[22] Gala Mode

609K 12.1K 2K
                                    

[22] GALA MODE

NATHAN'S POV

 

Nagising ako nang tumunog ang alarm clock ko ng 5:45AM. Agad akong bumangon at dumiretso sa bathroom para maligo. Kailangan nandun na ako sa resort bago mag-6:30. May pupuntahan kasi kami ni Kaye Anne ngayon. Kung saan kami pupunta? Well, let's say, we're gonna do something for our deal.

"Nathan, gising ka na pala. Teka, pagluluto kita ng almusal," bungad sa akin ni Manang Sol nang makita niya akong pababa ng hagdan. Dito kasi ako natulog sa bahay namin.

Nagmadali na akong bumaba ng hagdan saka ako lumapit kay manang at marahan na tinapik siya sa balikat. "Good morning, manang. Wag na po kayong magluto. Sa labas nalang po ako kakain."

"Sige... Magmomotor ka na naman?"

Nginitian ko lang si Manang saka ako tumakbo na palabas. Medyo maaraw na kasi pasado ala-sais na. Pagkakuha ko sa motorbike ko ay agad na akong umalis sakay nito. Namiss ko rin ang magmotorbike. Mahirap kasing mag-ganito sa Maynila, hindi katulad dito sa Sitio Maligaya. Konti lang kasi ang vehicles dito kaya ang lawak ng highway para magpatakbo ng ganito.

After a minute ay nakarating na ako sa resort. Napakalapit lang naman ng resort sa bahay namin at sabihin pa natin na mabilis akong magpatakbo kaya mabilis akong nakarating. DRAG RACER dati eh.

Ipinarada ko muna ang motor bike ko sa car park saka ako tumakbo na papunta sa room na tinutuluyan nila Kaye Anne. Halatang mga tulog pa ang mga tao dito. Pa'no naman, wala pa akong makita na pakalat-kalat na bisita ni Ate Lie. Puro mga sarado pa ang mga kwarto nila. Malamang, mga puyat eh. 

Umupo muna ako saglit dun sa bench na katapat ng room nila Kaye Anne saka ko nilabas ang phone ko. Sakto 6:30AM na pagkakita ko sa time. Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng kwarto nila. Nakayuko ako at nakapatong ang dalawa kong siko sa hita ko kaya 'di ko pa nakikita kung sinong nagbukas.

"Nathan!"

Inangat ko naman ang ulo ko. Si Chloe pala. "Uy, good morning, Chloe," nakangiting bati ko sa kanya.

Ngumiti din siya saka siya naglakad palapit sa akin. Medyo nagstretch pa siya ng arms niya saka siya umupo sa tabi ko.

"Morning... Ang aga-aga, nandito ka?"

"May pupuntahan kami ni Kaye Anne."

"Oooh~ Uy, Nathan." Kinalabit niya ako sa braso kaya umayos ako ng upo saka ako tumingin sa kanya. "Magtatanong ako ha? Sagutin mo ng maayos! Wag mo akong babarahin."

I shrugged tapos hinarap ko yung sarili ko sa kanya. "Teka muna. Tulog pa ba si Kaye Anne?" Tanong ko.

She smiled sheepishly. Yung tipong nakakaloko talaga. 

"Ano?" I asked.

"Tulog pa. Dali na!! May tatanong ako..."

"Sige lang..."

Ngumiti siya ng malapad saka niya tinaas yung dalawa niyang paa sa bench tapos niyakap ang dalawang tuhod niya. "Do you like Kaye Anne?"

"Pfft! Ano ba yang tanong mo na yan??" Medyo tinulak ko pa siya ng mahina kaya lang tinignan niya lang ako ng masama saka niya tinaas ang kamao niya sa mukha ko.

"Oo o hindi!? Seryoso nga diba?! Bakit ang tali-talino mo pero simpleng tanong lang 'di mo masagot ng diretso?! Oh, ano... Yes or no?!"

Nanlaki ang mga mata saka ako napalunok. Amazona ba 'tong si Chloe? 

"Oh, ano? Sagot PRINSIPE NATHANIEL!" Pasigaw niyang sabi.

Pagkasigaw na pagkasigaw ni Chloe, narinig kong bumukas ulit ang pinto ng kwarto nila kaya sabay kaming napalingon roon.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon