Chapter 70

343 6 15
                                    

Anakin's POV

"Dahan dahan lang Natalie." Sambit ko habang inaalalay ko si Natalie pababa sa stairs.

Yup, malaki na yung tiyan ni Natalie and I can see na she's having a hard time walking. But it doesn't matter, I can't wait to see my boy Logan.

Agad agad kong pinaupo si Natalie sa sofa at kinuha ko na yung pagkain niya na naka ready na sa dining table.

"Natalie, subuan na kita ha!"

"Wow ah! Anong akala mo saakin?! Baby?!"

"Baby naman kita eh. Kahit may baby boy na tayo."

"Ewan ko sayo Skywalker!"

"The force is strong with you. Chosen one."

"Manahimik ka nga! Nababaliw ka nanaman sa Star Wars eh!" Singhal niya bago umirap na ikinatuwa ko.

"Subuan na kita Natalie." Sambit ko na ikinabuntong hininga niya lang.

Agad agad naman ito humarap saakin at sinubo yung pagkain na nasa kutsara niya.

"Ganda ng smile ah!" Sabi niya na nakangiti.

"Oo naman Natalie!"

Pagkatapos kumain ni Natalie, agad agad kong inayos yung bathtub para maligo na si Natalie.

"Natalie. Maligo ka na. If you need anything, just call me ah."

"Anakin, bantayan mo lang ako."

"Huh?"

"Bantayan mo lang ako! Wala naman tayong gagawin eh! Tsaka malapit na rin lumabas si Logan eh. Alam mo naman na ayaw mong may mangyari saamin ni Logan, kaya bantayan mo na lang ako." Sambit niya na ikinabuntong hininga ko lang.

"Okay. Kung yun ang gusto mo."

"Yay!! I love you Skywalker!!" Sambit niya bago ako yakapin.

"I love you too Natalie!"

Dahan dahan kong inalalay si Natalie papunta sa banyo at agad namang tinanggal ni Natalie yung bathrobe niya bago ko siya tinulungan papunta sa bathtub.

"Thank you Anakin ha." Pagpasalamat niya bago lumublob sa bathtub na puro sabon.

"Anything for you my love." Sambit ko bago umupo sa stool.

"Anakin, gusto mo na bang sundan si Logan?" Tanong niya.

"What do you mean Natalie?"

"Anakin, pag lumaki na si Logan, buo na tayo second baby para may kapatid na siya." Sambit niya bago ako ngumisi.

"Para may kapatid si Logan or maramdaman mo ulit yung alaga ko?"

"Uhmm... a bit of both? Sagot niya na nakangiti.

"Okay then. Hintay muna tayo ng ilang years, and once your ready, and matanong natin kay Logan yung tungkol sa second baby natin, yun! Buoin na natin. S*x ulit."

"Ano nga ulit yung name mo kay baby girl Anakin?" Tanong ni Natalie.

"Ventress."

"Ang ganda ng name ha!"

"Actually, I always wanted to have a daughter named Ventress. I don't know why, but ever since dad asked me about a daughter's name, Ventress just came out of my mouth." Sambit ko.

Maya maya, dahan dahang tumayo si Natalie sa bathtub at nginitian niya lang ako.

"Sexy ba Anakin?" Tanong niya bago kumindat.

"You don't need to ask Natalie. Kahit buntis ka pa, you're still one attractive girl I love." Sambit ko bago ko kunin yung twalya niya at pinunasan ang katawan niyang basang basa.

"Siya nga pala Anakin. Nanganak na raw yung tatlong agents."

"Yup. Lumabas na si Falco, Might, pati si Lexeaus."

Inalalayan ko si Natalie sa pag alis ng bathtub bago ko takpan yung katawan niya ng twalya.

Lumabas na kami ni Natalie sa kwarto at tinanggal na ni Natalie yung twalya niya para magbihis ng damit.

"Ahh!"

"Natalie? Ayos ka lang?" Tanong ko na nag aalala.

"Ahh! Ang sakit!".

Shoot! Manganganak na si Natalie!

"Natalie! Manganganak ka na?! Masakit ba?"

"Aray!! Ahh!!"

"Natalie! Kumapit ka!" Sigaw ko bago ko siya buhatin.

Agad agad akong bumaba ng mabilis sa hagdanan habang binubuhat ko si Natalie at agad agad ko siya linagay sa likod ng kotse.

Inandar ko na agad yung kotse at nagmaneho na agad ako papunta sa ospital.

Natalie's in pain! I can't waste my time worrying, kailangan nang lumabas ni Logan.

Ilang minuto na, dumating na kami sa ospital at agad agad akong lumabas para pumunta sa emergency room.

"NURSE! MANGANGANAK NA YUNG ASAWA KO!" Sigaw ko bigla!

Agad agad nila kinuha yung rocking bed at pinahiga ko si Natalie sa kama.

"Anakin!! Ang sakit!!" Mangiyak iyak na sambit niya.

"Hang on Natalie! Everything will be okay! Magiging okay din si Logan." Pagpaalala ko sakanya.

Agad namang ako huminto nung pumasok na si Natalie sa emergency room at napabuntong hininga na lang ako.

I'm so nervous honestly. Pero I'm excited at the same time.

"Sir pasok po kayo sa emergency room." Sambit ng nurse saakin bago ako sumunod.

Agad agad ako lumuhod sa gilid at hinawakan ko lang yung kamay ni Natalie ng mahigpit.

"Ma'am, pag sinabi kong umire ka, umire ka po ha?"

"Opo doc."

"1, 2, 3, ire!"

"Mmmmm!!!!!"

"Hang on Natalie. Just hang on." Sambit ko habang hinahawakan ko si Natalie ng mahigpit.

"Very good po ma'am! 1, 2, 3, ire!"

"Hnggh!!!!"

"Very good ma'am. Ire!"

"Ahhh!!! Ang sakit!!!" Mangiyak iyak na sambit ni Natalie.

"Ma'am, nakikita ko na po yung ulo ng anak niyo! Ire!"

"AHHHH!!!!!"

"Uwaa!! Uwaa!!"

Damn! My emotions are mixed right now! Logan! Lumabas na si Logan!

Hooh! Naiiyak ako!

"Ma'am, yung anak niyo po." Sambit ng doktor bago niya ibigay saamin si Logan.

"Ang cute ni Logan."

"Damn, I'm getting emotional!" Mangiyak iyak na sambit ko.

"Nakakatuwa nga eh. May anak na tayo. May isusunod pa tayong Ventress."

"Natalie, hinay lang muna. Bagong panganak ka pa lang eh. Siguro tiis tiisin mo muna para may lakas ka kahit papano."

"Hi Logan! Mommy mo to." Sambit ni Natalie na kinakarga si Logan.

"Anak, we love you so much no matter what happens? Okay?"

"Mommy and Daddy loves you so much Logan."

Welcome to our world Logan! I can't believe na magiging Daddy na ako.

Love or PleasureWhere stories live. Discover now