the next thing I know... It was midnight... 11 hours after ay nagising ako sa loob ng isang naka abandunang bahay with no clothes on... Masakit ang buong katawan, may mga pasa na hindi ko mawari saan galing... Mag-isa... Na walang maalala na kung anong nangyari.

Wanted: Father of my Child (BOOK #2)Where stories live. Discover now