Pancakes

5K 132 11
                                    

"Baby.." Labis ang pag-alala sa mukha ni Nicky nang lapitan niya si Olive. Hinawakan niya ito sa braso. "What's wrong?"

Pinunasan pa niya ang pinaghalong pawis at luha ng babae sa mukha.

Olive shook her head as a response.

Sandaling umalis si Nicky para kumuha ng isang baso ng tubig para kay Olive.. Agad din naman siyang bumalik. Hindi naman iyon tinanggihan ng dalaga.

After fifteen minutes of trying to convince her, hindi pa rin siya sinasagot ng dalaga. Binuhat niya ito at pinahiga sa kama.

Sandali muna siyang lumabas para makapag-isip isip. Inilibot ang paningin at dumako iyon sa tindahan sa may tapat lang nila.

"Pabili po."

Wala pang sampung segundo ay dumating na ang may-ari ng tindahan na si Aling Beth. Bumili siya ng isang plastic ng coke. Nang makuha ang binili ay itinukod muna niya ang siko sa pasimano ng tindahan.

"Aling Beth, ano kaya'ng problema ng asawa ko? Kanina ang saya lang namin tapos ngayon e iyak nang iyak." Nicky chuckled internally. Ang pakilala kasi niya sa mga kapitbahay ay mag-asawa sila kaya pinangangatawanan na niya. Lingid ito sa alam ni Olive na madalas taong-bahay.

"Baka naman may dalaw?" sagot ni Aling Beth. "Bilhan mo ng pagkain. Ganiyan ang asawa ko e 'pag tinotopak ako."

Napatuwid sa pagtayo si Nicky. Napagtanto niyang may punto ang kausap.

Maayos siyang nagpaalam kay Aling Beth at tinungo ang garahe. Gamit ang motorsiklo ay pumunta siya sa bayan. Hindi rin naman siya nagtagal dahil pagkabili niya ng burger, fries, milktea, at fruits ay umuwi rin siya agad.

♡♡♡

"Baby, I'm home." Inilapag muna niya ang mga pinamili sa lamesa. Kapagkuwan ay inakay niya mula sa kuwarto ang nobya na noo'y humilam na ang pagluha.

Matamlay itong umupo at tiningnan ang mga pinamili ng nobyo.

"Baby? You want fries? Subuan kita."

Umiling lang ang dalaga. "I want pancakes." She pouted and rested her chin on her palms.

Napaatras naman ang binata. May pangungunot ang noo niyang tiningnan ang katipan.

"So it's all about pancakes, baby?" Hinaplos ni Nicky ang malambot na pisngi ng dalaga.

Olive nodded.

"Okay. No problem. I'll buy y—"

Olive held Nicky's right arm in attempt to restrain him from going out. "I want us to make our own pancakes." She pouted. "Please?"

Natatawa na lang si Nicky habang kinakamot ang batok. Hindi man niya maintindihan ang ikinikilos ng dalaga ay hinayaan na lang niya.

"Sure, baby. Come with me."

♡♡♡

"Asukal, all-purpose flour, baking powder, asin, gatas, itlog, vegetable oil. Toppings na lang ang kulang," saad ni Olive na tutok sa pagtingin ng recipe ng pancake sa internet. "Baby, which do you prefer, maple syrup, dairy creme, or margarine?"

Nilaro-laro ni Nicky ang handle ng push cart. Nahihirapan siyang mag-decide. "Lahat na lang kaya, baby? Masarap naman lahat e. Pero kung pasarapan, ako na lang i-toppings mo sa panc— aray!"

Kinurot ni Olive si Nicky sa tagiliran nito. "Uy, marinig ka naman ng mga tao." Nagpalinga-linga ang dalaga. Mukha namang walang nakarinig dahil abala ang mga tao sa pamimili.

Nicky chortled. Gusto niyang pinipikon ang dalaga.

Ilang beses na silang nagpabalik-balik ng tingin sa mga naka-display sa istante nang pukawin ang atensiyon nila ng tugtog na nagmumula sa speaker. It was a song by Andrew E. entitled 'Sinabmarin'.

Pleasure Me, Mr.Where stories live. Discover now