CHAPTER 10

717 10 1
                                    

HAILEY

Umaga na, araw na ng Huwebes ngayon. Papunta na kaming ilog, kasama na din namin si Yuna ngayon.

ANGELA

Kagabi nakalipat ako ng mapapagtaguan kaya ito, nandito ako, hindi ko alam kung saan ako mag-sisimulang mag hanap sa kanila.

CALVIN

Kailangan kong malaman kung nasaan yung basement, dahil nandoon sina Jhiciel, para mailigtas ko agad sila.

HAILEY

Tanghali na.

"Ayos ka lang Yuna? Kanina pa kitang napapansing tahimik eh." Pagtatanong ko kay Yuna.

"Huh, hindi ah, medyo masakit lang yung ulo ko." Si Yuna.

"Baka dahil sa init, napakainit kasi, pasok ka muna doon sa tent oh." Ako.

"Sige sige." Si Yuna.

"Masaya kaming nag-ke-kwentuhan, yung iba naliligo sa ilog, nag-gigitara naman yung iba, yung iba nag-iihaw at kumakain basta masaya.

******

Tanghali na at natigil ang lahat ng napansin ni Ruth na nawawala si Owen at Bryson.

"Diba kasama lang kanina nina Dwayne sina Owen at Bryson." Si Lily.

"Sabi nila iihi lang daw sila." Si Dwayne.

"Kanina pa ba sila wala." Si Dylan.

"Baka kung saab na pumunta yung mga yun." Si Jennie.

Naghintay kami hanggang sa inabot na kami ng 6:00 pm. Yung iba naghanap sa malapit pero hindi parin nila nakita.

"Gago nasaan na yung mga yun, hindi na bumalik." Si Kaito.

"Mag-gagabi na oh." Si Ruth.

"Hahanapin namin sila." Si Kai.

"Babalik na ba kami sa bahay?" Si Naomi.

"Hindi, dito lang kayo, kami nina Red, Kaizer, Dwayne at Cohen ang mag hahanap tapos iwan na kayo dito." Si Kai.

"Kukuha lang ako ng flashlight para may magamit kayo." Si Yuna.

"Sige, sige, samahan mo na sya Aiden." Si Kai.

"O sige." Si Aiden.

"Sasamahan ko na din kayo." Si Jeralene.

"Sigurado ka? Mag ingat kayo." Si Kai.

"Oo, basta kailangan nating mahanap yung dalawa." Si Jeralene.

"Jusq, nasaan na ba kasi yung dalawang yun." Si Ruth.

"Sinabihan na naman kasing wag layo." Si Akisha.

"Baby, tawag ka lang kung may problema, pupunta agad kami." Sabi ni Red kay Aiden.

"Okay." Si Aiden.

"Mag ingat kayo ah." Si Ruth.

Nag-simula namang maglakad papalayo sina Yuna.

YUNA

Kinakabahan ako sa gagawin ko, hindi ko alam kung tama ba to. Ipapahamak ko sina Jeralene, tapos nawawala pa yung dalawa, may kinalaman ba sina Pearl dito. Pero ito lang yung pinag-usapan namin.

Tahimik lang kaming nag-lalakad ng biglang nag salita si Aiden.

"Nasaan kaya yung dalawang yun?" Si Aiden.

"Napalayo lang yung mga yun, pero mahahanap din natin sila." Si Jeralene.

"Ah, Yuna, diba walang tao sa inyo?" Si Jeralene kaya agad akong napatingin sa kanya.

Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)Where stories live. Discover now