12

5.2K 402 71
                                    

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko---kung pagkatapos ba ng klase ko, tatakbo ako pabalik sa art room para magbaka sakaling makita si Jedidiah ro'n o kung dapat bang hintayin ko ang bukas para makausap s'ya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko---kung pagkatapos ba ng klase ko, tatakbo ako pabalik sa art room para magbaka sakaling makita si Jedidiah ro'n o kung dapat bang hintayin ko ang bukas para makausap s'ya. Dapat ba, puntahan ko ang klase n'ya para kumpirmahin ang sinabi n'ya?

Hindi ko alam! Ang alam ko lang, masaya ako sa sinabi n'ya pero hindi ko alam kung pa'no ko ba sisiguraduhin na tama ang narinig ko mula sa kan'ya o nag-iilusyon lang ako.

I can't even dial his number because I don't have his number! Ang dami naming painting sessions at ang dami naming pag-uusap pero ni hindi ko s'ya mutual sa kahit anong social media site at hindi ko alam ang number n'ya.

I groaned after the last class of the day was dismissed. Nagtataka akong tiningnan ni Caden at tinanong ako kung ano ang problema ko.

"Samahan mo ako," I told him when I saw Bianca storming out of the room. 

"Bakit?" takang tanong ni Caden habang isinusukbit n'ya ang sariling bag.

"Basta," I told him and pulled him with me.

Dumiretso kami sa floor kung nasaan ang art room at panay ang pang-iintriga sa akin ni Caden tungkol kay Jedidiah dahil alam naman n'yang sa art room kami nagba-bonding.

Pero nang makarating kami sa art room, nadismaya lang ako dahil puno ang klase ng mga art and design students na nagko-conduct ng klase nila para sa hapong 'yon. Dismayado akong bumaba ng building kasama si Caden.

"Why did we go here? May usapan ba kayo ni Jedidiah?" Caden asked. 

Umiling ako at bumuntonghininga. 

"May number ka ba n'ya?" tanong ko kay Caden at umiling s'ya bilang sagot kaya bumuntonghininga ulit ako. "Social media?"

"I don't know his social media accounts," ani Caden.

"What?" gulat na tanong ko. "Tao ba talaga s'ya?"

"I told you. He isn't sociable."

Agad akong pinagtaasan ng balahibo nang bigla kong maisip ang lahat ng anime at drama films na napanuod ko. Mamaya, ilusyon ko lang naman pala si Jedidiah! Baka mamaya, hindi naman talaga s'ya nag-e-exist! I got chills and I rubbed both of my arms. Nababaliw na yata ako.

Talaga namang kung kailan s'ya. . .umamin. . .uhm. . .sa 'kin! Agad akong namula at inisip na ipagpabukas na lang ang pagkausap kay Jedidiah.

I was excited the next day. Binalak kong pumunta sa art room at talagang nag-ayos pa ako para lang maghanda sa pagpunta ro'n pero nang dumating ako sa art room, nakita kong nakakandado ang room at walang katao-tao sa paligid. 

Gano'n din ang kaso sa sumunod na breaktime. 'Yon nga lang, napagalitan pa ako dahil may art teacher na nando'n sa art room at pinagsabihan akong bawal gamitin ang room na 'yon kung wala namang art class.

A Cold Day In July (Young Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon