Chapter 6

716 25 2
                                    

Inhale. Exhale. Haist philippines I miss you!! Pagdating namin sa bahay ni Sir sinalubong agad kami nang mga empleyado niya. Hindi ko na inantay ang kasama ko dahil masama parin ang loob ko sa kaniya. Sinalubong ko agad si aling marites.

'Aling Marites nakita niyo po ba ang cellphone ko?' aww buti pa siya mukhang fresh eh ako na galing sa city of love eh mukhang undas.

'Sabel ho madam' ay oo nga pala bakit kasi hindi na lang siya magpapalit name into marites para di siya mahirapan sabihin ang pangalan niya.

'hehehe' umiling na lang siya. nakakahiya naman baka isipin niya napakaboplaks ko waaah.

'Nasa kwarto niyo po. Kailangan niyo ho ba? kunin ko lang ho'

'Ay sige sige salamat po hehehe'

Dumiretso si sir sa sala kaya sumunod na rin ako. Pasalampak akong umupo sa couch.

'Aargh! ang sakit ng katawan ko' sinulyapan ko si sir mukhang pagod rin. Knock out sa upuan eh. Feeling action star kasi. Bumaba na si aling marites dala ang phone ko. Nagthank you ako at nagpaalam siya na dadalhan kami ng meryenda. Tamang tama at nagwewelga na ang mga alaga ko.

'Hoy psst hoy!' Minulat niya yung isa niyang mata. Ano namang pa epek yan? Kumapal ba yung muta niya sa kabila niyang mata at di siya makadilat?

'What?' ansunget

'Bago magkalimutan, paheram ng phone mo ishareit ko lang yung mga pictures ko baka mamaya ipost mo tapos di mo ko ni tag e-' bigla na lang niya hinagis phone niya sakin sabay tayo.

'I'm gonna take a nap, stay here and don't do anything stupid'

'stupid stupid kala mo kung sinong matalino' he glared at me. narinig niya ba?

'sweet dreams ser hehehe'

'tss'

haist magbiro ka na sa lasing wag lang sa taong laging gising. nu bayan. paka init ng mga ulo.

Habang nageedit ako ng pictures na ipopost ko eh nilalantakan ko ang pasnacks ni aling sabel yung parte naman ni ser eh tinira ko tutal nagtake a 'nap' siya.

'Aling Sabel ano ho ba yung business na pinunta namin sa france?' binigyan niya ako ng 'are you serious?' look.

'Hindi niya ba nabanggit sayo? joker talago to si aling sabel kung alam ko ba eh magtatanong pa ako?

'Ahm hindi po but I guess producer sila ng mga baril?' napaisip naman siya.

'hmm parang ganon' o diba sabi ko na eh!

'kaya pala kami pinagbabaril dun sa france kasi yun ang business. Masyado ba siyang kuripot at di siya makapaghire ng magtatry ng product nila at sa amin talaga nila bet itry?' nagulat siya. naiintindihan kita aling sabel ako man ay nagimbal sa mga pangyayari haist.

'Ayos lang ho ba kayong dalawa? wala ba kayong tinamong sugat? she checked my body for wounds. umiling ako.

'Okay lang po ako hehehe' nakahinga naman siya ng maluwag buti pa siya concern sakin eh yung amo niyang grrr ayun kiber lang. namiss ko tuloy si mama gusto ko sana aiyang tawagan at ipamalita na isa na akong balikbayan kaso baka hingan niya ako ng pasalubong wala pa naman akong nabili.

'Ano aling sabel...' Sasabihin ko ba? ang bait bait ni aling sabel hindi niya deserve ang evil na amo na gaya ni ser pero waaah it's now or never.

Look to the left. look to the right.

'Ano yun?' hinawakan ko ang kamay niya and looked her in the eye.

'Alam ko po, nararamdaman ko na mabuti kang tao....Alam ko rin na nirerespeto niyo ang amo niyo pero.....hindi siya mabuting tao! Alam niyo ho ba kung bakit ako nandito? dahil nakita ko! nakita ko ang pagpatay nila sa isang lalaki! Tulungan mo ako aling sabel, tumakas na tayo rito baka bukas o makawala eh isunod niya tayo!' Kahit na product testing ang nangyari sa france hindi malabo na tamaan ako ng bala at ano palalabasin nila na aksidente?! ngayong andito na ulit ako sa pinas kailangan ko ng makaalis na dito.

Binawi ni aling sabel ang kamay niya mula sa hawak ko.

'Alam mo ba kung ano ang mafia?' mafia?

'Mafia? opo parang mga sindikato po yan diba? pero wag na po muna natin problemahin ang problema ng lipunan ang kailangan po makaalis tayo dito.'

'and where do you think you're going?' paktay!

Nandito na kami ngayon sa kwarto. Nakita ko ang pag aalala sa mukha ni aling sabel habang paakyat kami ni sir. hindi kaya may alam siya sa kasamaan ng amo niya?

Nakatungo lang ako. Hindi naman siya mukhang galit.

'I thought we agreed that you won't tell anybody about what you saw that night. Have you forgotten already?' Napalunok ako. Hawak niya nanaman kasi ang baril niya. Akala ko ba matutulog siya anong ginagawa niya sa baba?

'Hindi naman anybody si aling sabel. Kasama natin siya bahay deserve niyang malaman ang totoo.' taas noo kong sabi. I need to be brave. Kung ito na ang katapusan atleast mamamatay akong matapang! waaah mama!

'And what's the truth?' matiim niya akong tiningnan.

'Ang tungkol sa business mo!'

'Really? What about it?' he look amused.

'Na producer ka ng mga baril at yung lalaking pinatay niyo nung gabing yon? Isa siyang test subject! gaya ng ginawa mo sakin sa france! sakin niyo nitesting ang produkto niyo! ha! hindi ko na aantaying maubos ang swerte ko aalis na ako dito!' sumakit lalamunan ko don ha.

Instead of a reply he just laugh! he laughed! anong nakakatawa? ang pumatay? ang gumamit ng tao bilang test subject?

'How stupid can you be?' stupid your face grrr

'Those in france are assassins from a mafia enemy' mafia? nabanggit yan ni aling sabel kanina ah

'And the guy that we killed that night is also a mafia. He's a spy.' whaaat!?

'Ibig sabihin bad guy ang taong yon?!' nagkibit balikat siya.

'He's an enemy so I guess so' ang sakit sa ulo! hindi kinakaya ng brain cells ko. whoo

'Kung bad guy sila does that mean na you're the good guy?' I looked at him hopingly.

'Silly I'm a mafia boss do you think I play rock and scissors with my enemy?' ma-mafia bo-boss!?

I'm lost of words. Sa palabas ko lang nakikita ang mga mafia and mostly sa ibang bansa pa. Di ako nainform na nakiuso naein pala ang pilipinas! is this the new trend?

'Since you broke our agreement you deserve to be punished.' he smiled wickedly.

Kinabahan ako, ano namang klaseng punishment ang ipapataw niya? wag sana madamay si aling sabel sa kadaldalan ko. waaah




Meeting the Mafia BossWhere stories live. Discover now