CHAPTER 12

671 9 0
                                    

JERALENE

Tumaas na kami ni Kai, para puntahan sina Aiden. Kasama din nila si Yuna.

"Anong ibig sabihin nito Luna?" Pagtatanong ko kaya napatingin sila sa akin.

"Mag papaliwanag ako, pero bago yun, nasaan sina Hailey? Nandoon pa ba sila sa ilog?" Si Yuna.

"Sino si Pearl? Ano ba talagang nangyayari Yuna?!" Tumaas na yung boses ko.

"Mamaya na ako mag papaliwanag, kailangan ng umalis nina Hailey doon sa ilog, papatayin sila nina Pearl." Si Yuna na ikinagulat namin.

"Papatayin nila tayong lahat." Dugtong nya pa.

HAILEY

"Hays, hindi pa din ako mapakali, ang tagal nila, umalis pa yung tatlo, tapos hindi padin nahahanap sina Bryson at Owen." Akisha.

"Bakit gusto mo sumunod sa mga yun?" Si Cohen.

"Bakit may sinabi ba ako?" Si Akisha.

"Anong gagawin natin dito? Maghihintay na lang?" Si Dwayne.

"Akala ko naman masaya ang bakasyon na to, pero puro awayan lang, may pa prank pa kayong nalalaman, pampagulo lang yan eh." Si Naomi.

"Hay nako, sinabi mo pa." Si Akisha.

"Baka prank nga lang eh." Si Dwayne.

"Oh, baka nga prank, baka lang, pano pag hindi pala prank? Oh ano? Edi napahamak sila lahat doon, masama nga daw nangyari eh at kailangan nila ng tulong." Si Akisha.

"Ang O.A nyo talaga, makakapag text ba si Yuna kung nasa panganib silang lahat doon? Oh?" Si Dwayne.

"Ang sabi nina Ruth, may masama daw nangyari doon sa bahay nina Yuna at kailangan ng tulong, baka kung ano lang yun, nakapag text nga si Yuna diba, kailangan ko pa bang ipaliwanag?" Dugtong pa nito.

"Pinaliwanag mo na diba." Si Akisha at may pag kainis sa mukha nito.

"At ang tinutukoy kong prank ay about doon sa tinext ni Yuna, dahil baka nandoon na yung dalawa, sina Bryson at Owen,sinabi lang nila na may masamang nangyari, sa sobrang arte naman nung tatlong babae na sina Lily ay, nag si alisan naman." Si Dwayne.

"Oh tapos? i-explain mo naman bakit kailangan tayong paalisin ni Yuna dito dahil mapapahamak tayo, bida bida ka eh." Si Akisha at inis pa din.

"Baka nga kasi pran-" Si Dwayne pero nag salita agad si Akisha.

"Prank na naman? Mukha mo prank, itsura mo palang di na mapag-katitiwalaan." Si Akisha at kita sa mukha ni Dwayne ang pag kainis.

Napatawa naman si Cohen at yung iba.

"Walang nakaka-alam kung ano talagang nangyari, kasi wala namang sinabi kung anong talagang nangyari, ang gulo lang talaga nila, pinapagulo lang nila kaya mag hintay nalang tayo dito." Si Kaito at tumahimik nalang kami.

Kanina ko pa talaga pinag-iisipan to, may hindi sinabi si Ruth sa amin. Kung ano talagang nangyayari doon, kaya mas lalong gumulo. Hindi naman kami papaalisin dito ni Yuna kung walang mangyayaring masama sa amin, si Ruth at Kai lang ang nakabasa nung message ni Yuna. Ibig sabihin alam ni Ruth kung anong nangyayari doon. Bakit sya aalis kung hindi nya alam ang nangyayari, pero umalis sya kaya mapapahamak kami dito.

"Nasaan na kaya sina Bryson at Owen?" Si Jennie.

"Umalis na tay-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng nakarinig kami ng putok ng baril. Sinasabi ko na nga ba.

"Wag nyong sabihing prank yan." Si Akisha.

"Umalis na talaga tayo dito." Si Eri.

Siyam kaming natira dito.

Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)Where stories live. Discover now