Chapter 2

1K 27 0
                                    

Para akong nakahiga sa ulap, heaven! Heaven? Napamulagat ako. I scan my surroundings. Sumisilip na ang sinag ng araw sa glass window ng kwartong to. Malaki. Malaki ang kwarto. Malinis at hindi masyado extravagant ang interior design pero sure akong mahal ang mga furnitures. I scan myself. Ito parin naman ang suot ko kagabi at medyo madungis na rin ako. Nilibot ko ang buong kwarto halos sin laki na ito ng sala namin. May banyo rin at grabe! pwede ng tumira ang isang pamilya sa laki ng bathroom! Nakihilamos na din ako at mumog. Kung mamatay ako ngayon atleast kahit papano fresh diba.

Lumabas na ako ng banyo at nagtungo sa isa pang pinto. Ito na siguro ang papalabas. Hindi nga ako nagkamali. When I opened the door may babae na nakapangmaid outfit ang bunungad sakin.

'Magandang umaga po madam' Naguguluhan man ay binati ko rin siya pabalik. Buti na lang bumalik na ang boses ko. 'Ahm Good morning?' Medyo matanda na ang maid mga kasing edad ni mama. Mga nasa late 30's na siguro siya. Nginitian niya ako kaya medyo nawala ang kaba ko.

'Inihanda ko na ho ang damit na pamalit niyo. Saan niyo ho ba gustong maligo? Sa bathroom o sa pool?' Ay bongga may swimming pool. Pero bago ang lahat kailangan kong makaalis dito.

'Gusto niyo ho ba munang kumain muna?' the mention of food made my stomach grumble. 'Ahm gusto ko na ho sanang umuwi. San ho ba ang daan palabas?'

'Hindi ka po pwedeng umalis madam, pagagalitan po kami ni ser' malumanay na sagot niya at sino ba si sir? Yung lalaki ba kagabi? shocks kailangan ko na talagang makaeskapu dito. Sabi niya pa naman, I'll tear off your limbs kala mo naman di tao yung kausap niya.

'Ay naku ho hindi ho yun magagalit. Nagchikahan na kamu kagabi na bet ko makisleepover and aalis din ako first thing in the morning kaya wag ho kayong mag alala di ako hahanapin non' Nginitian ko siya ng matamis pa kaysa asukal. Maniwala ka please.

'Pasensya na po, hindi po pwede' nawala naman agad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Nu ba yan  nakakawalang pag asa masyasdo namang matigas tong si aling marites.

In the end naligo na lang din ako sa banyo. Gustuhin ko man sa pool para feel eh nakakahiya naman and I can't let my guard down baka mamaya nagsuswimming eh may bumaril sakin. Waaaah ang pangit naman ng kamatayan ko kung nagkataon. Lahat for men ang mga nandito sa banyo so I guess kwarto to nung 'ser'. Infairness minty pero hindi gaano matapang ang amoy ng shampoo at sabon. Binilisan ko ang pagligo dahil I'm still not safe. I need to get out of here. I need to make a plan. Nakigamit na rin ako ng towel dahil damit lang ang dala ni aling marites kanina.

Paglabas ko halos himatayin ako sa gulat. There he is sitting comfortably sa dulo nung bed while staring at me intently. Hinawakan ko ng maiigi ang towel ko. Ba't naman kasi iniwan ko sa kama ang pamalit ko. Hindi ko naman inaassume na maniac siya o ano, mukha naman kasing hindi niya ako type hindi ko din naman siya type! Tumayo siya and walk towards me. Nagstaring contest kami kahit na nanginginig ako sa takot. 'Who gave you permission to use my stuffs?' english ulet! hindi naman siya mukhang forenjer! sinubukan kong magsalita pero walang lumabas na boses my illness is kicking again. Nakakapanlambot ng buto ang mga titig niya. Kung nakamamatay ang tingin kanina pa ako binawian ng buhay.

'Still the no talk huh? I know you're not mute so speak up!' Napatalon ako sa gulat. Bigla na lang kasi naninigaw. Ba't ba highblood siya? Pumunta ako sa bedside niya kun san may drawer. He's eyeing me like I'm a thief or something. Naghanap ako ng papel at panulat. Buti na lang meron dito. Sinulat ko ang sakit ko sa papel. I have selective mutism.

Tiningnan niya ako ng may pagdududa. 'Get dress' pagkasabi niya non lumabas na siya. Wow! ngayon niya lang naisip yon? sana pinagbihis niya muna ako bago siya pumasok dito but kwarto niya to and basically he have all the rights na pumasok. Arrggh! pati utak ko kinokontra ako.

After our confrontation hindi ko na nakita pa ni anino nung 'ser'. Kanina pa ako nag iisip ng paraan kung pano makakaalis dito. Sobrang laki ng bahay. Mansiyon na ata ito sa sobrang laki. Sa bawat sulok ay may cctv. Bawat galaw ko ay monitored. Nagkalat rin ang mga guards sa labas. Nakabuntot rin sa akin si aling marites kanina pa. Hindi ba siya napapagod kasusunod sakin?

'Aling Marites pwede ka namang magbreak kung pagod ka na kasusunod sa akin. Wag kang mag alala pag nasaulo ko na ang pasikot sikot dito isheshare ko naman sayo or better yet gagawan kita ng mapa' with charming smile pa yan ha. Ang sabi kasi ni mama hindi naman ako maganda kaya ngumiti na lang raw ako pag may kausap para maganda ako tingnan.

'Hindi ho marites ang pangalan ko, Isabel ho ang pangalan ko pero sabel na lang ho ang itawag niyo sa akin' magalang niyang sabi mas matanda siya sa akin pero laging may po or ho ang sentence niya. Tumango na lang ako. Mas maganda naman ang pangalang marites kaysa Isabel, well choice niya naman yan.

Hapon na at masakit na ang paa ko. Natapos ko rin ikutin ang pagkalaki laking bahay. Andaming space dito pwede akong maglagay ng wanted bedspacer sa sobrang lawak ng loob at labas bahay. May game station, Mini movie theatre, mini gym, malaking kitchen, guest rooms na fully equipped with cr and all, library and many more. Nakakapagod. Naubos ang energy ko.

Andito ako ngayon sa sala at nagmemeryenda kasama si aling 'sabel'. Pinag iisipan ko parin kung paano makakatakas dito. Sa pag lilibot ko sa malawak nilang garden kanina masyadong mataas ang pader hindi ko kayang akyatin yun plus may mga cctv at mga guards na naglilibot. May mga dala paan din silang mga baril. What if mahuli nila akong tumatakas at barilin ako habang unaakyat sa pader eh di babagsak ako tatama yung mukha ko sa lupa ayoko namang mamatay ng ganon. Masakit at pangit!

Ano kayang nangyari kay tobi? nakauwi kaya siya ng safe? lagot ako kay mama neto. dahil ayokong mag alala at makasasama yun sa health ko e chinika ko nalang itong si aling sabel. Susubukan kong mag gather ng data kung pano makakaalis dito.

'Matagal na po ba kayo nagtatrabaho dito?' nginitian niya ako at nag reminisce 'Oo, ako na nga halos ang nagpalaki kay ser dahil laging wala ang mga magulang niya. Hindi ko alam kung ano ang trabaho nila pero madalas eh nasa ibang bansa sila. Si ser naman ayun dahil bata pa siya non at walang magulang na nag aalaga sa kanya wh lumaking bugnutin pero mabait naman siya. Sa katunayan nga eh malaki ang utang na loob ko sa kaniya dahil sinusuportahan niya ang pamilya ko. Alam ko na mabuti siyang tao' eh? santo pala ang pagkakakilala ng mga tao dito sa ser na yon. Kung hindi ko lang.nakitang pumatay sila ng tao baka maniwala pa ako sa kaniya. Kanina ko pa to gustong itanong 'Ano ho ba ang pangalan ni ser?'

'Valerian Montage' Sabay kaming napalingon ni aling sabel sa bagong dating.

Meeting the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon