Needed

11.1K 239 27
                                    

“Olive, puwede ka bang makausap?” Si Jerico ang nagsalita, ang kapatid ng dalaga.

“Oo naman, Kuya.”

Hinigit siya ng kuya niya patungong kusina. Huminga muna ito nang makailang ulit. Nariyang ipapasok ang dalawang kamay sa bulsa, ilalabas, at ipapasok ulit sabay buga ng hangin mula sa bibig.

Nakatingin lang ang dalaga sa kaniyang kapatid habang hinihintay itong magsalita.

“Ano.. kwan, kasi ano.. bunso. Manghihiram sana ako ng pang-dialysis ni Ayume.. Nakakahiya man per—”

Hindi na hinintay pa ni Olive na makatapos sa pagsasalita ang kuya niya. Kinuha niya agad ang sampung lilibuhin sa wallet niya. Hindi man lang niya pinatagal sa palad dahil ibinigay niya agad iyon sa kuya niya.

“Bunso, sobra-sobra na ’to.” Tangkang ibabalik ng kuya niya ang tatlong libong piso. “Hindi ko kayang bayaran ’yan.”

Pinisil ni Olive ang balikat ng nakatatanda niyang kapatid. “Hindi ko naman pinababayaran ’yan, Kuya....” Saglit na sinulyapan ng dalaga ang siyam na taong gulang na pamangkin sa sala. Nakaupo ito habang naglalaro ng tablet. “Pamangkin ko si Ayume. Hindi ko siya kailanman pagdaramutan.”

Patagong inihilamos ni Jerico ang isang kamay sa mukha para ikubli ang nagbabadyang luha.

“Salamat, Bunso.” Mahigpit niyang niyakap ang kapatid.

Gumanti ng yakap si Olive. “Huwag kang mag-alala, Kuya. Makakuha lang ako ng buyer ng biggest project ko, ipapa-kidney transplant agad natin si Ayume. Pangako ’yan.”

♡♡♡

Habang nakasakay sa jeep papuntang trabaho ay malayo ang nararating ng tingin ni Olive. Malalim ang kaniyang iniisip.

Higit singkuwenta mil na lang ang laman ng kaniyang bank account. Hindi niya alam kung ilang dialysis pa ng pamangkin ang pagkakasyahan ng pera niya. Bukod pa roon, kailangan din niya ng pera para sa pag-o-OJT ng mga kapatid niyang sina Kojie at Marck.

“Kailangan ko nang doblehin ang effort ko. Kailangan kong makabenta,” saad ni Olive sa sarili niya. “...lalo na ang property sa Ayala Alabang.”

Bawat property kasi na maibebenta niya ay may 3% commision siyang kikitain. Kaya kung maibenta niya ang property na tinutukoy niya ay laking kaginhawaan ang maidudulot nito sa pamilya niya.

Malayo ang nilalakbay ng isip niya nang mag-vibrate ang telepono niya. Si Patty iyon, ang boss niya.

“Ms. Barcelo, saan ka na?”

“Malapit na ako, boss.” Kumunot ang noo niya. Hindi pangkaraniwan ang tawagan siya nito. Her boss values her personal space at hangga’t hindi pa siya nakakapag-time in ay hindi ito nangingialam o nanghihimasok. This might be important. “Bakit po?”

Tumikhim si Mrs. Camingao sa kabilang linya. “Somebody wants to talk to you about the property in Ayala Alabang.”

Nabuhay ang lahat ng dugo sa katawan niya nang marinig ang sinabi ng boss.

“P-Po? Sino po? K-Kilala n'yo?”

“Mas magandang dito mo na malaman. The clients are in the lobby. Dumiretso ka na lang sa office ko. Papapasukin ko sila rito.”

Halos palitan na ni Olive ang driver sa pagpapaandar ng jeep makarating lang agad sa opisina.

Ito na ang big break na hinihintay niya. Ito na ang tamang pagkakataon para maiahon niya ang kaniyang pamilya.

♡♡♡

Nasa tapat na siya ng pinto ng opisina nila sa ikawalong palapag ng building. Huminga muna siya nang malalim. Sinigurong plantsado at hindi gusot ang damit na suot.

Pleasure Me, Mr.Where stories live. Discover now