CHAPTER 8

810 13 1
                                    

DARIUS

Hating gabi na, tulog na naman siguro sila, uuwi na lang ako, wala naman akong gagawin dito kaaway nila akong lahat.

Inayos ko na yung mga gamit ko, mag-hihintay na lang ako ng sasakyan doon sa may kanto.

Agad akong bumaba, sa likod ako dadaan, teka. Bakit hindi na ka lock to? Pakinig ko pang pinag-uusapan nila yung tungkol dito sa pinto tapos ngayon hindi na ka lock. May lumabas ba?

Bahala na nga sila.

Lumabas na nga ako at nag-simulang mag-lakad. Ayun yung bahay nung baliw na Yuna.

Mag-kakalayo yung mga bahay dito.

Teka parang may nasunod sakin, gago. Meron nga, mag-nanakaw ba to? Tangina naman.

"Anong kailangan mo?" Agad akong lumingon at tinanong sya, pero nakatayo lang sya, naka sombrero sya kaya hindi ko makita yung mukha nya.

"Anong kailangan mo sabi? Pera ba? Bibigyan kita." Ako.

Mag-sasalita pa sana ako pero agad na may tumama sa ulo ko, may humampas sa ulo ko. Napahiga na lang ako sa lupa, ang sakit ng ulo ko, agad kong hinawakan yung ulo ko kung saan yung masakit at may dugo yun.

Agad na lumapit yung lalaki sa akin at tinadyakan ako sa tyan. Pinag-tatadyakan at pinag-hahampas nila ako hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

ANGELA

Ayun nga, nung alam kong nakatulog na silang lahat lumabas ako. Nag-lalakad na ako pabalik doon sa may short cut, alam ko namang hindi sila maniniwala sa mga pinag-sasabi ko kaya ako na lang yung gagawa ng paraan para iligtas sila. Kumuha din ako nung maliit na kutsilyo. Para kung may mangyari maipag-tanggol ko yung sarili ko.

Napag-usapan din nila yung tungkol doon sa alay alay sa demonyo. Siguro sila yung mga gumagawa noon kaya nila kinuha sina Jhiciel. Yung nag-papakita ding babaeng sunog yung mukha siguro ayun yung nangyari sa kanya. Pero hindi ko alam kung anong gusto nyang iparating. Nung una palang nag-pakita sya, siguro babala na yun, pero ayun tumuloy pa din kami. Basta kailangan kong mailigtas sina Calvin, kung patayan yung gusto nila, pagbibigyan ko sila.

HAILEY

Nagising na kaming lahat pero, wala si Angela at Darius, umalis sila kagabi, pag tingin nila sa pinto sa likod hindi na yun naka-lock.

"Nasaan kaya pumunta si Angela?" Si Dylan.

"Wala naman na tayong magagawa kasi umalis na sila." Si Ruth.

"Naka-uwi na kaya yun si Darius, nag iwan kasi sya ng message na uuwi sya eh." Si Dwayne.

"Nakauwi na naman siguro yun." Si Lily.

"Siguro nga." Si Kai.

"Mainit na ngayon oh, maaliwalas sa labas, tutuloy na ba tayo doon sa may ilog?" Si Akisha.

"Oo, hahanap muna tayo ng magandang pwesto doon, tapos bukas na tayo mag-tatayo ng tent." Si Kai.

"Sasama yata si Yuna eh." Si Lily.

"Oo nga sasama yun." Si Kaito.

"Sus, crush mo lang kasi si Yuna HAHAHA." Si Cohen.

"Tumigil ka nga dyan." Si Kaito.

"HAHAHA." Si Dwayne.

"Mag-ayos na kayo, mag-hahanap na muna tayo ng ma-pe-pwestuhan doon." Si Kai.

"Tatawagin ko lang si Yuna, samahan mo ko Hailey." Si Jeralene.

"Ah sige." Ako.

"Sasama din ako." Si Akisha.

"Tara." Si Jeralene.

Lumabas na nga kami. Medyo malayo pa yun ng kaunti pero kita naman mula dito yung bahay nina Yuna.

Nandito na nga kami sa harap nila.

"Yuna? Tao po?!" Sigaw ni Akisha.

"Oh, kayo pala." Si Yuna.

"Sasama ka samin diba?" Si Jeralene.

"Ahh oo, mauna na kayo, susunod na lang ako." Si Yuna.

"Sigurado ka?" Si Akisha.

"Oo." Si Yuna at nginitian kami.

Kaya bumalik na kami at sinabi kay na Kai na, susunod na nga lang daw si Yuna.

Nag-lalakad na nga kami dito sa gitna ng gubatan. Puro huni ng ibon ang maririnig mo, ang kati din sa binti dahil may nadadaanan kaming matataas na damo.

"Malapit na ba tayo?" Pagtatanong ni Lily.

"Medyo." Si Kai.

So ayun, patuloy pa din kami sa pag-lalakad.

CALVIN

Ayun na nga, nakatakas ako kagabi, pero nandito pa din ako sa bahay.  Kagabi pa nila ako hinahanap hanggang ngayon. Nandito lang ako nag-tatago. Kailangan ko lang malaman kung saan yung daan papunta doon sa basement. Sana okay lang sila doon, si Angela kaya, ano na kayang nangyari sa kanya.

HAILEY

Nandito na nga kami, nag-hanap na sila ng ma-pe-pwestuhan. Maya maya pa dumating na si Yuna.

"Oh nandyan na si Yuna." Si Ruth.

"Kamusta kayo?" Si Yuna.

"Ayos naman." Ako.

"Oy sabihan nyo yung iba, wag masyadong lumayo!" Si Kai.

Hanggang sa inabot na kami ng tanghali dito at napag-planuhan na naming umuwi. Kakain muna kami tapos babalik kami mamayang hapon.

ANGELA

Nandito na ulit ako sa may bakod ng malaking bahay. Walang tao, aakyat na ako.

Tuluyan na akong nakapasok sa bakod. Nag-tago muna ako sa likod ng matataas na damo. Saan kaya ako dadaan. Siguro may daan naman sa likod, kaso baka may makakita sa akin. Teka may babae, ayun yung nakalaban ko, paalis sya.

Kailangan ko munang gumawa ng plano.

HAILEY

Alas dos na ng hapon kaya babalik na kami doon sa may ilog. Yung iba di na sumama kasi wala na naman kaming masyadong gagawin.

******

Mag-aalasais na, palubog na yung araw kaya naisipan na naming umuwi, bukas huwebes na, bukas na din kami mag-tatayo ng tent.

ANGELA

Gabi na, pag-kakataon ko na para makapasok sa bahay na yun, sa laki nito saan ko kaya sila hahanapin.

TO BE CONTINUE.

Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)Where stories live. Discover now