Chapter 16

916 9 23
                                    

[Warning: SPG]

Brooklyn's POV

Eto pa rin yung secretary niyo, nagbibigay pa rin ng kape kung kani kanino. Ewan ko ba, hindi ko na nga alam kung secretary ba ako o taga timpla na lang ako ng kape?

"Brooklyn!"

"Oh ano nanaman Fiona??" Tanong ko.

"I heard about your wedding! Congratulations sainyo!" Sambit niya na ikina-ngiti ko lang.

Speaking of Fiona, isa si Fiona Gonzales sa mga naging kaibigan ko nung nagsimula akong magtrabaho dito as Levi's secretary.

Ayun, small talks lang naging close agad kami.

"Thank you Fiona."

"Sanaol may jowa no? Naunahan pa nga ako ng kapatid kong dancer eh."

"Magkakaroon ka din! Ang--"

"Panget ko. Hahaha!" Pagsabat ni Fiona sa sinasabi ko.

"Hoy Fiona! Wag ka nga mag iinarte diyan! Dadating naman si Shrek eh!" Pagbiro ko.

"Wow ah! Di porket Fiona yung pangalan ko, asawa agad ako ni Shrek?!" Sambit niya na ikinatuwa naming dalawa.

"Tsaka, mas mukhang ogre naman yung janitress natin." Pagbiro ni Fiona

"Sinabi mo pa!" Pag sangayon ko at tumawa na lang kami ng tumawa.

"Uhmm. Excuse me, are you Brooklyn Sanchez?" Tanong ng lalaki saakin.

"Hindi! Ito, si Brooklyn! Bakit?" Pagpilosopo ko.

"Ikaw nga si Brooklyn. Anyways, after ng break natin, pumunta ka sa office ni Levi." Sambit niya na ikinatango ko lang.

"Sige. Salamat. Siya nga pala, anong pangalan mo?" Tanong ko sakanya.

"Erwin. Erwin Achilles Sy." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

"Kapatid ako ni Levi. Meet him na lang sa office." Sabi niya bago umalis sa harapan namin.

"Pogi niya ah!" Bulong ni Fiona.

"Ano?"

"Pogi niya ah! No wonder why ang popogi ng mga Sy." Sambit niya na kinikilig pa.

Nahanap mo na nga si Shrek.

Maya maya pa, naglalakad ako papunta sa office ni Levi and all of a sudden, bigla akong nakaramdam ng hilo.

Luckily, malapit yung cr at office ni Levi kaya tumakbo ako papuntang cr.

"URRRKKK!!!" Pagsuka ko sa may toilet dahil sa sobrang hilo.

"UUURRRKKK!!!"

"Aww! May sakit ka?" Sambit ng pamilyar na boses na ikinalingon ko.

"Alam mo, pasalamat ka na lang hindi ako nagsuka diyan sa damit mo!" Pataray na sambit ko.

"By the way, just want to congratulate you sa wedding niyo ni Levi. Sana magka annulment kayo. Tutal, hindi pa kayo--"

"Nagkamilagro?" Pagsabat ko sa sinasabi ni Allyssa na ikinalaki ng mata niya.

"What?!"

"Diyan naman din tutungo yung mag asawa hindi ba?! Well, sorry not sorry, hindi ako nagsisi na nangyari to saamin ni Levi! Now, will you excuse me, dahil si Brooklyn Sanchez - Sy ay pupunta sa asawa kong sinayang mo!" Pataray na sambit ko bago umalis.

Pagkalabas ko, saktong sakto na pumasok si Levi sa office niya, kaya pumasok na rin ako.

Pagpasok ko, nakikita ko sa mga ngiti ni Levi na balak niya nanamang mang asar.

Love or PleasureWhere stories live. Discover now