CHAPTER 19

3K 87 1
                                    

CHAPTER 19.

Naglalakad ako ngayon dito sa hallway nang bigla nalang akong harangin ni....Thea na naman? Tinignan ko lang siya na may pagtataka.

"Ano na naman ang kailangan mo?", nagtataka kong tanong.

Tinaasan lang ako nito ng kilay at nagcross-arms.

"I told you. Iwasan mo si Ace. Hindi mo siya kilala Riana. Mapapahamak ka lang kung mananatili ka pa sa tabi niya. Layuan mo siya.", walang emosyon nitong sambit.

Kinunotan ko lang siya ng nuo.

"Bakit? Ano ba kasing meron kay Pres?", lakas loon kong tanong.

Gustong-gusto ko talagang malaman kung bakit.

"He's a dangerous man.", bulong niya sapat na para marinig ko bago siya umalis sa harapan ko.

'He's a dangerous man'?

Mukhang mabait naman siya sa akin. Naguguluhan na talaga ako.

"Hey Riana!"

Napakurap ako ng ilang beses at nilingon sa likuran ang taong tumawag sa akin. Si Tristan.

Nginitian ko siya.

"Ngayon ka pa ba?", agad kong tanong nang makalapit siya sa akin.

Tumango siya.

"Tara. Sabay na tayo papuntang room.", aya niya.

Tinanguan ko lang siya at sabay na kaming naglakad patungong classroom namin. Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si Kyle na humihikab-hikab pa.

"Bro/Kyle!", sabay naming tawag kay Kyle.

Napatayo naman siya ng maayos at ngumiti sabay lapit sa amin.

"Ngayon pa ba kayo?", nakangiti niyang tanong.

Tinanguan lang namin siya.

"Ahh nga pala. Saan si Pres? Bakit hindi kayo magkasama? Diba secretary ka niya?", nagtataka kong tanong.

"Ahh. May inasikaso siya. Gusto ko sanang samahan kaso ayaw niya.", kibit balikat niyang sagot.

Napatango nalang ako.

"Riana!"

Napalingon naman kami sa likod ni Kyle at nakita si Andrian na patakbong nagtungo sa amin. Mabilis niya akong hinila palayo kay Tristan na ikinataka namin ni Kyle habang si Tristan ay walang emosyon.

"Sorry pero pahiram muna kay Riana.", malamig na sabi ni Andrian kay Tristan bago ako hinila palayo.

Anong problema nito?

"Huy! Bakit ba bigla ka nalang nanghihila?", taka kong tanong.

"Sorry Riana, napagutusan lang ako ni Pres na ilayo ka kay Tristan."

Huh?! Ano naman kay Tristan?!






Third Person's POV.

"Pasensiya na Riana pero napagutusan lang na hindi ka pwede lalapit kay Tristan.", mahinang sabi ni Andrian habang hila-hila si Riana na nagtataka.

"Huh? Mabait naman si Tristan ah. Ano ba kasing meron?", kunot nuong tanong ni Riana.

Huminto si Andrian sa paglalakad kaya napahinto rin si Riana. Hinarap siya na seryoso ang mukha.

"Hindi mo pa kilala ang buong pagkatao ni Tristan. At hindi pa ngayon ang tamang panahon upang sabihin sayo ang lahat.", seryosong saad ni Andrian.

Mas lalong kumunot ang nuo ni Riana. Marami na ang katanungan ang sumasagabal sa pagiisip niya.

'Bakit ikaw din Andrian?"

'Pati si Thea pinagbabantaan din ako na layuan si Ace. Bakit ikaw pinapalayo niyo naman ako kay Tristan?'

'Ano ba kasing meron sa dalawa?'

'Naguguluhan na ako!'

"Hey."

Natauhan si Riana sa pagiisip nang mahinang tinampal ang pisnge niya.

"You're spacing out.", kunot nuong sambit ni Andrian.


***************


Nakarating sina Riana at Andrian sa classroom. Tahimik na umupo siya sa tabi ni Krystal na ngayon ay abala sa pagsusulat ng kung ano. Nilingon naman siya nito at kinunotan ng nuo.

"Huy!"

Napaigtad naman ang dalaga sa gulat at mabilis na nilingon si Krystal na sinusuri ang buong mukha niya.

"H-huh?", tanging lumabas sa bibig niya.

"Ang lalim ng iniisip mo bess. Anong iniisip mo diyan? Share mo naman sa akin oh.", Krystal.

"H-ha? W-wala. Wala akong isip.", Riana.

"Walang isip bakamo! Patay ka na siguro kung wala kang isip g*ga!", singhal ni Krystal at mahinang binatukan si Riana.

"Aray ko naman.", mahinang daing niya matapos batukan ng katabi niya.

"Ano ba kasi ang iniisip mo? Bakit parang ang seryoso naman yata?", kunot nuong pagtatanong ni Krystal at nagcross-arms.

"Wala. Ano ka ba?", sagot ni Riana at umayos ng upo.

"Ewan ko sayo. Ghurl, depress ang kapalit niyan kapag patuloy mo iniisip ang hindi dapat isipin.", Krystal.

Nilingon naman siya ni Riana na nakakunot.

"Nakakabasa ka ng iniisip?", taas kilay na tanong niya.

Kinunotan naman siya ng nuo nitong isa at binatukan ulit.

"Aray ko! Nakakadalawa ka na ah! Kapag ako bumatok sayo, sabog yang utak mo!", inis na sabi ni Riana.

Napahawak naman sa dibdib si Krystal.

"Wow! Sabog agad ang utak kahit batok lang? Ang galing ah. Pa-try nga.", aniya at akmang babatukan ulit si Riana nang biglang bumukas ang pintuan ng classroom.

Napatingin sila doon at bumungad ang nakakunot nuong si Ace. Nilibot niya ang kaniyang tingin hanggang sa dumapo kay Tristan na ngisihan lang siya. Kumunot ang nuo niya at sinamaan ng tingin si Tristan na parang wala lang. Naglakad siya palapit kay Riana at umupo sa likod nito.

Natahimik ang dalawang dalaga ang nagsiayusan ng upo. Lumapit naman si Ace sa dalaga na nakatalikod at bumulong.

"Don't go near with that f*cking j*rk, baby. Stay away from him for your safety.", bulong niya na ikinanindig balahibo ng dalaga.

Hindi umimik ang dalaga at nanatiling nakatalikod lamang habang natuod sa kaniyang inuupuan.

Mas lalo siyang naguguluhan sa mga inasal ng tatlong tao sa kaniya. Si Thea, Andrian, at Ace.

The Possessive SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now