CHAPTER 16

634 10 0
                                    

NAOMI

Nandito ako ngayon sa may tabi ng ilog. Umaga na, inabot na ako ng umaga dito. Tumigil na sa pag dugo yung balikat ko pero ang sakit pa din.

Hindi ko na alam ang susunod na gagawin ko. Pero may malaking bahay doon sa may taas, luma na yun. Alam kong may mga tao doon dahil may sasakyang bumusina kagabi doon.

May malapit na kalsada dito, susubukan kong humingi ng tulong.

RUTH

Inabot na kami ng umaga dito, gutom na din kami. Hindi pa namin alam kung anong dapat naming gawin.

HAILEY

Inabot na kami ng umaga dito sa gubat, naligaw na yata kami.

ANGELA

Nandito ako ngayon sa ibang kwarto, umalis ako kagabi kung saan nandoon si Darius.

NAOMI

Nandito na ako sa may kalsada. Inabot na ako ng dilim dito, pero ni isang sasakyan walang dumadaan. Pero didiretso lang ako hanggang makahingi ng tulong.

JERALENE

Patuloy lang kami sa pag lalakas sa gubat hanggang sa makadating kami dito sa may bahay bahay. Madaming mga bahay pero mukhang wala ng nakatira. Puro mga lumang bahay na lahat.

"Naligaw na yata tayo." Si Aiden.

"May tatlong tao doon." Si Red.

Biglang pumasok yung isang lalaki doon sa loob at may kasama na syang babae. Dahan dahan silang lumapit sa amin hanggang sa namukaan na namin sila, si Dylan yung babae, tapos yung dalawang lalaki yung nakalaban namin doon sa bahay.

"Pakawalan nyo sya." Si Aiden.

"Kayo yung mga nasa bahay diba? Aba, hindi pa kayo tumakas." Yung lalaki.

"Mag babayad kayo sa ginawa nyo samin." Sabi naman nung isa.

"Pakawalan nyo sya." Si Aiden.

"Sumama na lang kayo samin para walang masaktan." Yung lalaki.

Nakatutok yung kutsilyo sa tagiliran ni Dylan at umiiyak sya.

Kung nandito si Dylan, nandito din sina Lily at Ruth.

"Nasaan pa yung mga kasama nya?" Pagtatanong ko.

"Ah yung dalawang babae ba? Nandoon sa loob, sumama na kayo para walang masaktan." Sabi nung lalaki.

"Please, Jeralene, sumama na kayo." Pag mama-kaawa ni Dylan at bakas sa mukha nya ang takot.

Nagulat na lang kami ng bigla nyang sinaksak sa tagiliran si Dylan, tinadtad nya ito ng saksak hanggang sa tyan. Bigla namang sumugod si Red at itinulak yung lalaki kaya natumba sila pati si Dylan.

Agad naglabas ng baril yung isang lalaki at babarilin sana si Red pero biglang lumabas si Lily doon sa isang bahay at natakbo papunta sa amin. Pero pinag babaril sya ng lalaking ito kaya tumumba agad sya.

Bigla namang lumapit si Aiden doon sa lalaking may baril at inagaw yun, nakisali na rin ako at naki-agaw pero biglang may sumabunot sa buhok at hinila ako, yung isang lalaki pala.

"Aray! Bitawan mo ko!" Sigaw ko at kinalmot ko yung kamay nya hanggang sa bitawan nya ako nagulat na lang ako ng biglang sinaksak ni Red yung lalaking sumabunot sa akin.

Agad naman akong lumapit kay na Aiden hanggang sa tuluyan naming naagaw yun at hindi na nag dalawang isip pa si Aiden at binaril na nya yung lalaking.

Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)Where stories live. Discover now