Chapter 51

479 6 28
                                    

Erwin's POV

Nagmamaneho ako papunta sa bahay ni Fiona para sunduin siya, pero nagulat na lang ako nang makita ko siya na kasama si Naomi.

Binaba ko na yung bintana ko at napangiti na lang si Naomi nang makita niya ako at sinisiko si Fiona.

"Sige na Shrek! Hatid mo na tong si Fiona." Sambit ni Naomi bago pumasok sa bahay nila.

If I'm being honest, ang cute lang pakinggan kung tinatawag nila akong "Shrek." I don't know why, but it's cute especially pag kasama ko si Fiona. Tsaka nung narinig ko yan, nagpalusot lang ako na childhood ko yung movie na Shrek.

"Hi Shrek!"

"Hey Princess Fiona."

"Ang sosyal naman nun Erwin!" Sambit niya na ikinatuwa ko.

"Ganun talaga Fiona. Anyways, tara na?" Pagyaya ko na ikina-ngiti niya.

Nagmaneho na ako papunta sa kumpanya ng kapatid ko, at pagpasok na pagpasok ko sa office niya, aba'y makakandong naman tong si Secretary Brooklyn sa CEO niyang asawa.

"Oh! Anong tinitingin niyo diyan?!" Tanong ni Brooklyn na pataray.

"Si Shrek at Fiona lang yan honey. Ang aga aga, nagsusungit ka nanaman eh." Pag asar ni Levi.

"Paano ba naman kasi?! Ang aga aga, hinahalikan mo ako kahit tulog!"

"Ayaw mo nun? Magigising ka, makikita mo yung mokong na asawa mo?"

"Ayoko!"

"Sa ayaw't sa gusto mo, makikita mo yang mokong na asawa mo."

"Tanggalin ko na lang yang mata ko! Para tapos na ang usapan!"

"Ako naman gagabay sayo pag bulag ka."

"Ang cheesy masyado!"

"At least totoo!"

"Alis na nga ako!" Sambit ni Brooklyn.

"Pag umalis ka, hahalikan talaga kita!"

"Edi gawin mo!" Utos niya na ikinasunod ni Levi.

Hayys. Marupok talaga tong si Brooklyn.

"Bwisit naman Levi oh!"

"Sabi mo gagawin ko diba?"

"Che!" Singhal niya bago umirap.

"Ang ingay naman! Jusko!" Pagdating ng janitress na ikinairap naming lahat.

"Edi takpan mo tenga mo!" Pagbara ni Brooklyn sakanya.

"Whatever..." Sambit niya bago mag mop ng floor.

Idawdaw ni Allyssa yung mop sa tubig, pero sinagad niya ito na naging sanhi ng pagtalsik ng tubig.

"Ikaw ba'y nananadya or ano?!" Tanong ni Brooklyn bago tumayo at lapitan si Allyssa.

Kinuha niya yung bucket at binuhos niya ito kay Allyssa.

"What the hell?!"

"Namumuro ka na saakin ha! Ikaw maglinis niyan!" Utos ni Brooklyn na ikinainis ni Allyssa at nag mop na siya.

Actually, natatawa talaga ako sa pambabara ni Brooklyn.

Ang lakas ng tama!

Pero itong si Allyssa, namumuro na talaga eh. Ever since na nandidito siya, lagi niyang iniinit ulo namin.

Ezio's POV

Lunch break na namin, at kasama ko ngayon si Tahirah. Napangiti na lang kami nang makita namin si Sir Levi na binubuhat si Secretary Brooklyn na may kasama.

Love or PleasureWhere stories live. Discover now