Chapter 11

809 24 18
                                    

'Its now or never! talon!' dahil mukhang nag aalinlangan si ser eh hinawakan ko ang kamay niya sabay talon.

'Aaaaaah!' hindi ko alam kung saan ako dapat magfocus kung sa babagsakan ba namin o sa tili ni ser.

Once we hit the water pinaulanan naman kami ng bala ng mga kidnappers. Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga santo at hindi mabato ang parte ng binagsakan namin.

Hinila ko pa ng pailalim si ser para makaiwas kami sa bala at ang siste nagkakawagkawag, hindi talaga marunong lumangoy tsk.

Ang lakas ng loob magyaya pabeach eh hindi naman marunong lumangoy.

Hindi pa man din kami inaabot ng isang minuto sa ilalim ng tubig itong kasama ko eh mukhang tatawid na sa rainbow bridge. Aba ser mahal ang mamatay ngayon!

I swam closer to him and cupped his cheek. Napalunok ako. Bakit parang mas naging kaakit akit si ser under the sea?

Kaakit akit?!

Alexis maghunos dili ka!

Ito yung mga eksena na napapanood ko sa mga palabas eh. Sirena ang bida tapos ikikiss niya yung true love niya. Anu ba yan marites! Think straight! hindi ito ang time para lumandi!

I moved closer and pressed my lips onto his. I tried to give him some air para hindi siya ma deds. I abruptly opened my eyes when I felt that he snaked his arms around my waist at mas hinapit pa ako palapit sa kaniya. Akala ko ba nalulunod na siya? May lakas pa pala para lumande hmp.

I tried to get away since mukhang okay naman na siya pero ang siste ayaw magpa awat! mas lalo pang naging pangahas ang labi niya sa bawat halik na iginagawad niya at ako naman itong nawawalan ng hininga marites!

***

Tinangay kami ng agos papunta sa pangpang. Syempre may kasamang langoy din at hila sa kasama ko na mafia boss na hindi marunong lumangoy pero inuna pa ang tukaan!

Hingal na hingal ako marites!

Akala ko makakasagupa ko na si Wang Yeo! Well chance ko na sana para makakita ng grimreaper in real life!

ay wait makikita ko lang sila kapag patay na ako diba so not in real life but in real death? oh noo

'Get up, stop zoning out' automatic na napataas ang kilay ko papuntang mars.

'Woow! Thank you Alexis for saving my life. I won't be alive without you. Your welcome ha! Bwisit!' Tunayo na ako at naglakad na pero napahinto din agad. Di ko naman alam kung saan ako pupunta. In this situation mas ligtas pag may kasama. On point Alexis! On point.

'Ano?! tutunganga ka na lang diyan? let's go my gosh!' ang taong toh minamadali ako tapos siya naman ang hindi nagalaw.

'tsk' inismiran ako ng siste! grrr.

***

Akala ko magliliwaliw kami papasok sa wilderness uupo lang pala kami sa lilim ng puno. Nakasalumbaba ako habang nakatingin sa malawak na dagat. Tiningnan ko si ser na walang pakialam sa mundo at prenteng nakapikit habang nakasandal sa puno. Beauty rest yarn?

'Ano bang inaantay natin dito ser? Pagnatunton tayo ng mga kidnappers ipagkakanulo talaga kita. Tutal ikaw naman ang mayaman hindi ako. Para hindi naman sila lugi sakin may supply sila sakin ng yema for one month o-'

'shut up' sabi ko nga quiet lang ako. Pag talaga kami nakauwi ng buhay itutulak ko siya sa pool ng bahay niya. Akala niya ha hmph!

eh?! ano yun? may lumulutang na something sa dagat!

'Do you see what I see?!' I squinted my eyes. whaaa

'Finally' nilingon ko ang katabi ko

'Kalaban ba yan?!' napahawak pa ako sa braso niya. Nagbibiro lang naman ako kanina. Isa pa pagod na ako katatakbo. Ayoko naaa.

Meeting the Mafia BossWhere stories live. Discover now