CHAPTER 3

4.5K 132 5
                                    

CHAPTER 3.

Nakatulala lang ako habang nakaupo sa aking upuan ang iniisip ang pangyayaru kanina.

*FLASHBACK*

"I miss you."

Natuod ako sa aking tinatayuan habang nakayakap siya sa akin. Nagsimula na rin tumibok ng mabilis ang puso ko.

Wait. Ano itong nararamdaman ko? Bakit ganito? Eh hindi ko naman siya ka-ano-ano. Bakit ang bilis naman tumibok itong puso ko?

"Hey."

Nabalik ako sa ulirat nang hawakan nito ang pisnge ko. Wala sa sariling napatitig ako sa mapupungay niyang mga mata.

"You're spacing out.", aniya.

Nang matauhan ako ay mabilis akong lumayo sa kaniya at yumuko.

"P-pwede n-na b-ba akong u-umalis?", nauutal kong sambit.

Narinig ko naman siya na tumawa.

"Alright. But, remember this baby. Don't let the other guy touch you, don't to talk to them, and don't let them near you. Ako lang dapat ang hahawak sayo, kakausap sayo, at lalapit sayo. Naintindihan mo?", madiin nitong sambit.

Sa takot ko ay napatango nalang ako.

"Good. You can go now baby."

Lalabas na sana ako nang pinigilan niya ako at hinalikan sa pisnge.

**********

"Huy!"

Napatalon ako sa gulat nang sinigawan ako ni Krystal sa tenga.

Sinamaan ko naman siya ng tingin ngunit tinawanan lang ako nito.

Pasimple naman itong may ininguso sa likod kaya sinundan ko ang ininguso niya.

Nagtama naman ang tingin naming dalawa, kaya mabilis akong lumingon sa harap. Sobrang lamig ng tingin niya, pakiramdam ko tuloy para akong nasa yelo.

Umayos ako ng upo.

Maya-maya pa ay pumasok na ang guro namin at nagsimula nang magdiscuss.

Discuss....
Discuss....
Discuss....

*BELL RANG*

"Okay. You can now take a lunch.", saad nang guro bago lumabas ng classroom.

Nagsitayuan naman kami sa aming inuupuan at niligpit ang aming mga gamit.

"Hey Riana. Sabay tayo maglunch?", singit ni Kyle sa harapan ko.

Ngumiti naman ako at akmang sasagot na nang may humila sa akin palayo kay Kyle.

"Sasabay siya sa akin. You can take a lunch with the others.", malamig na sambit ni Ace at hinila na ako.

Lumingon pa ako kay Kyle na mag pagtataka sa mukha.

Nang makalabas kami sa classroom ay pinagtitinginan naman agad kami ng mga studyante.
Yung iba gulat ang tingin, yung iba nakangiti at yung iba ay masasama ang tingin sa akin.

Napayuko nalang ako.

Caught their attention #2.

Nakakahiya.

Hindi ako sanay sa ganito.

**********

Ngayon ay nandito kami sa SSG OFFICE. Ewan ko kung bakit dito niya ako dinala, may cafeteria naman sa labas eh.

"Sit there.", turo niya sa isang upuan sa table niya.

Kaya tumungo naman ako doon at umupo nang nakayuko. Hindi ako komportable sa kaniya noh. Sinong makokomportable sa taong sobrang lamig pa sa yelo.

The Possessive SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon