Chapter 4

915 28 0
                                    

'Maaa alish na po ako babye!' nagmamadali kong paalam habang may kagat kagat na tinapay. Napahimbing ang tulog ko kagabi ginahol tuloy ako sa oras. Hindi pa ako ginising ni mama o kahit ni Tobi, iwan ba naman ako! 'Ingat ka nak babye!'

Humihingal akong nakarating sa labasan buti na lang may jeep agad. Pag sinuswerte ka nga naman talaga! Umupo ako sa harap sa may tabi ng driver. Binati ko siya para naman maappreciate niya ang life nakabusangot kasi siya eh. 'Goodmorning pooo! Sa Delton University po ako hehehe'. Life is like dynamite kaya, sabi nga ng BTS diba? Let's celebrate life kahit na ano pang problema ang pagdaanan natin. Pinilig ko ang ulo ng maalala ko nanaman ang ng yari nitong nakaraang gabi. Stooop kakalimutan ko na yon. Magsisimba ako later. Hihingi ako ng tawad at tulong kay God. Siya na lang ang malalapitan ko. I know he'll bring justice to the poor man and sana mapatawad niya ako dahil walang magawa. Haay! Ano ba marites! nakakaiyak. I wiped the lone tear that escaped my eye.

Pagkarating ko sa University eh sarado na ang gate. Waaah late na late na ako. Pano na ang future koo!? Pano ako makakapagtapos? Magiging batang ina na lang ba ako? Nooo Hindeeee! Nagdadrama ako ng lumabas ang guard. 'Mang Pedring! Parang awa mo na! Papasukin mo akoo. Marami pa akong pangarap sa buhay ayokong maging batang ina huhuhu' Umiling iling si mang pedring, ayaw niya ata ako papasukin waah. 'Sya sya pumasok ka na. Ngayon ka lang ata na late. Hindi rin kita napansin na pumasok kahapon, may problema ka ba?' waaah sabi ko na nga ba anghel na bumaba sa langit si mang pedring. 'Nagkadiarrhea kasi ho ako kahapon kay di ako nakapasok hehehe, sige po salamat babye!' tinakbo ko na ang building nasa third floor pa man din ang classroom ko.

Pagdating ko sa classroom 'Ms. Salvador!' paktay yung terror prof pa yung naabutan kong subject huhuhu. 'Why are you not around yesterday?' ang taray talaga ni madam nasa menopausal stage ba siya? 'Sorry po mam nagkadiarrhea po kasi ako pabalik balik ako sa cr namin halos mabara na ng-'

'Stooop!  why are you late?' ano ba yan hindi pa ba tapos ang q&a umagang umaga andami ko nang sinabing lies. madami daming kumpisal to huhuhu. 'Ah eh ano kasi mam diba nga nagkadiarrhea ako nakakapanghina ang tum-'

'Stooop! come in take your seat' hay salamat pinapasok din ako. Panay naman ang bungisngis ng mga kaklase ko. Ano kayang tinatawanan nila? Dumiretso na ako sa upuan ko at nakinig na lang sa lesson. 'Hoy marami kang ipapaliwanag sakin mamaya.' bulong sakin ng bestfriend kong si Vi. Hindi ko na lang siya pinansin dahil ang sama ng tingin samin ni madam choi, ang singkit niyang mata ay lalo pang sumingkit.

Mabilis lang na lumipas ang oras and lunch break na. Pagdating namin sa cafeteria pinaulanan agad ako ng laway este ng tanong at sermon ni Vi. 'Talaga bang bestfriend ang turing mo sakin? or ako lang ang nag aasume na magkaibigan tayo.  Ano ba naman yung magsabi ka kahit pahapyaw lang ng biggest event ng buhay mo. Mabuti pa si tita naisip chumika. Minsan naiisip ko si tita Kris ang bestfriend ko at hindi ikaw'. Anoooo si mama ang bestfriend niya and not me?! 'Grabe ka naman Vi ako ang lagi mong kasama tapos si mama pala ang bestfriend mo. Nakakasakit ka naman ng damdamin waaah'

'Huh? it's not the point here ang point ko is nagpakasal ka na pala hindi ka man lang nagsabi! Kailan ka pa nagkaboyfriend? Kilala ko ba? Don't tell me buntis ka?! Sumagot ka Alexis Salvador!' oh em g. Napakadaldal talaga ni inay! Anong ieexplain ko kay Vi eh ako nga hindi ko alam na kasal na ako much more ang 'asawa' ko.

'Ano kasi Vi a-'

'Victoria' galit na talaga siya. Napapatingin na din samin ang ibang students. Grabe naman kasi ang lakas ng boses niya di ko naman siya inaano.

'Victoria quiet ka lang baka may makarinig sayo, ganito kasi...' so yun kinwento ko sa kanya ang nangyari from that night pero di ko sinabi na may pinatay sina mr.ser doon mahirap na baka madamay pa siya. Sapat ng ako na lang ang magdala ng secret na to hindi na nila kailangang malaman pa. Ahh my heart! I'm so mabait baka kunin na ako ni Lord! Waaah wag naman sana I still have dreams!

Meeting the Mafia BossWhere stories live. Discover now