7

5.1K 395 87
                                    

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at lalong uminit ang mga pisngi ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at lalong uminit ang mga pisngi ko. I fixed my uniform a bit and my still slightly damp hair. Bumuga ako ng hangin.

It's just like the other nights. . .I didn't sleep well but there's this unusual glow in my eyes that I can't understand.

Papasok na naman ako. At sa break time, posibleng makita ulit si Jedidiah! Inipit ko ang mukha ko sa pagitan ng dalawa kong palad at naisip na naman ang mukha n'ya.

Hanggang sa pagpasok ko sa SCA, s'ya ang nasa isip ko na hindi ko na napansin pa na kasabay ko na palang maglakad papasok ng campus si Caden.

Parehas kaming may dalang payong dahil umuulan. Kung hindi n'ya pa itinupi ang payong n'ya at sumilong sa payong ko, hindi ko pa mapapansin ang presensya n'ya.

"Uy," bati ko sa kan'ya at kaswal na naglakad.

He looks good as usual. Pero hindi na ako namamangha dahil mukhang may bagong hinahangaan ang isipan ko. Caden has finally been replaced by a new crush and I don't even know if that's good news.

Ano na lang ang sasabihin ni Jedidiah kapag nalaman n'yang may gusto ako sa kan'ya?!

"Wow, you're not avoiding me," ani Caden.

Napangisi ako at napa-iling nang kaunti.

"Baka makita tayo ni Bianca tapos awayin n'ya na naman ako!" Tulak ko sa kan'ya palayo nang kaunti.

"Don't push me! I'll get wet," aniya at pinagpagan ang balikat na mukhang nabasa ng ulan.

"Baka pagselosan na naman ako ni Bianca!" I told him.

Tapos hindi mo na naman ako ipagtatanggol! Halos umirap ako.

Nang bumuntong-hininga s'ya, kuryoso ko s'yang pinagmasdan at mukhang napansin n'ya naman ang tanong sa mukha ko. Hinawakan ni Caden ang batok n'ya at minasahe 'yon na para bang kahit umaga pa lang naman, nakakaramdam na s'ya ng pagod.

"I just don't enjoy my time with her anymore," he said.

Lumaki nang kaunti ang mga mata ko.

"Jerk!" I immediately said.

"Jerk agad? You haven't even heard the whole story yet."

"Kahit na. One day, you're all about her tapos ngayon, it's like you lost interest?" I nudged his shoulder.

"July, I was still getting to know her. And maybe I was wrong with trying to pursue her even though I don't know her fully yet," he shook his head. "She's too restricting and controlling. She even tells me what I should and should not do."

Napangiwi ako at hindi maisip kung gaano nga 'yon nakakasakal.

"She even told me to change the perfume I use with this overly expensive yet not appealing perfume just because they are popular on social media today. Why would I do that? I don't even like how that smells!"

A Cold Day In July (Young Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon