Chapter 5

783 24 0
                                    

One word. Wow! The city of love Paris, France! Isa to sa mga dream ko eh! na makarating dito. Ang malibot ang lugar nato, maakyat ang eiffel tower at makachika ang mime. And at last naachieve ko din. Libre na nga eh. Pero I never imagined I'll be spectating this dreamland in this situation! Nakapj parin ako marites! Ang yaman yaman ng kasama ko di man lang nag abalang bilhan ako ng damit. Buti na lang di pa winter season dito. Haaay think of happy thoughts! This is once in a life time! and I know just what to do. Nilingon ko ang katabi ko na busy ulit sa kakatipa sa laptop niya.

'Sir' kinalabit ko pa siya para mapansin niya ako.

'Sir' wala namang earphones pero di ako marinig. Ayaw mo akong pansinin ha.

'Sir' nilapit ko yung bibig ko sa tenga niya sabay ihip.

'What the hell! What is wrong with you!?' pasalamat nga siya at di sa ilong niya ako bumuga baka mahimatay siya sa morning breath ko wahahaha.

'Pahiram naman ako ng phone' sabay lahad ng palad.

'What do you want it for?' para naman tong sira. First time niya ba sa abroad like me? Well atleast ako I know the rules.

'duh? baka mag pipicture picture ako? Hindi mo dinala phone ko kaya paheram ako ng phone mo' tiningnan niya ako ng masama. Medyo natakot ako marites! Kaya binawi ko din agad baka putulin niya kamay ko may history pa man din siya ng mu- waahhh! Think of happy thoughts. Inhale exhale Inhale exhale. Pakadamot isasauli ko din naman eh.

'Here and don't pester me' Tinapon niya papunta sakin phone niya kaya nagbunyi ako. Yes marites! Ito talaga ang essential of the essential! Click click click picture picture selfie. Medyo hindi maganda ang ilan sa mga pictures ko umaandar kasi yung kotse nakakahiya namang pahintuin si mang pedring.

At nang mapagod ako sa kapipicture binalik ko na kay sir ang phone niya. 'Wag mo idelete ha ishare it ko yan pag uwi natin ng pinas' di niya ako pinansin marites.

'Pano pala ako uuwi? wala akong passport?' di niya parin ako pinansin marites!

'Wala pa akong almusal. Pakakainin mo ba ako?' kumakalam na ang sikmura ko pakiramdam ko kinain na ng small intestine ko ang large intestine ko.

'Dun ba ulit tayo sasakay sa private plane mo? ahm pwede mo ba ako ipasyal sa eiffel tower? aakyatin ko lang saglit and magpipicture picture then baba din ako agad.' nginitian ko pa siya habang sinisilip silip ang mukha niya.

'Yes' Yes? andami kong sinabi tapos yes lang sagot niya?

'Yes? yes na-'

'Shut up or you'll die' he pinched his nose bridge. pakahighblood naman neto.

Huminto ang kotse namin sa tapat ng isang hotel. Naunang lumabas si Sir at pumasok na sa hotel. Di man lang ako inantay baka natatae na sa haba ba naman ng byahe.

Pinagbuksan ako ni mang pedring ng pinto. French itong si mang pedring magpapapicture sana ako dahil artistahin ang mukha kaso binalik ko na pala ang phone kay sir. Sheyeng nemen.

Hinabol ko si Sir lingon to the left negative lingon to the right ayun siya! lakad takbo 'Siiir!' pinagtitinginan ako ng mga tao. Nawiwirduhan ata sa itsura ko. naabutan ko siyang pasakay na nang elevator. 'Siiiir! Waaaaiiitt!' nakakaloka naman tong kasama. pahabol masyado. special? You make me feel special sesang-i amuli nal jujeoanjhyeodo~

Bumaba kami sa twelfth floor. Malaki. Malaki at maganda ang hotel. Mukhang malaki rin ang babayaran ni Sir after. Bahala siya mukha naman siyang mayaman. Pumasok kami sa isa sa mga room and as expected malawak siya marites.

Dumiretso siya sa couch mukhang stress siya. Haggard eh. Nilibot libot ko ang buong suit baka may pwede akong maiuwi like toothpaste, toothbrush mga ganon. Souvenir lang. Isa sa mga golden rule yun pag nagchecheck in sa hotel noh.

Meeting the Mafia BossDove le storie prendono vita. Scoprilo ora