The Bar

26.2K 419 28
                                    

“Another shot of Espresso Martini please.”

Kukuhanin sana ng bartender ang pint glass na ibinibigay ng dalaga pero hindi natuloy.

“No, sir. We’re good.” Si Gianna ang nagsalita, ang bestfriend ni Olive.

Nakuha naman agad ng lalaki ang sinabi ni Gianna kaya hinayaan na nito ang magkaibigan. Hindi na nito kinuha pa ang pint glass.

“Just let me sip another drink, Gi. I really need that right now.”

“I know what you’re going through, Olive. But no matter how much wine you’ll take, Gino will no longer come back. He’ll be married soon.”

Tiningnan ng dalaga ang kaibigan. “Just because I can’t give him what he wanted, it’s that easy for him to turn me away? Fuck him.” Tumayo si Olive at dumukot ng ilang lilibuhin sa pitaka niya. Tiningnan niya ang bartender. “Leave the change for yourself.”

Tumalikod na ang dalaga at pinilit lumakad kahit pasuray-suray.

“Olive!” Hinawakan ni Gianna ang braso ng kaibigan nang maabutan niya ito. “Where do you think you’re going?”

Hilaw na pagtawa ang pinakawalan ni Olive. “I’ll look for someone who can fuck me.”

“Nababaliw ka na ba?” Hindi ba’t ’yan nga ’yung sa tingin mo ang dahilan kaya ka iniwan ni Gino? Tapos gano’n na lang kadali na ibibigay mo ’yan sa iba?” Isang mahinang tampal ang ibinigay ni Gianna sa dalaga. “Ayan. Nang matauhan ka.”

Mahinang itinulak ni Olive ang kaibigan. “Ikaw naman. Nagbibiro lang ako. Samahan mo ako sa CR. I’ll fix my face.”

“Fine. I’ll just finish my drink. Susunod agad ako.”

Tumango lang si Olive na noo’y nagagawa nang ibalanse ang paglalakad.

“Shit. Masyado nga yatang marami ang nainom ko.” Pikit-mata niyang ipinilig ang ulo.

Narating din niya ang CR. Humarap siya sa sink at nagwisik ng tubig sa mukha na lumalabas mula sa gripo.

Nang ’di makuntento ay yumuko pa siya at tuluyan na niyang hinilamusan ang mukha.

“Woooh!” Iminulat-pikit ni Olive ang mukha sabay harap sa salamin.

Matagal lang siyang nakatitig sa kaniyang repleksiyon.

“Fuck you, Revadulla! Ipagpapalit mo ang limang taon nating pinagsamahan dahil sa sex na hindi ko maibigay sa ’yo? Siguro nga hindi gano’n kalalim ang pagtingin mo sa akin kaya nagawa mo akong ipagpalit agad. Bakit? Nakuha mo agad ’yung babae mo kaya niyaya mo agad magpakasal? Well, wala na akong masabi kundi it’s a good riddance! Magsama kayo.”

Marahas na hinablot ng dalaga ang shoulder bag na nakapatong malapit sa sink. Padabog siyang lumabas kung kaya dinig ang pagtunog ng heels ng sapatos niya sa tuwing tumatama ito sa tiles na sahig.

Lampasan ang tingin niya kung kaya pati mga nakakasalubong niya ay hindi niya napapansin. Hanggang sa...

“Ouch!”

Halos tumilapon siya sa sahig dahil sa lakas ng pagkakabunggo niya sa matigas na bagay sa harap niya.

She swayed from left to right trying to regain her balance. Then she heard her heel shoe cracked.

Akala niya ay matutumba siya ngunit may malakas na braso ang pumulupot sa katawan niya.

Mahigpit ’yun kaya napaigik siya nang kaunti.

“M-Miss, are you alright?”

Nang marinig ni Olive ang malaanghel na boses na ’yun ay para siyang nahimasmasan. Hinanap agad ng mga mata niya ang taong nagmamay-ari no’n.

It’s owned by no other than the guy she stumbled upon. The guy who has blonde hair, blue eyes, and wide smile which paints the ray of sunshine on his face.

“Miss?”

Noon lang bumalik sa wisyo si Olive.

“A-Ahhh. O-Okay lang ako.” She let out a smile just to hide her strain inside. “I gotta keep going.”

Sinubukan niyang maglakad pero muntikan na naman siyang matumba. Buti na lang ay muli siyang naagapan ng knight in shining armor niya.

She released a disconcerting laugh. “Ay. Nabali pala ’yung takong ko.”

Worry is evident on the guy’s face. Yumukod siya para tingnan ang sinapit ng sapatos ng dalaga.

“I can fix this for you, miss.”

“H-Hindi na.”

Umiling ang lalaki. “I have to make it up to you.” Nagulat si Olive dahil sa hindi inaasahang pagbuhat sa kaniya ng lalaki.

“U-Uy, saan tayo?”

“You’re in good hands, miss.”

Wala nang nagawa si Olive kung ’di ang hayaan ang lalaki.

♡♡♡

There.” Iniabot ng lalaki ang sapatos ni Olive.

“Seems like it is as good as new,” manghang sabi ni Olivia. “Thank you, Mr.—”

“Nicky. Nicky Byrne.”

“That’s a nice name! I’m Olivia Barcelo. You can call me Olive.”

She offered her hand which was eagerly held by Nicky.

“Sige na, Nicky. Baka may lakad ka pa. Salamat ulit.”

“Don’t mention it. By the way, may kasama ka ba?”

Tumango lang si Olive.

“I see. Boyfriend?”

“No, I’m with my bes—"

“Olive!”

Sabay na napatingin ang dalawa sa pinagmulan ng tinig.

“Gianna.”

Isang makahulugang tingin ang ipinukol ng bagong dating sa dalawa.

“Mukhang mali yata ang tiyempo ko ah. Sige maun—”

“Hindi. Aalis na tayo, ’di ba?” She stressed the last two words while secretly pinching the arm of her bestfriend.

♡♡♡

Matapos maipakilala ni Olive ang kaibigan sa bagong kakilala ay dumiretso na sila sa kotse.

“Uy, alam mo ang cute niya! Mas guwapo pa sa Gino mo!”

“Gino ko?” Olive said in a sarcastic tone while pointing at her own chest.

“Ay, hindi na pala siya sa ’yo.” Gianna giggled.

“Pero kung hindi ako pumunta kanina, magse-sex na kayo?”

“Hoy, bibig mo naman!” Akmang tatampalin ni Olive ang kaibigan.

Gianna dodged her friend’s palm. “Oh, nagda-drive ako.”

“Pero why not?” Olive chuckled.

“Gaga. Oh sige na, nandito na tayo sa inyo. Bye na.”

Nang makapasok si Olive sa kuwarto niya, hindi niya mapigilang balikan ng tanaw ang naging pagtatagpo nila ni Nicky kanina. Nakatulog siya nang may ngiti sa kaniyang mga labi.

Pleasure Me, Mr.Where stories live. Discover now