2

5.9K 483 171
                                    

It's been days since I started avoiding Caden

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

It's been days since I started avoiding Caden.

Nakakahiya. Una, ipinagduldulan ni Bianca na posibleng inaagaw ko si Caden sa kan'ya. Pangalawa, hindi ko nagustuhan na hindi ako ipinagtanggol ni Caden mula sa nililigawan n'ya. At pangatlo, hindi ko masasagot si Caden nang totoo kapag nagtanong s'ya tungkol sa isinagot kong magiging subject ko para sa exhibit.

Ang bruhang Bianca na 'yon.

Ilang beses na tuloy akong nagpapa-late para hindi ko makausap si Caden sa umaga. Sa tuwing break time naman, tumatakbo na ako palabas ng klase at dumidiretso sa cafeteria para bumili kaagad ng pagkain, then I'd go straight to an empty art room at our building's top floor. Sa uwian, umuuwi ako kaagad at nagbibingi-bingihan sa tuwing tinatawag ni Caden. 

Bawal pumunta sa art room na 'yon kung wala namang klase kaya kailangan kong mag-ingat na makita ng isa sa mga school staff o teachers.

Maraming easels sa art room na 'yon. Floor-to-ceiling glass ang mga bintana at may mataas ding kurtina para ro'n. Agad kong binuksan ang itim na mga kurtina habang umiinom sa naka-kartong milk drink na binili ko kanina.

Ngayon ako nakakaramdam ng pagsisisi na hindi ako nakipagkaibigan sa iba at si Caden lang ang naging kaibigan ko. Napangiwi ako at bumuntong-hininga.

Huli na para gumawa pa ng iba pang mga kaibigan dahil ilang linggo na ang lumipas nang magsimula na ang mga klase at may mga grupo na ang lahat sa room. I have nowhere to fit in.

Buti pa si Caden, mukhang laging si Bianca ang kasama.

Pero agad ding nawala ang atensyon ko sa iniisip nang natigilan ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng art room at napalingon kung sino ang pumasok.

Bahagya kong nadiinan ang pagkakahawak sa karton ng inumin at agad akong nabilaukan dahil do'n nang makita kung sino ang nakatayo sa bukana ng art room.

I coughed repeatedly and I tried my best to calm myself down. Sinuntok ko rin ang dibdib ko habang pinagmamasdan si Jedidiah na malamig na nakatingin sa'kin.

He's wearing the uniform of Soler College of Arts with the dark green and dark blue plaid vest with the gold logo of SCA on its left chest. Puting long-sleeved polo ang suot n'ya at ang itim na necktie. The polo was tucked inside his pair of black trousers. Ang sapatos n'ya, kulay itim na leather shoes.

Umuubo pa rin ako nang walang pakialam s'yang naglakad papunta sa mga shelves na nasa room. Kumuha ako ng upuan at umupo ro'n, kumakalma na mula sa pag-ubo.

Isusumbong n'ya kaya ako? No. He doesn't look like the nosy type.

Jedidiah. I don't know his surname. Hindi s'ya katangkaran. I'm around 5 foot 3 and I feel like he's taller than me by just three inches. Napansin ko rin 'yon no'ng una ko s'yang nakita. He's shorter than his friends.

Pinunasan ko ang mga labi ko at tiningnan ko ang kinuha n'ya ro'ng cartolina. I wonder what that is.

"I'm locking this room," aniya at napaigtad ako dahil hindi ko inaasahang magsasalita s'ya.

Isa pa sa dahilan kung bakit ako nagatatago sa room na 'to, ayaw ko s'yang makita. Nakakahiya dahil alam naman ng lahat na crush o boyfriend ang ginagawang subject sa exhibit. Hindi ako kilala ni Jedidiah, malamang, iniisip ng lahat na crush ko s'ya at hindi boyfriend.

'Yon din kaya ang iniisip n'ya?

"Huh?" Tanong ko.

I heard him sigh before he glanced at me. Uminit ang mga pisngi ko. I realized that he's impatient and he doesn't like to repeat things.

"Hindi ka puwede rito. I'm gonna lock this room. Inutusan ako," sabay angat n'ya ng susi na mukhang para sa art room.

I chuckled awkwardly.

"Gano'n ba?"

Tumayo ako at agad na inayos ang mga kurtina sa orihinal no'ng puwesto bago sumabay kay Jedidiah palabas ng room.

Dahil nahihiya naman akong iwan s'ya kaagad, hinintay ko s'ya habang nila-lock n'ya ang pinto. Nang ma-lock n'ya na ang art room, nauna na akong naglakad palayo.

Ilang beses na naulit ang pangyayaring 'yon. Parating nagpupunta si Jedidiah sa art room para i-lock ang pinto at parati n'ya rin akong nahuhuli ro'n. Wala naman kasi akong puwedeng tambayan! I just figured that no one can find me at the art room.

Dahil ilang beses na naulit na nahuhuli ako ni Jedidiah sa art room, parang nasanay na kaming dalawa na dadating s'ya at pagkatapos, sabay kaming lalabas ng room.

"It's been days already," Jedidiah sighed as he opened the door of the art room again for the nth time this week. "You shouldn't hang around here."

Humalukipkip si Jedidiah at pagilid na sumandal sa door frame ng room. Tiningnan ko s'ya sa likod ng malaking canvas na pinipintahan ko.

"I have nowhere else to go."

I noticed that he seems to be in a bad mood. Ang weird na alam ko na kung kailan s'ya good mood o hindi. Hindi naman kami nakakapag-usap. Gano'n na ba karaming beses n'ya akong nakita sa art room?

Bumuntong-hininga si Jedidiah bago s'ya naglakad papalapit sa akin at na-upo sa upuan sa tabi ko, ilang hakbang ang layo, at sa tapat ng isa sa malapad na mga drawing tables sa art room. Umubob do'n si Jedidiah at mukhang matutulog.

"Akala ko ba, bawal tumambay dito?" Tanong ko sa kan'ya pero hindi s'ya sumagot.

Look at this cold guy.

Ibinalik ko ang tingin sa pinipinta ko at nag-isip ng puwedeng sabihin. Ah. . .me and my friendliness.

"Nagtataka ako kung bakit ikaw ang parating nagla-lock ng pinto. Does the art teacher like you that much?" Tanong ko pero tahimik pa rin s'ya.

Nilingon ko ulit si Jedidiah at nakita kong nakapikit pa rin s'ya at mukha ngang matutulog. I shrugged before I looked at my artwork again. 

"Do you know me?" 

Tiningnan ko si Jedidiah at naabutan kong nakamulat ang mga mata n'yang itim din tulad ng buhok n'ya habang nakatitig sa'kin. 

"Huh?" 

"Kilala mo 'ko?"

Parang gusto kong mainis sa pagtagalog n'ya sa tanong. 

"Kilala ka ni Caden."

"Shouldn't you ask for my consent if you want me to be your subject for the exhibit?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at uminit ang mga pisngi. 

"Hindi---" I stuttered and I don't know how I can explain the situation to him.

"Do you know how much your confession troubled me?"

Nabitawan ko ang brush na hawak dahil sa sinabi n'ya. It wasn't a confession! Humanap kaagad ako ng mga salitang puwedeng sasabihin pero natigilan ako nang pumikit ulit si Jedidiah.

"Take responsibility."

Huh?!

"Be my subject too."

Be his what?!

A Cold Day In July (Young Love Series #2)Where stories live. Discover now