Pizza

10.3K 233 14
                                    

“Hi, Baby.” Isang halik sa may tainga ang iginawad ni Nicky kay Olive.

“U-Uy, baka may makakita.” Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nasa tapat kasi sila ng office building.

“Miss mo agad ako ’no?”

“Luh, asa ka.”

Nang makapasok na sila sa kotse ay padabog na sumalampak si Olive, bagay na hindi nalingid sa binata.

“What's up?”

Umiling lang si Olive. “Something just came up.” Inayos niya ang pagsusuot ng seatbelt.

Hindi na inusisa pang muli ni Nicky ang dalaga. Inilihis na lang niya ang usapan. “Saan mo gustong pumunta?”

“Tinatamad akong gumala eh. Let’s just go to your place na lang kaya? May kasama ka ba sa inyo?”

Lihim na napangiti si Nicky. Lumapit siya sa tainga ni Olive. “Wala, Baby.” Nagdulot iyon ng kakaibang kiliti na dumaloy sa buong katawan ng dalaga. “Let’s bake pizza?”

Napaawang ang bibig ni Olive na sinabayan ng pagkislap ng kaniyang mga mata. “Uy, gusto ko ’yan!”

Pinaharurot na ni Nicky ang sasakyan sa pinakamalapit na mall para bumili ng mga sangkap na kakailanganin. Pagkatapos mamili ay dumiretso na sila sa Meadows Place sa Makati kung saan naroon ang condo unit ni Nicky.

“Nice place.” Inilibot ni Olive ang tingin sa loob ng condo unit ng binata. “This is your bachelor’s pad, right?”

“It is,” sagot ni Nicky na noo’y kalalapag lang ng mga pinamili sa kitchen table.

“Mag-isa ka lang talaga rito?”

Tumango ang binata bilang tugon.

Pinagmalas ng dalaga ang tingin sa bawat detalye ng unit ni Nicky.

Maraming abstract painting ang nakasabit sa puting dingding. Karamihan sa mga ito ay pinaghalong puti at itim ang kulay. Sa gitna ay nando’n ang isang 77-inch na TV. Mayroon ding latest model ng Playstation 5 na naka-display sa may ilalim ng tv.

Sa tabi naman noon ay may book shelf kung saan nakasalansan nang maayos ang mga libro. Pinasadahan niya ng daliri ang mga librong nandoon. May science books, complete volume ng encyclopedia, at mystery books. Ang pinakapumukaw sa atensiyon niya ay ang librong Kama Sutra ni Vatsyayana.

Muling umiral ang init sa pisngi niya. Hindi rin siya sigurado kung bakit sa dinami-rami ng libro ay ito ’yung tinitigan niya nang matagal.

“Do you want to borrow it?”

Napapiksi si Olive nang marinig ang boses ni Nicky. Hindi niya napansin ang paglapit nito dahil sa kaabalahan niya sa pagtingin ng libro.

Dali-daling ibinalik ng dalaga ang aklat sa pinagkunan pero hindi pa niya nailalagay ’yun nang maayos ay hinugot muli ito ni Nicky.

“Contrary to what society knows about this book, this is not only limited to sex positions. This book is about the nature of love, finding a partner, and taking care of your lovelife.”

Kinuha ni Nicky ang isang kamay ni Olive at ipinatong doon ang libro. “I’ll lend it to you.”

Nagtama ang tingin nila sa loob ng tatlong segundo. Kapwa nagpapakiramdaman. “Puwede mong isauli anytime. Tutal, memorized ko na ’yung mga posisy—”

Hinampas ni Olive ang braso ni Nicky. “Wag mo nang ituloy, baka kung saan pa dumako itong usapang ito.” Tumalikod siya sa binata at pasikretong humagikgik. “Sige na, hihiramin ko na ’to— woah!”

Nagulat si Olive nang hapitin siya ng binata papalapit sa matipuno nitong katawan na natatakpan ng fitted na white t-shirt. Nang masakop ni Nicky ang katawan ng kasama ay iniharap niya ito sa kaniya. “Baby..” He showed his begging eyes.

“Nicky, alam ko ’yang mga tinging ’yan ha?” Mahinhing tumawa si Olive. Umalpas siya sa pagkakapulupot nang matagumpay niyang maiwasan ang titig ni Nicky.

“Mag-Netflix ka na muna. Ako na ang magluluto ng pizza.” She kissed Nicky’s right cheek before heading to the kitchen.

Pasimpleng hinawakan ni Nicky ang pisnging nahalikan ng dalaga. May naramdaman siyang hindi pamilyar. Hindi siya sigurado kung ano ’yun pero ipinagkibit-balikat na lang niya.

♡♡♡

Pagkasuot ni Olive ng apron ay inihanda na niya ang harina, maligamgam na tubig, asukal, instant yeast, mantika, at asin. Pinaghalo-halo niya ang mga ’yun sa loob ng ilang minuto.

Lingid sa kaalaman niya ay may mga mata na panaka-nakang sumusulyap sa kaniya habang abala siya sa kusina.

“Ayan, okay na.” Binalingan ni Olive si Nicky na noo’y nasa couch sa may sala. “Nicky, may dough roller ka ba?”

“Yup. Look up.”

Tumalikod ang dalaga para isa-isahing tingnan ang cupboard. Sa wakas ay nakita na rin niya ang hinahanap.

“Baby, ako na ang magmamasa ng dough.”

Napapitlag si Olive dahil hindi niya namalayan ang pagsulpot ng binata sa likod niya. Di naman niya ’yun pinahalata. Act normal.

“Oh, okay.” Akmang luluwagan ni Olive ang apron para ibigay sa binata nang maramdaman niya ang pagdikit ng katawan ni Nicky sa likod niya. Napakalapit lang nito dahil ramdam niya ang pagdampi ng mainit nitong hininga sa batok niya na nagdudulot ng kiliti sa kaniyang katawan.

“Nicky...” Itinuloy niya ang pagtatanggal ng apron. “Masahin mo na ’to kasi baka tumigas na ’yung mga sangkap.”

“Baby, matigas na nga.” Napasinghap siya nang maramdaman niya ang malalambot na paghalik ng binata sa batok niya.

“Uhm.. N-Nicky.. Magmasa ka n-na ng.. d-dough...”

“Eto na, mamasahin ko na, Baby.”

Napapiksi si Olive nang marahang pisilin ng binata ang dalawa niyang umbok sa dibdib.

De-aircon ang paligid pero hindi iyon nararamdaman ni Olive ’pagkat nag-iinit ang kaniyang pakiramdam.

Tuloy lang sa ginagawa si Nicky na mas lalong nagpapawala kay Olive sa sarili.

Ang mga halik nito na kanina ay nasa batok ng dalaga ay unti-unti nang naglalakbay patungo sa leeg at tainga.

“N-Nicky...” Hinarap ni Olive ang binata kaya napatigil ang huli sa ginagawa. Bumuntong-hininga muna siya para bumalik sa normal.

“Masahin mo na ’yung dough then pakilagay na rin ng toppings...” Inginuso niya ang mga sangkap na nakalagay sa ilang bowls. “I’ll just take a shower.”

Tuluyan nang ibinigay ni Olive ang dough roller at apron sa lalaki at dumiretso na sa banyo. Isang mapanuksong ngiti ang ibinigay niya kay Nicky bago tuluyang isinara ang pinto.

Pleasure Me, Mr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon