CHAPTER 34

3K 75 1
                                    

CHAPTER 34.

Riana's POV.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

Umiwas ng tingin si Thea at tumingin sa malayo. Nandito kami sa rooftop naguusap. Kinausap ko siya tungkol sa kaniya. Hindi ko man lang alam na isa din pala siyang kasama sa grupo ni Ace.

"Kung sinabi ko sayo, hindi ka rin naman maniniwala.", sagot niya habang nakatingin sa malayo.

Napapikit ako nang umihip ang malamig na hangin.

"Huwag na natin ito pagusapan. Ang importante, tapos na ang lahat.", aniya.

"Pero may isa pa akong tanong.", me.

Tumingin siya sa akin at nagtaas ng dalawang kilay.

"Aahhmm....Kailan ka pa sumali sa grupo ni Ace?"

Tumingin ulit siya sa malayo at bumuntong hininga.

"Matagal na."

"Gano katagal?"

Tumayo siya at nag-stretch.

"Halika na. Balik na tayo don.", aya niya at naunang lumakad.

Tumayo naman agad ako at sumunod sa kaniya.

"Teka. Gano nga katagal?", pangungulit ko.

"Basta."

"Ang selfish mo naman. Sabihin mo na."


************

Ngayong araw na ang discharge ni Ace at nang iba. Ang walang sugat lang ay sina Lance, Dale, Thea, at ako. Remember nasa yate lang kami naghihintay sa kanila hanggang sa dumating ang mga men in black.

"Sa wakas! Nakalabas na din tayo!", sigaw ni Dave at itinaas pa ang dalawang kamay sa ere at ipinikit pa ang kaniyang mga mata habang nakataas ang mukha.

"Tss. At ano na naman ang gagawin mo ngayong discharge na kayo?", masungit na tanong ni Thea habang nakacross-arms.

Tumingin naman si Dave sa kaniya at ngumisi. Inakbayan niya si Thea habang nakangisi pa rin.

"Gagawa tayo ng bata.", sagot niya na ikinahalhak namin.

"T*ngina mo!", mura ni Thea sa kaniya at sinikmuraan.

"Aray ko!", daing ni Dave at napaupo.

Mas lalo pa kaming napahalakhak.





(Anak, hindi matutuloy ang marriage proposal niyo. Nakabuntis kasi ang anak nila.)

Nagliwanag naman ang aking mga mata at napatayo sa sofa. Yes! Hindi matutuloy ang marriage proposal.

"Ayos lang mom. May mahal na din kasi ako dito.", nakangiti kong sagot at napahagikhik.

(Wwooyy!! Sino yan ha? Bakit hindi namin alam?)

Umupo ulit ako sa sofa at nagcross-legs.

"Malalaman niyo ma kapag nakauwi na kayo dito."

(Ikaw huh? Lagot ka talaga sa amin kapag hindi matino iyang lalake mo.)

Napangiwi naman ako.

"Mom, promise. Magugustuhan niyo siya para sa akin."

(Siguraduhin mo lang. Uuwi kami diyan sa susunod na linggo.)

"Yeah. Yeah. Yeah. Bye Mom! Love you!"

(We love you too anak! Bye! Take care!)

Ibinaba ko na ang tawag at akmang aakyat na ako ng hagdan nang may nagdoorbell.

"Ako na po manang.", pagpigil ko kay Manang nang akmang lalabas na siya.

Hindi ko na hinintay na sumagot si Manang at patakbong lumabas ng mansiyon. Agad kong tinungo ang gate at binuksan ito. Bumungad agad sa akin ang nakangiting si Ace habang may hawak na malaking bouquet of flowers at may kasama pang chocolates.

"Good morning, baby!", nakangiting bati niya.

Napangiti naman ako at niyakap siya kaya napayakap din siya pabalik sa akin.

"Good morning din."

"Wala bang kiss diyan?", nakanguso nitong sambit.

Napasimangot naman ako.

"Mamaya na."

Kaya mas lalo pa itong napanguso.





It's been 3 weeks nang pinayagan ko na si Ace  na ligawan ako. Araw-araw siyang pumupunta sa amin dahil gusto siyang makasama nina Daddy. Yes! Pinakilala ko na din siya kina mommy bilang manliligaw ko. Nagustuhan naman agad siya nina Mommy dahil sa napaka-gentleman nito, at napakamabait. Akalain mo rin, mas tinuring pa siyang tunay na anak nina Mommy at Daddy kesa sa akin, at ang loko mas lalo pang natuwa.

Naglalakad ako ngayon sa hallway nang may humarang sa akin kaya nagangat ako ng tingin. Napalaki ang dalawa kong mga mata nang makita sina Judy. Yumuko sila sa harapan ko.

"Sorry nga pala sa ginawa namin sayo.", paumanhin niya.

"H-huh?", tanging lumabas sa bibig ko.

"Patawarin mo kami Riana.", sabat nong isa.

Bigka kong naalala yung mga panahon na sinaktan nila ako. Napangiti nalang ako.

"Kalimutan niyo na yun. Nangyari na eh. Napatawad ko na rin kayo.", nakangiti kong sabi.

Nag-angat naman sila ng tingin at ngumiti.

"Salamat Riana!"

Ngumiti nalang ako.

Bigla naman sumulpot si Ace sa likod nilang tatlo habang naka-cross-arms at suot na nito ang uniform niya na pang-SSG. Nakatingin ito sa akin at biglang ngumiti.

***********

"Ace."

"Hm?"

"Hindi ka pa ba napapagod sa panliligaw sa akin?", natanong ko habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya at nakatingin kami sa football court.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Hinawakan nito ang aking kamay at hinalikan ako sa nuo na ikinapikit ko ng aking mga mata.

"No. Hinding-hindi ako napapagod na nililigawan kita. Mahal kita at gagawin ko ang lahat upang mapasagot mo ako. Kahit ikamatay ko pa."

Pinalo ko naman siya ng mahina sa braso dahil sa sinabi niya sa huli.

"Hahaha. Joke lang. Ito naman. Ayoko pang mamatay no hangga't hindi mo pa ako nasasagot.", natatawa nitong sambit.

Napasimangot ako.

"Basta. Huwag kang mag-salita ng ganon.", me.

Tumawa siya ulit at hinalikan ako sa nuo.

"Oo na. Sorry na."

Napangiti nalang ako at sumandal ulit sa balikat niya.

The Possessive SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now