6

5.2K 420 101
                                    

"July, balita ko, may crush ka raw kay Jedidiah, ah?" 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"July, balita ko, may crush ka raw kay Jedidiah, ah?" 

Agad kong nginiwian ang kaklase kong lalaki na lumapit sa akin para sabihin 'yon pero hindi ko naman maitanggi ang tinanong nila dahil naririnig kami ni Bianca na mukhang nakikipag-bonding kay Caden na katabi n'ya.

"Is it true?"

"Ano ngayon?" Tanong ko.

Agad na nag-react ang mga kaklase kong lalaki at agad na nang-asar sa'kin pero hindi ko na lang pinansin. 

"Ang tapang mo, July! I wish I could be brave enough to admit publicly that I like someone!" Ani isa kong kaklaseng babae.

Uminit ang mga pisngi ko. Madaling umamin kung hindi naman talaga 'yon ang gusto mo! Hindi ko naman talaga gusto si Jedidiah kaya pa'no naman ako maduduwag na sabihing s'ya ang subject ko sa exhibit?

"You know, Jedidiah is really handsome! 'Yon nga lang, girls are terrified of him kasi he's masungit daw," lapit ng isa sa mga babaeng kaklase sa akin para sa kuwento n'ya.

Agad akong napatitig sa kan'ya, interesado dahil ito yata ang unang pagkakataon na makakarinig ako ng kuwento tungkol kay Jedidiah.

"He's that kind of person na rude. Balita ko, one time, a girl asked him out and he flat out said that he didn't like her or that he isn't interested in her!"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil tunog Jedidiah nga 'yon! Pero tsismis ang kumalat na 'yon kaya hindi naman dapat ako maniwala kaagad. Jedidiah is straightforward and honest. Kaya siguro gano'n s'ya mag-deal sa mga confessions?

I don't know!

I kind of wish I can see him later. Bigla ko kasi s'yang...

Biglang ano?

Uminit ang mga pisngi ko at inalis sa isipan 'yon. Wala rin kasi kahapon si Jedidiah sa art room! Hindi ko alam kung babalik pa ba s'ya ro'n. Hindi kami mutuals sa kahit ano'ng social media. Wala rin akong number n'ya. At kahit na meron, I feel like I'm not in that kind of relationship with him that I can comfortably ask him why he didn't come to visit the art room yesterday and the day before that!

Sana, mamaya, kapag pumunta ulit ako ro'n para sa breaktime ay nando'n na s'ya.

"At narinig ko from his classmates na he's really snobbish sa iba. Tapos he only hangs out with his friends."

"He doesn't really look like he's sociable."

"Ano ba'ng nagustuhan mo sa kan'ya, July?" Baling sa akin ng isa sa kanila at agad akong nagulat.

"Ha?" I stuttered. "Maybe his. . .uhm. . .eyes?"

"True!!!" One of my girl classmates squealed. "He has empty pitch-black eyes that are really attractive! Tapos ang cold-looking pa!"

"Ang maybe his hair," I mumbled.

"I like his hair too! Ang straight and black din like his eyes. Tapos he doesn't style them but the way his hair lay flat looks really cute and charming! I just don't feel like we're going to vibe kaya I crush on other guys na lang."

"It's the same for me! Guwapo si Jedidiah pero I feel like he's out of my league. He would never, even once, look at me!"

I knew it. Jedidiah is popular. It's his personality that shoos them off.

Pero bakit ako natutuwa? Na parang walang interesado na sumubok sa kan'ya? Na marami man ang interesado sa kan'ya, lahat sila, hindi na sumusubok pa dahil alam nilang wala silang pag-asa?

Sumisipsip sa milk drink na binili ko sa cafeteria, 'yon ang nasa isip ko nang mapagdesisyunan kong dumiretso ulit sa art room tulad ng nakasanayan.

I was busy thinking about Jedidiah that I thought I hallucinated when I saw him inside the art room, sitting on a chair and looking outside the window with his cold jet-black eyes. 

Nakahalukipkip s'ya habang nakasandal sa upuan at nakatingin sa labas ng bintana. After a few seconds, he moved his gaze towards the canvas I haven't painted on ever since he didn't show up. Nang siguro, mapansin n'ya na may nakatayo pala sa bukana ng art room, lumipat ang atensyon n'ya sa'kin.

My heart immediately slammed against my chest.

"Uy," I stuttered, like how I always do whenever I see him unexpectedly.

Hindi s'ya nagsalita. I awkwardly walked towards where he was.

"Wala ka last time, ah? T'saka kahapon. Busy?"

"No."

Hindi? Bakit 'di s'ya pumunta rito?

"Ah," tumango ako at umupo na sa stool na nasa tapat ng canvas na hindi ko matuloy kahapon dahil wala s'ya. "Kumain ka na?"

Nilingon ko s'ya at naabutan kong nakahalukipkip pa rin s'ya habang seryosong nakatingin sa'kin.

Napangiwi ako nang ma-realize na hindi s'ya sasagot.

"Ako kumain na," irap ko bago binalingan ang canvas ko.

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. . .pero masaya rin ako at the same time. What the hell is wrong with me?

"Isn't you who's busy?" He asked. 

Kinunutan ko s'ya ng noo. Ano'ng sinasabi n'ya? Nagsayang nga ako ng oras dito kahapon kahihintay sa kan'ya! But guess what? No show!

Hindi na lang ako nagsalita at nagsimula nang kunin ang mga kailangan ko para sa painting.

"Upo ka na ro'n," I told him, pointing at the stool not too far away from us.

Nalaglag ang panga ko nang tingin ko ay halos irapan ako ni Jedidiah. Ano ba'ng problema n'ya? S'ya kaya ang wala kahapon!

"Galit ka ba?" Tanong ko sa kan'ya, nakasimangot.

Humalukipkip si Jedidiah at tumaas nang kaunti ang isa n'yang kilay. 

"No."

I shrugged.

"Okay."

Screw it. I confess! Fine! He's handsome and he messes with my mind a whole lot than I expected! I've been staying up until three am not because I kept on browsing through my social media but because I keep thinking about him---how much I want to see him!

Hindi ko maamin kasi. . .alam kong iba ang gusto ko pero bakit kinikilig ako kay Jedidiah kahit na nagsusungit s'ya at nakaka-inis kung sumagot?

Bakit kapag nakikita ko si Caden sa classroom, hindi ko lang maamin, pero hindi na appealing sa akin kahit ang paraan n'ya ng pagtayo? That Caden seemed too ridiculous in my perspective that I can't even remember what I liked about him. 

Wala namang ginagawang masama si Caden pero bakit natu-turn off ako sa kan'ya sa tuwing nakikita ko s'ya? Bakit si Jedidiah na umiirap sa'[kin, lalo ko lang nagugustuhan?

What the freaking sorcery is this?

At bakit ang guwapo-guwapo n'ya habang naka-upo sa upuang 'yon at nakatingin lang naman nang diretso sa'kin? 

Davion Jedidiah De Noia looks like a black and white ink painting. . .yet he makes everything around him look vibrant in my eyes. Bakit kahit malamig ang kulay na ipinapakita n'ya, everything looks warm to me? Bakit kahit malamig s'ya, umiinit ang isang parte ng puso ko?

Oh, no. I thought it'd be impossible. . .but I feel like I unconsciously fell for him.

A Cold Day In July (Young Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon