Train Station

5K 139 18
                                    

Hindi pangkaraniwan ang pagpapatawag ng sales manager ni Olive sa kanya pagkarating niya sa opisina.

Wala man siyang kaide-ideya kung ano iyon ay sumisikdo ang puso niya sa sobrang kaba.

"Have a seat, Olive."

"Thanks, Mrs. Freeman."

"I will not beat around the bush." Seryosong tinitigan si Olive ng kanyang manager. "Our board had a meeting yesterday and we were informed that our company is in the red. Meaning, it suffers financial losses. Thus, resulting to retrenchment of some employees."

Lumunok muna ng laway si Olive bago nagsalita. "I-Including me?"

Dahan-dahang tumango ang manager. Para bang wala itong ibang naiisip na paraan para sabihin ang balita sa kanyang empleyado sa hindi nakakalungkot na paraan. "I fought hard for you, Olive. You are a valuable asset of our company. But they won't consider..."

Kumibot-kibot ang labi ng may edad nang babae bago nagpatuloy. "It's because you are not a green card holder yet."

Hindi kataka-taka na isa siya sa natanggal. Totoo ang sinabi ng manager niya na asset siya ng kumpanya. "People person' siya kaya madali siyang makapagpa-oo ng kliyente para bumili ng property na ibinebenta nila. Hence, making her employee of the month multiple times. Iyon nga lang, wala siyang mailalaban dahil pagdating sa usaping pagbabawas ng empleyado, alam niyang mas bibigyan ng prayoridad ang permanent residents and citizens na magkaroon ng sekyuridad sa trabaho kumpara sa kanya na working visa lang ang maipapakita.

Tunay nga namang wala pa siyang green card dahil nang pumunta siya sa US ay tanging working visa lang ang mayroon siya. Pupuwede naman iyon as long as sponsored siya ng kaniyang employer.

Sa loob ng limang taon niya sa USA ay ilang beses siyang inalok ng employer na kumuha ng green card ngunit tinanggihan niya. Wala naman siyang balak na maging permanent resident ng bansa. Katwiran niya ay kung may nais siyang tirhan ay Canada iyon at hindi ang United States.

Ngunit sa paglipas ng panahon ay nag-iba ang pananaw niya. Nagkaroon na siya ng interes na magkaroon ng green card lalo pa at ang anak niya ay awtomatikong US citizen na dahil doon niya iyon ipinanganak. Iyon nga lang ay nade-delay nang nade-delay ang pag-a-apply niya dahil sa kabi-kabilang kliyenteng sineserbisyuhan. Wala siyang panahon sa mga bagay tulad noon.

Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Naisin man niyang kumuha ng green card ngayon ay mahihirapan siya dahil matatanggal na siya sa trabaho. Her working visa sponsorship is co-terminus with her employment. Ang ibig sabihin noon, sa araw na mawalan siya ng trabaho ay ganoon din ang sasapitin ng visa niya. Though the US government allows a grace period of 60 days bago niya lisanin ang bansa — unless makakuha siya ng bagong employer na sasalo ng sponsorship niya.

Pero malabo iyon. Alam niya ang hirap sa paghahanap ng employer na magga-grant sa kaniya ng bagong working visa.

♡♡♡

Wala sa sariling nilisan ni Olive ang opisina dala-dala ang last paycheck. May kalakihan iyon, sapat na para makapagsimulang muli sila ng bagong buhay. Pero ano nga ang magagawa noon kung mawawalan siya ng karapatang tumira sa USA?

♡♡♡

"Kuya, what should I do?" desperadong tanong ni Olive nang makauwi siya sa bahay nila. Ang kuya niya ang una niyang pinagsabihan ng nangyari sa kanya sa trabaho.

"Teka, mag-iisip ako."

"Salamat, Kuya. Alam mo naman kung gaano kahalaga ang pananatili ko rito. Kapag napilitan akong umuwi sa Pilipinas, hindi ko maisasama si Nico dahil US citizen siya. Hindi kami puwedeng maghiwalay ng anak ko."

Pleasure Me, Mr.Where stories live. Discover now