CHAPTER 14

636 8 0
                                    

NAOMI

Sobrang sakit ng balikat ko at patuloy parin ito sa pag dugo. Hindi ko alam kung buhay pa ba tong si Cohen. Mas malala yung mga tama nya.

Nababaliw na tong babae sa harapan namin pati yung lalaking kasama nya.

"Bago tayo umalis dito gusto ko munang maglaro tayong lahat, para wala ng malungkot diba?" Yung babae.

Nababaliw na sya.

"Magbibilang ako ng sampu habang tinuturo ko ang bawat isa sa kanila at kung saan tumama ang pang sampu, babarilin mo." Yung babae at tumawa ng tumawa, natawa nadin yung lalaking kasama nya.

Ginamit nya pa talaga si Dwayne, nagawa nya itong utuin. Kinakabahan ako dahil baka ako yung pang sampu. Sa aming apat lang naman magbibilang kung sinong pipiliin. Ako si Akisha, Kaizer at Kaito. Si Cohen nakahilata na.

"Isa." Turo nito kay Kaizer.

"Dalawa." Turo nito sa akin, sabay ng pag patak ng pawis at pagkabog ng dib dib ko.

"Tatlo." Turo nito kay Kaito.

"Apat." Kay Akisha naman.

"Teka, mukhang napatay ko yata tong isang kasamahan nyo, i'm so sorry, oh may isa pa pala dito patay din." Yung babae at nakangiti.

Wala na nga si Cohen pati si Owen.

"Lima." Turo nito sa akin na ikinagulat ko.

"Anim." Turo nito kay Kaito.

"Pito." Turo naman nito kay Kaizer.

"Walo." Turo nito kay Akisha.

"Ooppss! Dalawa na lang, swerte naman nung mapipili." Yung babae habang natatawa.

"Siyam." Sabi nito at biglang tumuro sakin, lumipat kay Kaizer, Akisha at Kaito.

"Siyam." Turo nito kay Kaizer.

"At ang pang sampu ay ikaw." Turo nito kay Kaito.

Gagawin ba talaga to ni Dwayne?

"Ano pang hinihintay mo Dwayne? Barilin mo na sya." Yung babae.

Dahan dahan ng tinututok ni Dwayne yung baril kay Kaito.

"T-teka Dwayne, seryoso ka ba?" Si Kaizer.

"Tumahimik ka nga, gusto mo ikaw na lang?" Yung babae.

"A-ako? Ako yung napili diba? Sige gawin mo na." Si Kaito.

"Gawin mo na daw." Sabi nung lalaki.

Pinikit ko ang aking mga mata para hindi makita kung anong gagawin ni Dwayne kay Kaito.

Maya maya pa ay narinig ko na ang pag-putok ng baril at sigaw ni Kaito. Agad kong iminulat yung mga mata ko at nag-palakpakan yung dalawa sa ginawa ni Dwayne.

Sa hita tinamaan si Kaito, nararamdaman ko yung sakit, syempre natamaan din ako.

"Ngayon kayong tatlo lumuhod." Sabi nung babae na agad naming ginawa.

"Dwayne, lagyan mo ng plastic yung mga ulo nila at itali mo yun sa may leeg nila." Yung babae. "Ikaw naman itali mo yung mga kamay nila." Utos nito sa kasama nyang lalaki.

Sinimulan na nilang gawin yun kay Kaito. Nilagyan ng plastic sa ulo at tinali yung kamay, isusunod nila si Akisha, tapos si Kaizer at ako yung pang huli, kailangan gumawa ako ng paraan para makatakas dito.

Ano bang dapat kong gawin?

Inilibot ko ang paningin ko sa kapaligiran hanggang sa napatingin ako doon sa may ilog, nakatayo doon yung babaeng sunog yung mukha, yung pinag uusapan namin sa bahay, nakatayo sya doon at nakatingin sa akin. Sign na ba to?

Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)Where stories live. Discover now