3

5.9K 393 53
                                    

Am I a pushover?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Am I a pushover?

Tinitigan ko ang naka-ubob sa lamesang si Davion Jedidiah De Noia.

After what he told me last time, I never had the chance to explain the situation to him---well, that's a lie---I certainly had a lot of chances but I can't make myself admit that I'm hopelessly in love with my friend who so happened to be Jedidiah's junior high school classmate.

S'yempre, kailangan kong masiguro na hindi malalaman ni Caden na seryoso ang nararamdaman ko para sa kan'ya kaya hindi ko rin masabi kay Jedidiah ang totoo.

When Jedidiah said that he had trouble because of my confession, I didn't think that it would be about his classmates teasing him to no end.

Dahil daw narinig ng marami ang sinabi ko, parati na s'yang pinipikon ng mga kaibigan n'ya---isa sa mga bagay na ikinairita n'ya, making him find a quiet place---which is the art room---kung sa'n naman n'ya ako paulit-ulit na nakita dahil tulad n'ya, gusto ko ring layuan ang atensyon ng mga tao.

Hindi ko pa rin alam kung paano nagka-susi ng art room si Jedidiah. That's not the top of my concerns.

Mukha ba akong madaling i-bully? Sa maikli kong bob cut na makapal at medyo wavy na buhok, balingkinitang katawan, at medyo mestizang kutis---do I look like a pushover? 

Kung hindi, bakit nakita ko na lang ang sarili kong pumapayag na maging subject n'ya rin?

Jedidiah, unfortunately, doesn't make me leave the art room anymore. Lagi na s'yang nasa art room din, natutulog, o 'di kaya, naglalaro sa phone n'ya. But there are moments when he'd talk to me.

"Why do you always paint?" He asked as he stared at my canvas.

It's funny because I know that he isn't really interested to know more about me. Rinig na rinig ko sa boses n'ya na hindi naman talaga s'ya interesadong kausapin ako.

"Gusto ko lang."

"How did you start liking it?"

Bored siguro s'ya kaya marami s'yang tanong.

It's surprising that he'd rather talk to me than sit in silence. He looks like the type who would ignore me and mind his own business.

"Bata pa lang ako, mahilig na akong mag-paint."

Tiningnan ko s'ya at naabutan kong nakatukod ang ulo n'ya sa kamao n'ya habang nakatingin sa'kin gamit ang malalamig n'yang mga tingin.

"Ikaw ba? 'Di ba, tumutugtog ka? How did you start realizing you loved playing?"

Hindi s'ya sumagot. Umirap ako at ibinalik ko ang tingin sa pine-paint.

"When are you going to start doing your project?" Tanong n'ya ulit.

"Matagal pa naman 'yon."

"It's next month."

"Oo nga. Next month pa," tawa ko.

A Cold Day In July (Young Love Series #2)Where stories live. Discover now