CHAPTER 9

3.5K 105 13
                                    

CHAPTER 9.

"Dismiss."

Mabilis akong tumayo at niligpit ang mga gamit ko at naglakad palabas. Alam kong napatingin siya sa akin kanina at nagtataka. Kung totoo man yung sinasabi ni Thea kanina ay iiwasan ko siya.

Pakiramdam ko kasi parang totoo.

Papalabas na ako ng gate nang may narinig akong tumatawag sa akin.

"Riana! Sandali lang!"

Nilingon ko ito at si Krystal tumatakbo papalapit sa akin.

"Oh?", me.

Ngumiti ito at kumapit sa braso ko at sinandal ang ulo sa aking balikat.

"Tayo na.", aniya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makalabas na kami ng gate.

**************

Abala ako sa pagi-scroll nang may nag pop out na message. Kaya tiningnan ko ito at binasa.

-From Ace
'Why did you left me there? Nakikipagkita ka ba sa iba kaya ka nagmamadali?!'

Nagulat ako sa messag nito kaya agad ko itong nireplyan.

-To Ace
'May emergency kasi dito sa amin kaya nagmamadali ako.'

-From Ace
'Really? Do you think maniniwala ako sayo? Tell me!'

Nainis naman ako sa inasal nito. Napabangon ako sa aking hinihigaan at nireplyan siya.

-To Ace
'Tumigil ka nga. Hindi kita boyfriend! Hindi kita gusto! Hindi kita type! Kaya pwede ba! Tigilan mo na ako!'

Ilang minuto ang lumipas pero wala na akong natanggap na reply mula sa kaniya. Sineen niya lang ito.

Hmp! Baka natauhan na.

Humiga na ako sa aking kama at nilapag ang cellphone ko. Ngumiti ako. Baka titigilan na niya ako.

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi ng tumunog ang cellphone ko.

Inabot ko ito at hindi na binasa ang caller.

"Hello?", inaantok kong sagot sa tawag.

(Riana, tulungan mo kami. Nagwawala si Pres at.......lasing)

Napamulat ang mga mata ko.

"Ha?", wala sa sariling nasambit ko.

(Pumunta ka nalang dito sa ***** Bar.)

Magsasalita na sana ako nang pinutol na nito ang tawag. Inis ko itong binaba.

Wala na akong nagawa at bumangon at nagbihis upang magpunta sa lugar na sinabi sa tumawag sa akin. Kay Lance yun boses.

Lumabas ako ng mansion at sumakay sa kotse ko at pinaandar ito patungo sa ***** Bar.





Nang makarating ako sa binanggit na bar ni Lance kanina ay agad akong pumasok doon.

Bumungad agad sa akin ang naghahalong-halong amoy ng inumin at sigarilyo dito. May naghahalikan, nagsasayawan, nagiinuman, at naglalandian. Napangiwi ako. Sa totoo lang, sa tanang buhay ko ay ngayon pa lang ako nakapasok sa bar. Hindi kasi ako mahilig magbar eh. At mas lalong hindi ako umiinom.

"Riana!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa akin at si Lance na nasa hagdan.

Lumapit ako sa kaniya.

"Nasa private room siya. Please, pigilan mo siya. Alam kong ikaw lang ang makakapigil sa kaniya.", aniya.

Agad ko siyang sinundan.

Malapit na kami sa private room at rinig na rinig na namin ang sigaw mula dito.

Pagpasok namin ay bumungad sa akin ang napakakalat na mga gamit, may mga basag din na baso. Napadapo ang tingin ko couch kung saan siya nakaupo at pinipigilan ng iba.

Napatingin sila sa akin maliban kay Pres na umiwas ng tingin.

"Riana, ikaw nang bahala. Kaya mo yan.", Andrian.

Sasagot na sana ako nang nagsilabasan na sila. At naiwan kaming dalawa ni Pres dito sa loob at bumabalot ang katahimikan.

Naglakad ako papalapit sa kaniya.

"P-pres.", mahinang tawag ko sa kaniya.

"Get out."

Natigil ako sa paglapit sa kaniya.

Naramdaman kong nasaktan ako sa inasal niya.

"P-pres, k-kailangan n-na k-kitang i-iuwi s-sa i-inyo.", kinakabahan kong sambit.

"I said get out! Hindi mo ako gusto diba? Pinapatigil mo na ako diba? Kaya umalis ka na!", galit niyang sigaw.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya at hinila patayo ngunit hinawi niya ang kamay ko kaya nakaramdam ako ng inis.

"ANO BA?! IUUWI NA KITA SA INYO!! HINDI PORKET NASABIHAN LANG KITA NG GANON EH MAGIINOM KA NA!! UMAYOS KA NGA!! OO HINDI KITA BOYFRIEND T*ANGINA KA DAHIL HINDI MO PA NAMAN AKO NILIGAWAN P*TA KA!! KAYA HUWAG KA MUNANG UMAKTO NG GANIYAN!! KAYA TUMAYO KA NA DIYAN KUNG AYAW MONG KAKALADKARIN KITA PALABAS T*NGINA KA!!", lakas loob kong sigaw.

Humihingal ako pagkatapos kong sabihin iyon. Nakita ko ang gulat sa mukha niya.

Walang pasabing hinila ko siya palabas pero gumewang-gewang pa kaya nilagay ko ang braso niya sa balikat ko at inalalayan siya.

Nakasimangot ang mukha ko habang inalalayan siya.

Ang bigat ng taong to! Ilang kilos ba kasi siya?!

Nang makalabas kami ng bar ay isinakay ko siya sa kotse ko, umikot naman ako papunta sa driver seat at pinaandar ang makina.

The Possessive SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now