Wrath

5K 133 6
                                    

Magkatabing nakaupo sina Nicky at Olive. Katatapos lang nilang maglako ng mga isda at lamang-dagat. Inabot na sila ng tanghali pagbebenta kaya napagdesisyunan nilang kumain na lamang sa karinderya.

"Sold out lahat." Buong ligayang itinupi ni Nicky ang kumpol ng lilibuhin sabay suksok noon sa sling bag na suot. "Ang galing kasi mag-sales talk ng baby ko."

Inakbayan ng binata ang nobya at hinagkan sa buhok. "Malalagpasan din natin ito nang magkasama." Hinawakan ni Nicky ang kanang kamay ni Olive sabay pisil sa palad nito. "Ikaw ang lakas ko, baby. Without you, siguro pinanghihinaan na ako ng loob."

He leaned forward to kiss Olive's knuckles. He squeezed those as he stared at his girlfriend. "Mahal na mahal kita."

Olive brought her hand to Nicky's cheeks. She caressed it. "Mahal din kita, baby."

They were cut off when the server from the counter shouted. "Table number 3!"

"I'll just get our meal, baby." Tumayo na si Nicky at pumila papuntang counter.

Olive's phone vibrated. She received a text from an unknown number.

MATIGAS KA TALAGA HA. SIGE TINGNAN NATIN.

Isang tao lang ang alam niyang magse-send ng text na 'yun.

Si Mr. Byrne.

Napahigpit ang paghawak niya sa cellphone. Pinipilit niyang kontrolin ang sarili. Ayaw niyang ma-stress nang labis.

"Here's our food!"

Siniglahan ni Olive ang mukha nang makabalik na si Nicky sa table nila.

♡♡♡

As they are enjoying their meal, Olive received a phone call from Marck. She excused herself to Nicky then took the call outside the restaurant.

"Oh, Marck. Napatawag ka?"

"A-Ate..." Halata ang pag-iyak ng dalaga dahil sa boses nitong gumagaralgal.

"B-Bakit?"

"Inalis nila ako sa Dean's list. They accused me of plagiarism. May ipinakita silang website kung saan nandoon 'yung research paper ko, word for word. Pero Ate, sarili kong konsepto 'yun. K-Kung may kumopya man, 'yung website 'yun. H-Hindi ako."

"I know, Marck. I know."

Olive trusts her sister. Bata pa lamang ay kita na ang kasipagan nito sa pag-aaral. Mag-isa nitong ginagawa ang project nang hindi humihingi ng tulong sa kanila. Sinisiguro rin nito na palagi siyang kasama sa honor roll kaya lagi nitong pinagbubuti sa eskuwelahan.

Tuluyan nang humagulgol si Marck sa kabilang linya. Humina ang boses ng dalagita na para bang may kumuha ng cellphone.

"Ate, si Kojie 'to." Banaag din sa boses nito ang kakaibang emosyon. "H-Hindi yata ako makaka-graduate."

"Ano? B-Bakit? P-Paanong—"

"I have a case in the student council. They accused me of being included in an initiation rite of a fraternity. E tangina, Ate. Puro computer games ang alam ko. Hindi ako sumasali sa mga frat na 'yan."

Olive let out a deep sigh. She highly believed Kojie. Geek-type person ang kapatid niya at kulang na lang ay pakasalan nito ang computer sa sobrang adik sa paggamit nito. Malabong kasali ito sa frat. Ilag ang kapatid sa maraming tao.

Pleasure Me, Mr.Where stories live. Discover now