10

5.2K 361 54
                                    

Hindi ko alam kung magdidiwang ba ang kalooban ko o pagsisisihan ko ang mga desisyon ko sa buhay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ko alam kung magdidiwang ba ang kalooban ko o pagsisisihan ko ang mga desisyon ko sa buhay. Pero alam ko sa sarili ko na nangingibabaw ang saya ko habang naka-upo sa harapan ni Jedidiah na mukhang nagfo-focus sa canvas n'ya.

Kanina pa mainit ang mga pisngi ko at hindi ko magawang ngumiti man lang dahil baka magmukha akong namimilipit sa sakit ng t'yan.

Kanina pa rin ako pa-iwas-iwas ng tingin dahil naiilang akong titigan si Jedidiah.

S'ya naman kasi ngayon ang nagpe-paint sa'kin. Kanina pa s'ya sa sketch n'ya. Mamaya, baka gumamit na rin s'ya ng paint.

Isa na ata 'to sa pinakamasasayang punto ng buhay ko. Pero isa na rin siguro 'to sa mga hindi ko alam kung kaya ko bang tagalan.

Ang guwapo kasi ni Jedidiah lalo na sa tuwing seryoso sa ginagawa. Hindi ko nga alam kung tama bang ako ang subject n'ya. Hindi naman kasi ako maganda at hindi rin nababagay para maging subject sa mga painting.

Kanina ko pa rin iniisip kung maganda ba ang gawa ni Jedidiah. Hindi ko kasi alam kung magaling ba s'ya sa pag-paint. Pero kahit ano naman ang kalabasan, magiging maganda pa rin 'yon sa paningin ko dahil s'ya ang gumawa.

Nawala lang ako sa iniisip ko nang mapansin ko na napatitig sa akin si Jedidiah at itinigil n'ya ang ginagawa. Tinaasan ko s'ya ng dalawang kilay, tinatanong kung ano ang problema.

"Don't bite your lip," aniya at lalong uminit ang mga pisngi ko.

Pinakawalan ko ang pagkakakagat ko sa labi ko. 

"Sorry," I mumbled.

Tahimik na itinuloy ni Jedidiah ang pagpipinta n'ya.

Kung sakali man, kakaunti lang naman ang magiging kaagaw ko kay Jedidiah dahil matagal na s'yang iniiwasan ng mga babae dahil sa kasungitan n'ya. Napanguso ako. 

Bumuntong-hininga si Jedidiah.

"Don't pout," he said.

"Hindi naman ako estatwa," angal ko pero natahimik din nang tingnan na naman n'ya ako nang diretso. 

Hindi kaagad natapos ni Jedidiah ang painting na 'yon sa unang break time sa araw ding 'yon kaya itinago na muna n'ya ang ginawa at bumalik na muna kami sa sari-sarili naming mga klase.

Sa pangalawang breaktime para sa araw na 'yon, didiretso na sana ako pabalik sa art room pero agad akong natigilan nang bigla akong salubungin ni Bianca. 

This scene is too familiar to me. Alam ko na kung ano ang pakay n'ya sa pagharang sa akin at t'yak na hindi ko magugustuhan ang gagawin n'ya.

Nakataas na kaagad ang kilay ni Bianca at kitang-kita ko ang galit sa mga mata n'ya. Humalukipkip s'ya sa harapan ko. Tiningnan ko ang dalawang kaibigang nasa likuran n'ya na mukhang may inis din para sa'kin.

"Hindi ka talaga nadadala, ano? Kinakausap mo pa rin si Caden!" halos isigaw n'ya.

"We're friends, Bianca. Classmates din kami. Imposible namang hindi kami mag-usap," kalmadong dahilan ko.

A Cold Day In July (Young Love Series #2)Where stories live. Discover now