CHAPTER 23

2.5K 79 1
                                    

CHAPTER 23.

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng university. Bukas na ako lilipat sa university kung saan nag-aaral ang fiance ko 'kuno'. Napabuntong hininga ako bago naglakad papasok.

Habang naglalakad ako dito sa hallway ay bigla nalang may tumawag sa akin kaya napalingon ako sa aking likuran.

"Beshy!"

Si Krystal. Nginitian ko siya at hinintay na makalapit.

Habol hininga itong huminto sa harapan ko at itinukod ang kaniyang kamay sa kaniyang tuhod habang naghahabol hininga.

"G-grabe.", hinihingal niyang sambit.

Napatawa ako.

"Ba't ka pa kasi tumakbo?", natatawa kong sabi.

Ngumuso lang ito at umayos na ng tayo. Kumapit ito sa braso ko at isinandal ang ulo sa aking balikat.

"Haaayyy~~~Alam mo ba Bess. Niyaya ako ni Lance na magdinner mamayang gabi sa mamahalin na restaurant.", aniya sa kinikilig na tono.

Napataas ako ng kilay.

"Tapos?", me.

Bigla ako nito hinampas ng mahina.

"Wala ka man lang ba sasabihin?", nakanguso nitong sambit.

Kumunot yung nuo ko.

Ano naman ang sasabihin ko?

"Ano naman ang sasabihin ko?", kunot nuo kong tanong.

Mas lalong humaba ang nguso nito kaya pinitik ko ito na ikinadaing niya.

"Aray! Huhuhu....Bakit ka ba namimitik?", kunwari umiiyak nitong tanong.

Ngumiwi ako.

"Mukha ka na kasing pato sa haba ng nguso mo.", nakangiwi kong sabi.

Lumayo ito sa akin at hinampas na naman ako sa braso.

"Aray! Bakit ba ang hilig mong manghapas g*ga ka?", naiirita kong tanong.

Ngunit ngumiti lang ito at kumapit na naman sa braso ko at isinandal ang ulo sa aking balikat.

"Nga pala besh. Kumusta na kayo ni Pres? Yyyiiiee!! Kayo na ba?", kinikilig niyang usal.

Kinunotan ko lang siya.

"Anong pinagsasabi mo diyan?", nakakunot nuo kong tanong.

"Daahh!! Deny pa more! Ano na kasi?!", pamimilit niya at niyugyog ang braso ko.

"Aaaisshh....walang kami okay?!", naiinis kong sabi.

Sinundot lang ako nito sa kiliran kaya hindi ko maiwasan na makiliti.

"Sagutin mo na kasi.", kinikilig niyang sambit habang sinusundot-sundot ako aa tagiliran.

Naalala ko bigla ang sinabi ni Mommy sa akin kahapon.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Huy. Anyare sayo?"

Nilingon ko si Krystal na nagtatakang nakatingin lang sa akin.

Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto din siya.

"Hmm....Krystal, lilipat na ako sa ibang university bukas.", mahina kong sabi.

"Ayy yun naman pala----ANO?! LILIPAT KA?! BAKIT?!"

Sinamaan ko ito ng tingin. Ang sakit pa naman sa tenga yung boses niya. Nag-peace sign lang ito.

The Possessive SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon