CHAPTER 11

760 5 0
                                    

AIDEN

"Bi-b-bi-tawan m-mo k-ko." Hirap na hirap kong sabi sa lalaking to, pero tuloy parin sya sa pag sakal sakin.

Naluluha na ako sa sakit. Nakadag-an pa sya sa ibabaw ko.

JERALENE

Nakadapa ako sa sahig ngayon, rinig ko yung pag-mumura nung lalaki sa taas ano na kayang nangyari kay Aiden.

"Gusto mo na din bang mamatay? Wag ka lang manlaban para di ka masaktan, baka magaya ka sa kaibigan mo sa taas." Sabi ng lalaking to sakin.

"Sino ba kayo?! Anong kailangan nyo samin?" Ako.

"Iaalay namin kayo sa demonyo, wag kang malikot dahil huhubadan na kita." Masaya nyang sabi.

Ibig sabihin.

Hindi.

Hindi pwede.

HAILEY

"Kailangan na nating bumalik doon." Si Akisha.

Kanina pa naka-alis sina Kai at Red. Dito lang daw kaming lahat, pero hindi ko maintindihan bakit kami pinapaalis dito ni Yuna, mapapahamak daw kami. Kailangan lang mag handa dahil baka maya maya may mangyaring masama. Ano na kayang nangyari kay na Jeralene.

"Hindi pwede, sabi nina Kai dito lang tayo diba." Si Cohen.

"Pero sabi ni Yuna, mapapahamak daw tayo dito, baka kung anong mangyari satin." Si Lily.

"Oo, mas alam ni Yuna tong lugar." Si Dylan.

"Di nyo ba napapansin parang niloloko na tayo nung Yuna na yun? Kung mas alam nya tong lugar na to, sana kanina nya pa tayo tinulungang hanapin sina Bryson at Owen." Si Cohen.

"Ito na naman tayo." Si Naomi.

"Teka nga, kumalma muna kayo." Si Kaizer.

"Kumalma? Mapapahamak na tayong lahat kakalma pa?" Si Lily.

"Wag ka ng makisali sa kanila." Sabi ko kay Kaizer.

"Kampihan na? Pag jowa kakampihan agad?" Si Lily.

"Wala akong kinakampihan, pinapatigil ko lang sya." Ako.

"Wow, basta hindi kayo masali sa gulo?" Si Lily.

"Alam mo lalo mo lang pinapalaki tong gulo." Ako.

"Bumalik na lang tayong lahat." Si Akisha.

"Ganto na lang para walang gulo, umalis dito yung gustong umalis at mag paiwan yung gustong mag paiwan, mag papa-iwan ako, dahil sinabi ni Kai na dito lang Tayo at wag aalis." Si Naomi.

Natahimik ang lahat at walang kumilos ng biglang nag salita si Lily.

"Bakit ang tatahimik nyo? Sige, mag kampihan kayo lahat, kanina kayo Dylan at Akisha gusto ng umalis dito diba, tapos ngayon hindi kayo kumikilos. Ano na? Sige, bahala kayo dyan, mag sama sama kayo." Si Lily at nag lakad palayo.

"Hahayaan na lang ba natin sya?" Si Dylan.

"Ang kulit eh, bahala sya, napaka taray pa." Si Jennie.

"Pang gulo kasi tong si Yuna, tingnan nyo hanggang ngayon, wala parin sina Bryson at Owen, kukuha lang sina Jeralene ng flashlight doon, may kung ano ng nangyari, malas kasi yang si Yuna." Si Cohen.

"Pero hindi mawala sa isip ko yung chat ni Yuna, may mga mag-nanakaw doon sa bahay nila, hindi ba natin sila tutulungan?" Si Ruth.

"May usapan na diba? Kung gusto mo sumunod ka doon kay Lily na yun." Si Cohen.

Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)Where stories live. Discover now